Haribon
Haribon | |
---|---|
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | Pithecophaga Ogilvie-Grant, 1896
|
Espesye: | P. jefferyi
|
Pangalang binomial | |
Pithecophaga jefferyi | |
Nakaasul ang saklaw |
Ang haribon (Pithecophaga jefferyi) ay isang espesye ng agila na kritikal na nanganganib sa pamilyang Accipitridae na endemiko sa mga kagubatan ng Pilipinas. Mayroon itong kayumanggi at puting balahibo, malagong palong, at karaniwang sumusukat ng 86 hanggang 102 cm (2.82 hanggang 3.35 tal) sa haba at tumitimbang ng 4.04 hanggang 8.0 kg (8.9 hanggang 17.6 lb).
Kinokonsidera ang haribon bilang pinakamalaki ng mga buhay na agila sa mundo ayon sa haba at lawak ng pakpak. Mas malaki o mabigat lang ang Steller's sea eagle (haliaeetus pelagicus) at harpy eagle (harpia harpyja).[1][2] Idineklara ito bilang pambansang ibon ng Pilipinas.[3][4] Ang pinakamalaking banta sa espesye ang pagkawala ng tirahan nito, dahil sa pagkakalbo sa mga kagubatan sa saklaw nito.
Ang pangangaso ng haribon ay isang kriminal na pagkakasala, mapaparusahan ng batas na may hanggang 12 taong pagkakakulong at mabigat na multa.[5]
Pangalan[baguhin | baguhin ang wikitext]
Marami ang mga katutubong pangalan ng haribon sa mga wikang Pilipino. Kabilang dito ang banoy at agila (hiniram mula sa Kastila) sa Tagalog; manaul o manaol sa mga wikang Bisaya; manaol o garuda sa Maranao at Maguindanao; tipule sa Subanon; at mam-boogook o malamboogook sa mga wikang Manobo, Bagobo, Tagabawa, Mandaya, at Kalagan. Ginagamit din ang ilan sa mga pangalang ito para sa mga ibang malalaking agila, tulad ng white-breasted sea eagle (tinatawag ding manaul sa Bisaya). Sa modernong Filipino, karaniwan itong tinutukoy bilang haribon (pinagsamang "haring ibon”).[3][6]
Distribusyon at tirahan[baguhin | baguhin ang wikitext]
Endemiko sa Pilipinas ang haribon, at matatagpuan ito sa apat na malaking pulo: silangang Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao. Pinakamarami ang mga agila sa Mindanao, na may mula 82 hanggang 233 pares ng pag-aanak. Anim na pares lang ang matatagpuan sa Samar, dalawa sa Letye, at iilan lang sa Luzon. Matatagpuan ito sa Pambansang Parke ng Hilagang Sierra Madre sa Luzon at Mga Pambansang Parke ng Bundok Apo, Bundok Malindang, at Bundok Kitanglad sa Mindanao.[7][8]
Matatagpuan itong agila sa mga kagubatan ng lawan at gitnang montano, lalo na sa mga matarik na lugar. Ang taas ng tirahan nito ay mula sa mababang lupain hanggang sa mga bundok na mahigit 1,800 m (5,900 tal). Tinantiya na 9,220 km2 (2,280,000 acre) ng lagong-lumang kagubatan ang nananatili sa saklaw ng ibon.[7] Subalit, 146,000 km2 (56,000 mi kuw) ang kabuuang tinantiyang saklaw nito.[9]
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ Tabaranza, Blas R. Jr. (Enero 17, 2005). "The largest eagle in the world" [Ang pinakamalaking agila sa mundo] (sa Ingles). Haribon Foundation. Nakuha noong Setyembre 23, 2012.
- ↑ Ferguson-Lees, J.; Christie, D. (2001). Raptors of the World [Mga Raptor ng Mundo] (sa Ingles). London: Christopher Helm. pp. 717–19. ISBN 0-7136-8026-1.
- ↑ 3.0 3.1 Kennedy, R. S., Gonzales, P. C.; Dickinson, E. C.; Miranda, H. C. Jr. and Fisher, T. H. (2000). A Guide to the Birds of the Philippines [Isang Gabay sa mga Ibon ng Pilipinas] (sa wikang Ingles). Oxford University Press, New York. ISBN 0-19-854669-6
- ↑ Pangilinan, Leon Jr. (Oktubre 3, 2014). "In Focus: 9 Facts You May Not Know About Philippine National Symbols" [Nakapokus: 9 Katotohanan na Maaaring Hindi Mo Alam Tungkol sa Mga Pambansang Simbolo ng Pilipinas] (sa Ingles). National Commission for Culture and the Arts. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Nobyembre 26, 2016. Nakuha noong Enero 8, 2019.
- ↑ "Farmer arrested for killing, eating rare Philippines eagle: officials" [Magsasaka, arestado sa pagpapatay, pagkakain ng bihirang haribon: mga opisyal] (sa Ingles). AFP. Hulyo 18, 2008. Nakuha noong Marso 28, 2019.
- ↑ Almario, Ani Rosa S. (2007). 101 Filipino Icons [101 Ikonong Pilipino] (sa Ingles). Adarna House Publishing Inc. p. 112. ISBN 978-971-508-302-7.
- ↑ 7.0 7.1 Rare Birds Yearbook 2008 [2008 Yirbuk ng Bihirang Ibon] (sa Ingles). England: MagDig Media Lmtd. 2007. p. 127. ISBN 978-0-9552607-3-5.
- ↑ "PIA | Philippine Information Agency | Leyte named as rediscovery site of PHL eagle". www.pia.gov.ph (sa Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 24 Hunyo 2013. Nakuha noong 30 Hunyo 2022.
- ↑ "Philippine Eagle (Pithecophaga jefferyi)" [Haribon (Pithecophaga jefferyi)] (sa Ingles). BirdLife International. 2011. Nakuha noong Hunyo 3, 2011.
Mga link sa labas[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Pambansang Ibon ng Pilipinas Naka-arkibo 2019-09-03 sa Wayback Machine.