Harry S. Truman

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Harry S. Truman

Si Harry S. Truman (Mayo 8, 1884 – Disyembre 26, 1972) ay ang ika-33 pangulo ng Estados Unidos, mula 1945 hanggang 1953. Asawa niya si Bess Wallace Truman. Naging pangulo siya pagkaraan ng kamatayan ni Franklin Roosevelt habang nanunungkulan bilang pangulo. Bilang pangulo, nakagawa si Truman ng mahahalagang mga pagpapasya na may kaugnayan sa patakarang pang-ugnayang panlabas. Siya ang nagwakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig pagkatapos ng pagpapabagsak ng mga bombang atomiko sa Hapon.[1] Inayos niya ang Europa na nawasak habang nagaganap ang digmaan. Siya ang nagpasimula ng Digmaang Malamig. Siya ang nagsangkot ng Estados Unidos sa Digmaang Koreano.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R116.



TaoKasaysayanEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kasaysayan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.