Heart Evangelista

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Heart Evangelista
Kapanganakang pangalan Love Marie Payawal Ongpauco [1]
Kapanganakan 14 Pebrero 1985 (1985-02-14) (29 taong gulang)
Pinanggalingan Maynila, Pilipinas
Mga Gawain Aktres, Host, Mang-aawit, Modelo, VJ
Taong aktibo 2000 - kasalukuyan

Si Love Marie Payawal Ongpauco, (ipinanganak 14 Pebrero 1985), mas kilala sa pangalang Heart Evangelista, ay isang kilalang aktres, mangaawit, modelo at VJ sa Pilipinas.

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Kabataan[baguhin | baguhin ang batayan]

Siya ay pinanganak noong 14 Pebrero 1985 sa mga magulang na sina Reynaldo at Cecilia Ongpauco. Siya ang bunso sa pamilya, may isang kuyang nagngangalang Miguel at apat na ate na sila Lisa, Marjorie, Michelle at Camille.

Galing sya sa angkan ng mga Ongpauco na kilala para sa Barrio Fiesta. Ang kanyang tiyuhin na si Rod Ongpauco ang nagpundar ng Barrio Fiesta sa Pilipinas at ang kanyang ama ay nagtayo ng ilang Barrio Fiesta sa San Francisco, USA. Lumaki sya at nagaral sa Estados Unidos bago bumalik ang kanyang pamilya sa Pilipinas noong sya ay nasa ikaapat na baitang.

Karera[baguhin | baguhin ang batayan]

Di maikakailang isa sa mga pinakasikat na batang aktres sa Pilipinas, una syang nadiskubre ng isang commercial agent habang namimili sa mall kasama ang kanyang kapatid na si Camille. Una syang napasali sa Star Magic (dating Talent Center) ng ABSCBN at nakapareha ni John Prats sa palabas na G-Mik. Ang kanilang labtim ni John Prats ay umani ng malawak na kasikatan at nagkaroon sila ng ilang pelikulang magkasama - Trip, Ang Tanging Ina at My First Romance. Sila rin ang nagbida sa sikat na palabas na Berks. Matapos nito ay nawala na ang kanilang relasyon sa likod at harap ng kamera.

Matapos nito, nakapareha naman ni Heart si Geoff Eigenmann sa sikat na panggabing teleseryeng Hiram kung saan nakasama nila si Kris Aquino, Dina Bonnevie, John Estrada at Anne Curtis. Ang teleseryeng ito ay nagbigay kay Heart ng nominasyon sa Star Awards for TV para sa kategoryang Best Actress sa edad na 20.

Naging bida rin si Heart ng isang maaksiyong serye na Ang Panday kasama ang kanyang nobyo sa kasalukuyan na si Jericho Rosales.

Ilan pa sa mga karangalang naabot ni Heart ay ang pagkapanalo sa Best New Female Personality sa parehong Star Awards for TV at Star Awards for Movies. Nanalo rin sya ng texter's at listener's choice awards sa Himig Handog para sa kanyang sikat na kantang, Love Has Come My Way. Naglabas din sya ng kantang Tell Me sa Australia at umani ito ng popularidad doon at umabot sa #18 sa Australian hitcharts.

Sa ngayon ay ang Manila Genesis Entertainment ang namamahala sa kanyang karera matapos siyang hindi muling pumirma sa Star Magic ng ABSCBN.

Matapos ang halos isang taong pagbabakasyon at pagtutok sa paghohost at sa kanyang Heart Can foundation, kailan lang ay muli syang pumirma sa ABSCBN at nakatakdang gumawa ng bagong sineserye at variety show para sa stasyon. Ang kanyang bagong album din ay nakatakdang lumabas sa 2007. hello

Mga relasyon / Kontrobersiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagkaroon ng relasyon si Heart sa kanyang kalabtim na si John Prats. Matapos ito ay nasabing nagkaroon sya ng relasyon sa isang anak ng sikat na politiko. Kinumpirma ni Heart ang mga bagay na ito. Naugnay din sya sa aktor na si John Lloyd Cruz pero sinabi ni Heart na hindi sila naging magkasintahan pero lumabas sila sa ilang mga pagkakataon na magkasama. Naugnay din sya kay Geoff Eigenmann dahil sa kanilang teleseryeng pinagsamahan pero nasabing hindi totoo ang mga usap usapang ito.weh

Isang isyung kanyang kinasangkutan ay kasama ang mas matandang aktor na si John Estrada na nakatrabaho niya sa teleseryeng Hiram. Nasabing sinubukan daw siyang isamang pauwi ni John Estrada mula sa isang bar. Si John, na may ilang mga anak mula sa dating asawa, ay nagsabing walang ganung nangyari at si Heart naman ay pinabulaanan ang usap usapan na nagkaroon sila ng relasyon noon at sinabing hindi na sya magsasalita pa sa isyu "bilang respeto sa mga anak ni John."

Sinabi rin ni Heart na ang mga isyung ito ay hindi nakasira ng relasyon nila ni Jericho. Kailan lang din ay naayos na ang gusot sa pagitan ni Jericho at John Estrada na nagugat sa isyung nabanggit. Nagkabati sila sa isang salo-salo ng mga taong kilala sa showbiz.

Relihiyon / Charity[baguhin | baguhin ang batayan]

Mula noong umpisa ng taong 2006, naging mariin si Heart sa pagsasabing siya ang nagpalit ng relihiyon mula sa pagiging Katoliko sa isang Born Again na Kristyano. Dumadalo siya sa Victory Christian Fellowship. Binanggit niya rin na ang kanyang pagpapalit ng relihiyon ay isa sa mga dahilan kung bakit siya lumipat mula sa malaki at malakas sa Star Magic papunta sa mas maliit na Genesis.

Mula noong Setyembre 2006, nagkaroon si Heart ng mas makataong papel dahil sa pagpupundar niya ng Heart Can, isang foundation na naglalayong tumulong sa mga kabataang may respiratory disease na katulad niya. Ang Heart Can foundation ay nagdadala sa kanya sa serye ng mga mall shows at naglagay ng mga lata para sa donasyon sa mga kilalang establisyamento para makapagipon ng pera para sa mga kabataang nilalayong tulungan ng charity.

Bagamat ang paglipat niya mula sa Star Magic at Genesis ay nagdulot na bumaba ang dami ng kanyang proyekto at popularidad, sinabi ni Heart na wala syang pagsisi dahil kinailangan niya talaga ang spiritwal na pagpapayong maibibigay ng Genesis sa kanya. Sinabi rin niya na masaya siya sa kanyang buhay ngayon dahil hindi lang panay trabaho ang kanyang inaatupag kundi ang tunay na buhay na rin sa likod ng kamera.

Talaan ng mga proyektong nilabasan[baguhin | baguhin ang batayan]

Telebisyon

Taon Title Role Network
2009 Full House Jessie GMA Network
2009 Sine Novela Presents: Ngayon At Kailanman Ayra Noche-Torres GMA Network
2009 Fashionistas By Heart Host Q
2008-2009 Luna Mystika Luna Sagrado-Samaniego & Celestina Sagrado GMA Network
2008 Dear Friend: Edison at Anna Anna GMA Network
2008 Codename: Asero Emily San Juan GMA Network
2008*April-present SOP Rules Co-Host/Performer GMA Network
2008 Your Song: Muntik Na Kitang Minahal (all Sundays of February) Arah ABS-CBN
2007 Your Song: Sana Ngayong Pasko Melanie ABS-CBN
2007 Pangarap Na Bituin Cassie/Cassandra Salcedo ABS-CBN
2007 Sineserye Presents: Hiram na Mukha Carissa De Leon & Alicia Roldan ABS-CBN
2007 Maalaala Mo Kaya: Singsing Kaye Chua ABS-CBN
2007 Your Song: With You Aschelle ABS-CBN
2006 Your Song: Ngayong Gabi Missy ABS-CBN
2006 Philippine Idol Host ABC (TV5)
2006 Maalaala Mo Kaya: Lampara Maricel ABS-CBN
2006 Your Song: Wish Ria ABS-CBN
2006 Close Up To Fame Season 2 Host ABS-CBN
2006 Panday  :Book 2 Eden & Camia ABS-CBN
2005 Panday  :Book 1 Eden ABS-CBN
2005 Maalaala Mo Kaya: Painting Emily Roxas ABS-CBN
2005 Close Up To Fame Season 1 Host ABS-CBN
2004 A.S.A.P. Fanatic Host ABS-CBN
2004 Hiram Margaret Benipayo ABS-CBN
2003 Maalaala Mo Kaya: Ferry Boat Danne ABS-CBN
2003 Ang Tanging Ina Portia/Por ABS-CBN
2003 Okay Fine Whatever Yoko ABS-CBN
2003 Maalaala Mo Kaya: Flat Tire Lei ABS-CBN
2003 Wansapanataym: Thumbgelina Liit/Laki ABS-CBN
2002 Maalaala Mo Kaya: Sanggol ABS-CBN
2002 Berks Gwyneth ABS-CBN
2002 Arriba Arriba Monina Arriba ABS-CBN
2002-2007 Myx Vj Heart MYX/STUDIO 23
2002-2006 A.S.A.P. Co-Host/Performer ABS-CBN
2002 Da Pilya En Da Pilot Heart ABS-CBN
2001 Maalaala Mo Kaya: Exchange Gift Irene Acosta ABS-CBN
2001 Maalaala Mo Kaya: Burda Jenny Castaneda ABS-CBN
2001 Da Body En Da Guard Heart ABS-CBN
2001 G-Mik Missy ABS-CBN

Pelikula

Taon Titulo Karakter na ginampanan
2004 Bcuz of U Cara
2003 My First Romance Jackie ("One Love" Episode)
2003 AngTanging Ina Portia/Por
2002 Jologs Coffee Shop Passerby (cameo role)
2001 Trip Faye

Music videos[baguhin | baguhin ang batayan]

Taon Awit Album
2003 One Heart
2002 Love Has Come My Way Himig Handog Love Songs

Diskograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Taon Album
2007 (coming soon)
2003 My First Romance OST
2003 Heart
2002 Himig Handog Love Songs

Mga parangal na natanggap[baguhin | baguhin ang batayan]

Taon Parangal sa pagganap/Kritiko Parangal na natanggap
2006 FHM Philippines 100 Sexiest Women Rank #15
2005 FHM Philippines 100 Sexiest Women Rank #6
2004 FAMAS Awards German Moreno Youth Achievement Award
2004 Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Princess of RP Movies
2004 FHM Philippines 100 Sexiest Women Rank #16
2003 Awit Awards Best Performance by a New Female Artist (Love Has Come My Way)
2003 Asia Pacific Excellence & Handog Kay Ina Awards Youth Achiever for Arts & Entertainment
2003 Ivan Entertainment Productions: Circle of 10 Modeling Agency Celebrity Endorser of the Year
2003 Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Most Popular Love Team of RP Movies
2003 Candy Rap Awards Best Dressed Personality
2003 Album Platinum Award (Himig Handog Love Songs Album)
2002 Himig Handog Lovesongs 2002 Listener's Choice Award (Love Has Come My Way)
2002 Himig Handog Lovesongs 2002 Texter's Choice Award (Love Has Come My Way)
2001 Star Awards Best New Female Personality (TRIP)

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Heart Evangelista Nautiljon.com


Mga artikulong may kaugnayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga website na may kaugnayan[baguhin | baguhin ang batayan]