Herodes Arquelao

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Herodes Arquelao (23 BK – sirka 18 AD), kilala sa Ingles bilang Herod Archelaus, ay ang etnarka ng Samaria, Hudea, at Edom mula 4 BK hanggang 6 AD. Anak siyang lalaki nina Herodes na Dakila at Malthace, kapatid na lalaki siya ni Herodes Antipas, at lalaking kapatid sa magulang ("kalahating kapatid") ni Herodes Felipe I. Ayon kay Jose C. Abriol, noong 4 BK, nagpunta si Herodes Arquelao sa Roma upang tanggapin ang pamamahala sa kaharian, isang pamana sa kanya ni Herodes na Dakila, pero tumutol ang mga Hudyo.[1]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Abriol, Jose C.. (2000). "Arquelao; Herodes na Dakila". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., talababa 19,12 sa pahina 1546.



TalambuhayBibliyaKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Bibliya at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.