Herodes ang Dakila

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang kathang-isip na paglalarawan ng wangis ni Herodes na Dakila.

Si Herodes (Ebreo: הוֹרְדוֹס‎, Horodos, Griyego: Ἡρῴδης, Hērōdēs), kilala rin bilang Herodes I, Herodes, ang Dakila, o Herodes na Dakila (ipinanganak noong 74 BCE – namatay noong 4 BCE sa Jerico), ay isang Romanong kliyenteng hari ng Hudea.[1] Malimit siyang ikinalilito sa kanyang anak na lalaking si Herodes Antipas, na kabilang din sa Dinastiyang Herodiano at pinuno ng Galilea (4 BCE - 39 CE) noong kapanahunan nina Juan Bautista at Hesus ng Nasaret. Kilala si Herodes ang Dakila dahil sa kanyang mga proyekto ng dambuhalang mga gusali at iba pang mga bahagi ng sinaunang mundo, kabilang ang muling pagtatayo ng Pangalawang Templo sa Herusalem, na paminsan-minsang tinatawag na Templo ni Herodes, na sinimulan noong 20 BCE at ginagawa pa noong kapanahunan ni Hesus.[2] May ilang detalye ng kanyang talambuhay na mahahalaw mula sa mga akda ni Flavio Josefo, isang Romano-Hudyong historyador noong unang daangtaon CE. Anak na lalaki din niya si Herodes Arquelao.[2]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Aryeh Kasher, Eliezer Witztum, Karen Gold (tagapagsalin), King Herod: a persecuted persecutor : a case study in psychohistory and psychobiography, Walter de Gruyter, 2007
  2. 2.0 2.1 Abriol, Jose C.. (2000). "Arquelao; Herodes na Dakila, Herodes, ang Dakila; templo". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., talababa 19,12 sa pahina 1546; talababa 20, pahina 1561.



TalambuhayRomaKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Roma at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.