Hilagang Korea

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Demokratikong Republikang Bayan ng Korea
  • 조선민주주의인민공화국 (Koreano)
  • Chosŏn Minjujuŭi Inmin Konghwaguk (MR)
Watawat ng Hilagang Korea
Watawat
Emblema ng Hilagang Korea
Emblema
Salawikain: 강성대국
Kangsŏngtaeguk
"Bansang Malakas at Maunlad"
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Pyongyang
39°2′N 125°45′E / 39.033°N 125.750°E / 39.033; 125.750
Wikang opisyal
at pambansa
Koreano
KatawaganKoreano
Hilagang Koreano
PamahalaanUnitaryong Jucheistang unipartidistang sosyalistang republika sa ilalim ng namamanang totalitaryong diktadura
Kim Jong-un
• Tagapangulo ng Permanenteng Komite ng KAB
Choe Ryong-hae
• Premiyer ng Gabinete
Kim Tok-hun
• Tagapangulo ng KAB
Pak Thae-song
LehislaturaKataas-taasang Asembleyang Bayan
Pagkakabuo
Oktubre 3, 1945
Pebrero 8, 1946
Pebrero 22, 1947
Setyembre 9, 1948
Disyembre 27, 1972
Lawak
• Kabuuan
120,540 km2 (46,540 mi kuw) (ika-97)
• Katubigan (%)
0.11
Populasyon
• Pagtataya sa 2021
25,971,909 (ika-55)
• Senso ng 2008
24,052,231
• Densidad
212/km2 (549.1/mi kuw) (ika-45)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2015
• Kabuuan
$40 bilyon
• Bawat kapita
$1,800
KDP (nominal)Pagtataya sa 2017
• Kabuuan
$30 bilyon
• Bawat kapita
$1,300
SalapiWon ng Hilagang Korea (₩) (KPW)
Sona ng orasUTC+9 (Oras ng Pyongyang)
Kodigong pantelepono+850
Internet TLD.kp

Ang Hilagang Korea (Koreano: 북조선; MR. Pukchosŏn), opisyal na Demokratikong Republikang Bayan ng Korea, ay bansang matatagpuan sa Silangang Asya na sakop ang hilagang kalahati ng Tangway ng Korea. Hinahangganan ito ng Tsina at Rusya sa mga ilog ng Yalu at Tumen ayon sa pagkabanggit sa hilaga, Dagat Hapon sa silangan, Dagat Dilaw sa kanluran, at Timog Korea sa Sonang Demilitarisado ng Korea. Sumasaklaw ito ng lawak na 120,538 km2 at may tinatayang populasyon na mahigit 26 milyon.Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Pyongyang.

Nang sumuko ang Imperyo ng Hapon noong 1945 sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nahati ang Korea sa dalawa sa kahabaan ng ika-38 hilera. Ang hilagang lugar ay sinakop ng Unyong Sobyetiko habang ang timog ay sinakop ng Estados Unidos. Nabigo ang mga negosasyon para sa muling pagkakaisa ng dalawang lugar, at noong 1948 ay nabuo ang sosyalistang Republikang Bayang Demokratiko ng Korea sa hilaga ng tangway, sa kaibahan ng kapitalistang Republika ng Korea sa timog. Nagsimula ang Digmaang Koreano noong 1950 nang sinalakay ng Hilagang Korea ang Timog, at tumagal ito hanggang 1953 na nagresulta sa pagkapatas. Ang Kasunduang Pang-armistisyo ng Korea ay nagdulot ng tigil-putukan at nagtatag ng isang sonang desmilitarisado sa tangway, ngunit walang pormal na tratadong pangkayapaan na nilagdaan, kaya't ang dalawang Korea ay de factong nasa digmaan hanggang sa kasalukuyan. Pagkatapos ng digmaan ay muling itinayo ang bansa sa ilalim ng isang industriyalisadong ekonomiyang planado. Sa huling bahagi ng mga 1950 at noong mga 1960 at 1970 ay nagtamasa ang Hilagang Korea ng mas mataas na antas ng pamumuhay kaysa sa Timog Korea, na noo'y dumaranas ng kaguluhan sa politika at mga krisis sa ekonomiya. Gayunpaman, ang sitwasyon ay nabaligtad noong dekadang 1980 nang naging matibay na kapangyarihang pang-ekonomiya ang Timog dahil sa panloobang pag-unlad at pamumuhuna't ayudang militar mula Estados Unidos at Hapon, habang ang Hilagang Korea ay tumimik at nanghina. Lubos na naapektuhan ang ekonomiya ng Hilagang Korea noong nabuwag ang Unyong Sobyetiko at mga estadong komunista sa Silangang Bloke. Dahil dito, nagkaroon ng malawakang taggutom sa bansa noong 1994 hanggang 1998 na naging sanhi ng tinatayang 240 libo hanggang 3.5 milyong pagkamatay. Patuloy na dumadaranas ang bansa ng malnutrisyong laganap. Naging bahagi ang Hilagang Korea ng Nasyones Unidas noong 1991, at kabilang rin sa iba't-ibang organisasyong pandaigdig tulad ng Grupo ng 77, Kilusang Di-Nakahanay, at Porong Rehiyonal ng Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya.

Ayon sa Artikulo 1 ng saligang batas ng bansa, ang Hilagang Korea ay isang "estadong sosyalistang may kasarinlan", at sa Artikulo 3 nakasaad na ang Juche ang ideolohiyang pampamahalaan ng Hilagang Korea. Ang mga moda ng produksyon ay pag-aari ng estado sa pamamagitan ng mga negosyong pinamamahalaan ng pamahalaan at sakahang kolektibo. Karamihan sa mga paglilingkod kagaya ng pangangalagang pangkalusugan, edukasyon, pabahay, at produksyon ng pagkain ay tinutustusan o pinopondohan ng estado. Sumusunod din ang bansa sa ideolohiyang Songun, ang patakarang "una-militar" ng Hilagang Korea. Ang hukbong tungkuling aktibo nito na binubuo ng halos 1.28 milyong sundalo ay higit 5% ng populasyon ng bansa at ang ikaapat na pinakamalaki sa mundo. Mayroon din ito ng higit 7.769 milyong tauhang aktibo, nakalaan, at paramilitar, halos 30% ng populasyon ng bansa at ang ikalawang pinakamataas na tauhang militar at paramilitar sa buong daigdig. Mayroon ang bansa ng mga sandatang biyolohiko, kimiko, at isa sa iilang bansang mayroon ng mga sandatang nukleyar. Tinatayang mayroon ang Hilagang Korea ng higit 30 hanggang 40 nito.

Ang Hilagang Korea ay isang namamanang diktadurang totalitaryo na pinamumunuan ng dinastiyang Kim. Bagama't mayroong nagaganap na mga halalan sa bansa, itinuturing ito ng mga dayuhang tagapagmasid bilang huwad. Ang Partido ng mga Manggagawa ng Korea, na pinamumunuan ng isang kasapi ng naghaharing pamilya, ay ang partidong nangingibabaw at namumuno ng Demokratikong Hanay para sa Muling Pag-iisa ng Amang Bayan, kung saan ang lahat ng opisyal sa politika ay kinakailangang maging kasapi. Ang talaan ng pang-aabuso ng mga karapatang pantao sa Hilagang Korea, na tinatanggi ng pamahalaan, ay madalas na itinuturing bilang ang pinakamasama sa mundo. Ito ay kinokondenang internasyonal ng mga organisasyon tulad ng Nasyones Unidas, Unyong Europeo, at mga grupo tulad ng Human Rights Watch (Filipino: Obserbatoryo ng Karapatang Pantao) at Amnesty International (Filipino: Amnestiyang Pandaigdig). Dahil sa pamamahalang dinastiko at paghihiwalay nito sa mundo, tinutukoy ang bansa na "ermitanyong kaharian". Ang panimula ng saligang batas ng bansa ay tumutukoy kina Kim Il-sung at Kim Jong-il, ang una at ikalawang kataas-taasang pinuno ng bansa ayon sa pagkabanggit, bilang mga walang hangganang pinuno ng Jucheng Korea. Dahil dito, isinasaalang-alang ang bansa ng ibang akademiko't kritiko bilang isang estadong teokratiko.

Etimolohiya at mga Pangalan[baguhin | baguhin ang wikitext]

"Republikang Bayang Demokratiko ng Korea" sa mga sistema ng pagsulat na Chosongul (taas) at Hancha (baba).
Romanisasyong McCune–Reischauer:
Chosŏn Minjujuŭi Inmin Konghwaguk
Binagong Romanisasyon ng Koreano:
Joseon Minjujuui Inmin Gonghwaguk

Ang pangalang Korea ay nagmumula sa pangalang Goryeo (binabaybay din na Koryŏ). Unang ginamit ang pangalang Goryeo ng kahariang sinaunang Goguryeo (Koguryŏ) na isa sa mga kapangyarihang dakila sa Silangang Asya noong panahon nito. Ang ika-10 dantaong kahariang Goryeo ay humalili sa Goguryeo, at sa gayon ay minana ang pangalan nito, na binigkas ng mga bumibisitang Persang mangangalakal bilang "Korea".[1]:323[2] Ang modernong pagbaybay ng salitang Korea ay unang lumitaw noong huling bahagi ng ika-17 dantaon sa mga sulatin sa paglalakbay ni Hendrick Hamel ng Kompanyang Olandes ng Silangang Indiya.[3]

Isang mapang Timog Koreano ng tangway ng Korea. Tinutukoy nito ang Hilagang Korea na Bukhan (Koreano: 북한), ang Timog Koreanong katawagang kolokyal sa Hilagang Korea.

Pagkatapos ng paghahati ng tangway ng Korea sa Hilaga at Timog ay gumamit ang dalawang panig ng mga magkaibang termino para tumukoy sa Korea. Ginamit ng Hilagang Korea ang Chosŏn o Joseon (Koreano: 조선) habang ginamit ng Timog Korea ang Hanguk (Koreano: 한국). Noong 1948, ang Hilagang Korea ay pormal na naging Republikang Bayang Demokratiko ng Korea (Koreano: 조선민주주의인민공화국; McCune-Reischauer: Chosŏn Minjujuŭi Inmin Konghwaguk). Ang bawat bahagi ng pangalan ay maingat na pinili. Ang terminong Chosŏn ay pinili dahil ginamit ito noong erang kolonyal upang kilalanin ang tangway. Ang Konghwaguk naman ay pinili kaysa sa Minguk dahil sa mga makaliwang konotasyon nito, ginamit ang termino upang tumukoy sa mga bumubuong republika ng Unyong Sobyetiko. Ginusto ng mga Hilagang Koreano na gumamit ng mga pangalang ginamit nang Silangang Bloke upang magkaroon ang bansa ng pagkakalehitimo. Nagkaroon ng pagpipilian sa katawagang "Republikang Bayan" at "Republikang Demokratiko". Ginamit ito ng mga panandaliang estado na Republikang Bayang Ukranyo ng mga Sobyetiko (ang naging unang bansa gumamit ng katawagang "Republikang Bayan") at Republikang Demokratiko ng Pinlandiya ayon sa pagkakabanggit. Ang katawagang "Republikang Bayan" ay pinaboran ni Pak Hon-yong ng Partido Komunista ng Korea at ginamit ito ng pansamantalang Republikang Bayan ng Korea na nabuo sa Seoul pagkatapos ng pagpalaya sa tangway. Ang "Republikang Demokratiko" naman ay nauugnay sa konseptong Bagong Demokrasya ni Mao Zedong, na nakaimpluwensya kay Kim Tu-bong ng Bagong Partidong Bayan ng Korea. Nagsanib-puwersa ang Bagong Partidong Bayan ng Korea ni Kim Tu-bong at Partido Komunista ng Hilagang Korea. Nang makarating ang paksa kay Kim Il-sung, nagsimula siyang gumamit ng katawagang "Republikang Bayang Demokratiko", kung saan sinaad niya ang ideya sa isang talumpati noong 1946. Iminungkahi naman ni Heneral Nikolai Georgiyevich Lebedev ng Hukbong Sobyetiko na tawagin ang bansa na "Republikang Demokratikong-Bayan" (Ruso: Народно-Демократическая Республика). Nang hinarap ni Kim ang sitwasyon ay napagpasyahan ni Kim na tawagin ang bansa na "Republikang Bayang Demokratiko ng Korea" sa Koreano at Republikang Demokratikong-Bayan" sa Ruso upang isipin ng mga Sobyetiko na sinusunod ang kanilang mga utos at maiulat ni Kim sa mga Koreano na ang kanyang katawagan ang pinili ng mga Sobyetiko. Dahil dito, maaaring sabihin ng magkabilang panig na sila ang gumawa ng pangalan.[4]

Ginagamit ng mga Hilagang Koreano ang katawagang Pukchosŏn (Chosongul: 북조선; Hancha: 北朝鮮; "Hilagang Choson") habang ginagamit ng mga Timog Koreano ang katawagang Bukhan (Hangul: 북한; Hancha: 北韓; "Hilagang Han") upang tumukoy sa Hilagang Korea. Gayunpaman, ang terminong Pukchosŏn ay bihirang ginagamit sa hilaga, bagama't maaari itong matagpuan sa mga dipa-digmang mapagkukunan tulad ng Awit ni Heneral Kim Il-sung.[5] Sa mga rehiyong pangturista sa Hilagang Korea at sa mga opisyal na pagpupulong ng Hilagang Korea at Timog Korea ay ginagamit nila ang mga terminong Bukcheuk ("hilagang panig") at Namcheuk ("timog panig"). Sa politika, ang mga pamahalaan ng Hilaga at Timog Korea ay tumuturing sa kanilang mga sarili bilang ang nag-iisang lehitimong pamahalaan ng buong tangway.[6]:72[7]:506–507 Dahil dito, hindi itinuturing ng mga Hilagang Koreano at Timog Koreano ang kanilang mga sarili bilang mga "Hilagang Koreano" at "Timog Koreano" kundi "Koreano", at ang mga dayuhang bisita ay hinihikayat na hindi gamitin ang mga unang binanggit na termino.[8]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Heograpiya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Topograpiya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Topograpikong mapa ng Hilagang Korea.

Sinasakop ng Hilagang Korea ang hilagang bahagi ng Tangway ng Korea, na nasa pagitan ng mga latitud na 37° at 43°H, at mga longitud na 124° at 131°S. Sumasaklaw ito ng sukat na 120,540 kilometrong kuwadrado (46,541 milyang kuwadrado).[9] Sa kanluran nito ay ang Dagat Dilaw at Look ng Korea, at ang nasa silangan nito ay ang Hapon sa kabila ng Dagat ng Hapon.

Nagkaroon ang Hilagang Korea ng midyang markang 8.02/10 noong 2019 sa Talatuntunan ng Integridad ng Paysaheng Kagubatan, at niraranggo ito bilang ika-28 sa buong mundo sa 172 bansa. Ang bansa ay naglalaman ng tatlong panlupang ekorehiyon: kagubatang nangungulag ng Gitnang Korea, magkahalong kagubatan ng Bulubunduking Changbai, at magkahalong kagubatan ng Mantsurya.[10][11][12][13]

Pintura na inilalarawan sina Kim Il-sung at Kim Jong-il na tumatayo sa tuktok ng Bundok Paektu.

Sinabi ng mga naunang bisitang Europeo sa Korea na ang bansa ay kahawig ng "isang dagat sa malakas na unos" dahil sa maraming bulubunduking sunud-sunod na kumukrus sa tangway. Mga 80 bahagdan ng lupain ng Hilagang Korea ay binubuo ng mga bundok at kabundukan, na pinaghihiwalay ng mga malalim at makipot na lambak. Lahat ng bundok ng tangway na may taas na 2,000 metro (6,600 talampakan) o higit pa ay matatagpuan sa Hilagang Korea. Ang malaking mayorya ng populasyon ay naninirahan sa mga kapatagan at mababang lupain.[14]

Litrato ng Bundok Kumgangsan, isang tanyag na bundok sa Hilagang Korea dahil sa kagandahan nito.

Ang Bundok Paektu ang pinakamataas na punto sa Hilagang Korea sa 2,743 metro (8,999 talampakan). Isa itong bulkang bundok na malapit sa Mantsurya na may basalt na lavang talampas na mayroong taas sa pagitan ng 1,400 metro (4,600 talampakan) at 2,000 metro (6,600 talampakan) sa ibabaw ng antas ng dagat. Itinuturing na isang sagradong lugar ng mga Koreano. Ayon sa mitolohiyang Koreano, isinilang dito si Dangun, ang nagtatag ng unang kaharian sa Korea na Gojoseon. May kahalagahan ang bundok sa kalinangang Koreano at isinama sa detalyadong alamat ng kulto ng pagkatao na nakapalibot sa dinastiyang Kim. Isang tanyag na pampamahalaang propagandang alamat ay sumasaad na ang bundok ang lugar ng kapanganakan ni Kim Jong-il. Binabanggit ang bundok sa pambansang awit ng parehong Korea at sa iba't-ibang awiting propaganda, isang halimabawa ang awiting "Pupunta Tayo sa Bundok Paektu" na umaawit bilang papuri kay Kim Jong-un at naglalarawan ng simbolikong paglalakbay sa bundok.[15]

Litrato ng Ilog Yalu, kilala ng mga Koreano bilang Ilog Amnok. Ito ang pinakamahabang ilog sa Hilagang Korea.

Marami ng bulundukin sa bansa, iilan sa kabilang dito ang Bulubunduking Hamgyong na matatagpuan sa sukdulang hilagang-silangan na bahagi ng tangway ay mayroon ng maraming matataas na taluktok, kabilang ang Kwanmobong sa humigit-kumulang 2,541 metro (8,337 talampakan); ang Bulubunduking Rangrim na matatagpuan sa hilaga-gitnang bahagi ng Hilagang Korea at tumatakbo sa direksyong hilaga-timog, na ginagawang mahirap ang komunikasyon sa pagitan ng silangan at kanlurang bahagi ng bansa; at ang Bulubunduking Kangnam na tumatakbo sa kahabaan ng hangganang Hilagang Korea–Tsina. Ang Bundok Kumgangsan, na kilala rin bilang ang Bundok Dyamante, (humigit-kumulang 1,638 metro (5,374 talampakan)) na matatagpuan sa Bulubunduking Thaebaek na umaabot sa Timog Korea, ay sikat dahil sa magandang tanawin nito. Ang mga bulubundukin sa hilaga at silangang bahagi ng Hilagang Korea ay bumubuo sa kuwenka para sa karamihan ng mga ilog nito, na dumadaloy sa direksyong kanluran at umaagos sa Dagat Dilaw at Look ng Korea. Ang pinakamahaba ay ang Ilog Yalu (kilala sa Korea bilang Ilog Amnok) na maaaring maugitanan sa 678 km ng 790 kilometro (490 milya) nito. Ang Ilog Tumen, isa sa iilang malalaking ilog na dumadaloy sa Dagat Hapon, ay ang ikalawang pinakamahaba sa 521 kilometro (324 milya) ngunit nalalayag lamang ng 85 kilometro (53 milya) dahil sa bulubunduking topograpiya. Ang Ilog Taedong ang ikatlong pinakamahabang ilog sa bansa, dumadaloy ito sa Pyongyang at maaaring maugitanan sa 245 ng 397 kilometro nito. Maliliit ang mga lawa dito dahil sa kakulangan ng aktibidad na gleysyal at katatagan ng kortesa ng Daigdig sa rehiyon. Hindi tulad ng kalapit na Hapon o hilagang Tsina, ang Hilagang Korea ay nakakaranas ng kaunting matinding lindol. Ang bansa ay may iilang spang natural at mainit na bukal, tinatayang 124 ito lahat-lahat ayon sa isang Hilagang Koreanong mapagkukunan.[16][17]

Klima[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kapaligiran[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pangkalahatang-ideya at Biyodibersidad[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Bundok Myohyang, isang sagradong bundok sa mga Koreano.

Ang kapaligiran ng Hilagang Korea ay magkakaiba, ito'y sumasaklaw ng mga ekosistemang alpina, kagubatan, bukirin, tubig-tabang, at marino. Mahigit sa 80 bahagdan ng Hilagang Korea ay bulubundukin kung saan ang pagtatanim ay nakakulong sa mga baybaying silangan at kanluran. Ayon sa ulat ng Programang Pangkapaligiran ng Nasyones Unidas noong 2003, sakop ng kagubatan ang higit sa 70 bahagdan ng bansa, karamiha'y nasa mga matarik na dalisdis. Gayunpaman, ang ibang mga pag-aaral ay nagmungkahi na dahil sa deporestasyon, ang kagubatan ay nasa 50% lamang. Mayroong siyam na ilog at maraming maliliit na daluyan ng tubig sa bansa. Dahil sa kasaysayang heolohikal nito, ang bansa ay may saklaw ng behetasyon mula sa mga sonang subtropiko, mapagtimpi at napakalamig na kayang mabuhay nang magkakasama dahil sa pinagsamang epekto ng mga klimang oseaniko at kontinental. Sa nakalipas na mga taon, ang kapaligira'y naiulat na nasa isang estado ng "krisis", "sakuna", o "pagbagsak".[18][19][20][21][22][23][24]

Mga landas ng migrasyon at pahingahang lupa ng Limosa lapponica sa Dagat Dilaw.

Noong 2003, ang mga espesyeng hayop at halaman sa Hilagang Korea ay iniulat na "masagana". Apat na bahagdan ng mas mataas na uri ng halaman ang iniulat na nanganganib, mahina, bihira, o bumababa. Labing-isang bahagdan ng mga espesyeng bertebrado ay iniulat na kritikal na nanganganib, nanganganib, o bihira. Noong 2013, isang delegasyon ng mga bumibisitang dalub-agham ang nag-ulat ng malaking pagkawasak sa kapaligiran ng bansa. Inilarawan nila ang kawalan ng mga hayop at sinabi na ang "tanawin ay talagang patay". Ang kalagayang ito ay inilarawan bilang "napakalubha na maaaring masira ang katatagan ng buong bansa". Gayunpaman, isang grupo ng mga tagamasid ng ibon mula sa Bagong Selanda ay bumisita sa Dagat Dilaw sa lalawigan ng Timog Pyongan noong 2016 at iniulat na ang mga maputik na lugar doon ay naging kanlungan para sa mga ibon. Ang relatibong kakulangan ng pag-unlad doon kung ikumpara sa kalapit na Tsina at Timog Korea ay nagbigay ng kanlungan para sa ilang pandaigdigang mahalagang ibon - tulad ng kritikal na nanganganib na Numenius madagascariensis, Numenius arquata, at Limosa lapponica sa kanilang migrasyon sa kahabaan ng Rota ng Silangang Asya-Australasya.[25][26][27][28]

Ang Pinus densiflora, isang punong laganap sa Hilagang Korea.

Ang sanghalamanan ng Hilagang Korea ay may malaking pagkakatulad sa ibang mga lugar sa hilagang hating-daigdig. Humigit-kumulang 2898 espesye ang naitala, kung saan 14% ay endemiko. Apat ang inuri bilang nanganganib. Ang mga katutubong pamayanang halaman sa mababang lupain ay higit na naglaho sa paglilinang at urbanisasyon. Ang mga katutubong pamayanang kagubatang pinophyta ay matatagpuan sa kabundukan. Ang mga uri ng kagubatan ay pangunahing subartiko (boreal) at kagubatang templado-malamig. Ang Pinus densiflora ay nangingibabaw sa mga kagubatang konipero sa buong Hilagang Korea, at dumami din sa mga lugar na binago ng epekto ng tao. Ang pangunahing harding botaniko sa Hilagang Korea ay ang Gitnang Harding Botanikal na itinatag noong 1959. Matatagpuan ito sa paanan ng Bundok Taesongsan sa Pyongyang.

Tatlong espesyeng nanganganib ay lubhang natatangi na nauuri sa kanilang sariling saring monotipiko. Ang nanganganib na Pentactina rupicola ng pamilyang Rosaceae ay matatagpuan lamang malapit sa tuktok ng Bundok Kumgang sa Kangwon Province. Ang nag-iisang miyembro ng sari nito, ang mga relasyon nito ay hindi malinaw, ngunit ang pagsuring molekular ay nagmumungkahi na ang pinakamalapit na kamag-anak nito ay ang saring Hilagang Amerikano na Petrophytum. Ang kritikal na nanganganib na Abeliophyllum distichum ay mula sa gitnang tangway ng Korea at gaya ng Pentactina rupicola ay kabilang din ito sa isang sari kung saan ito ang nag-iisang miyembro. Mula sa Korea ay ipinakilala ito sa hortikultura sa Inglatera at Hilagang Amerika, pati na rin sa paglilinang sa Hilagang Korea. Ang Sophora koreensis ay inuri din sa sarili nitong sari, ngunit ang Echinosophora ay natagpuang henetikong nasa loob ng saring Sophora.

Suliranin at Programang Pangkalikasan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Aang kapaligiran ng Hilagang Korea ay kilala na hindi gaanong kontaminado kaysa sa Timog Korea, ngunit ang Hilagang Korea ay nasa malubhang kalagayan din ng polusyon sa kapaligiran dahil sa kakulangan ng kamalayan, pamumuhunan, kondisyong teknolohikal, at walang ingat na pag-unlad na sumisira sa kalikasan. Sa ngayon, ang kinatawan ng Hilagang Korea ay lumahok sa Sumite ng Rio at nagpahayag ng kanyang intensyon na tumugon sa mga konsultasyong interkoreano sa mga isyung pangkapaligiran. Ang kalagayang pangkalikasan sa Hilagang Korea ay hindi pa rin ganoon kakilala sa labas ng mundo, at ang mga kaugnay na pinsala ay paulit-ulit lamang na iniuulat.[29][30]

Mga Hangganan, Baybayin, at Isla[baguhin | baguhin ang wikitext]

Paghahating Pampangasiwaan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pangkalahatang paghahating pampangasiwaan ng Hilagang Korea.

Ang mga paghahating pampangasiwaan ng Hilagang Korea ay nakasaayos sa tatlong antas. Ang una at pinakamataas na antas ay sinasaklaw ang siyam na lalawigan at apat na espesyal na lungsod, ang ikalawang antas ay binubuo ang mga lungsod, kondado, at distrito, at ang ikatlong antas ay nahahati sa mga bayan, kapitbahayan, nayon, at distrito ng mga manggagawa. Ang sistemang pampangasiwaan na ito na kasalukuyang ginagamit sa Hilagang Korea ay unang pinasinayaan ni Kim Il-sung noong 1952 bilang bahagi ng malawakang muling pagtatatag pamahalaang lokal. Noong nakaraan ay gumamit ang bansa ng maraming-antas na sistema katulad ng ginagamit pa sa Timog Korea.

Unang Antas[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang siyam na lalawigan sa Hilagang Korea ay nagmula sa tradisyonal na mga lalawigan ng Korea, ngunit higit pa itong hinati simula noong pagkakahati ng Korea. Ang mga ito ay malalaking lugar kabilang ang mga lungsod, kanayunan at bulubunduking rehiyon. Ang tatlong espesyal na lungsod at natatanging direktang pinamamahalaang lungsod ay mga malalaking lungsod ng kalakhan na hiniwalay sa kanilang mga dating lalawigan upang maging mga unang antas na yunit. Mayroon ng apat na iba pang mga lungsod (Chongjin, Hamhung, Kaesong, at Gwangju) na direktang pinamamahalaan sa nakaraan, ngunit sa paglipas ng panahon ay muling pinagsama ang iba sa kanilang mga lalawigan o kung hindi man ay muling isinaayos. Ang mga espesyal na lungsod ay mayroon ng pantay na katayuan sa mga lalawigan.

Mapa Kodigo Pangalan
(Filipino)
Pangalan
(Chosongul)
Pangalan
(Hanja)
Kabisera
Direktang Pinamamahalaang Lungsod
(Chosongul: 직할시; Hanja: 直轄市; MR: chikhalsi)
KP-01 Pyongyang 직할시 平壤市
Lalawigan
(Chosongul: ; Hanja: MR: to)
KP-02 Timog Pyongan 평안남도 平安南道 Pyongsong
KP-03 Hilagang Pyongan 평안북도 平安北道 Sinuiju
KP-04 Chagang 자강도 慈江道 Kanggye
KP-05 Timog Hwanghae 황해남도 黃海南道 Haeju
KP-06 Hilagang Hwanghae 황해북도 黃海北道 Sariwon
KP-07 Kangwon 강원도 江原道 Wonsan
KP-08 Timog Hamgyong 함경남도 咸鏡南道 Hamhung
KP-09 Hilagang Hamgyong 함경북도 咸鏡北道 Chongjin
KP-10 Ryanggang 량강도 兩江道 Hyesan
Espesyal na Lungsod
(Chosongul: 특별시; Hanja: 特別市 MR: t'ŭkpyŏlsi)
KP-11 Rason 라선특별시 羅先市
KP-12 Nampo 남포시 南浦市
KP-13 Kaesong 개성시 開城市

Ikalawa at Ikatlong Antas[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ikalawang antas ng paghahating pampangasiwaan sa Hilagang Korea.

Ang pinakakaraniwang ikalawang antas na paghahati ay ang kondado (Chosongul: ; Hanja: ; MR: kun), isang hindi gaanong urbanisadong lugar sa loob ng isang lalawigan o direktang pinamamahalaang lungsod. Ang mga mas mataong distrito sa loob ng mga lalawigan ay mga lungsod (Chosongul: ; Hanja: ; MR: si). Ang mga sentrong panlungsod ng mga direktang pinamamahalaang lungsod ay isinaayos sa mga distrito (Chosongul: 구역; Hanja: 區域; MR: kuyŏk).

Ang mga bahaging rural ng mga lungsod at kondado ay isinaayos sa mga nayon (Chosongul: ; Hanja: ; MR: ŭp). Ang mga bayanang lugar sa loob ng mga lungsod ay nahahati sa mga kapitbahayan (Chosongul: ; Hanja: ; MR: tong), at ang mga mataong bahagi ng isang kondado ay bumubuo ng isang bayan (Chosongul: ; Hanja: ; MR: ri). Ang ibang kondado ay mayroon ng mga distrito ng mga manggagawa (Chosongul: 로동자구; Hanja: 勞動者區; MR: rodongjagu).

Pamahalaan at Politika[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pamahalaan at politika ng Republikang Bayang Demokratiko ng Korea ay nagaganap sa loob ng balangkas ng Juche, isang ideolohiyang pangunahing binuo ni Hwang Jang-yop (ngunit krinedito kay Kim Il-sung sa kalaunan) na naglilingkod bilang pilosopiyang pang-estadong opisyal ng estado. Isinasaad ng teorya ng Juche na sa pamamagitan lamang ng pag-asa sa sarili at isang estadong malakas at malaya ay makakamit ang sosyalismong tunay.

Istraktura ng Pamahalaan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pampolitikang Kalagayan at Pagpapaunlad[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagpapatupad ng Batas at Panloob na Seguridad[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ugnayang Panlabas[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ekonomiya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pangkalahatang Sitwasyon[baguhin | baguhin ang wikitext]

Imprastraktura, Enerhiya, at Transportasyon[baguhin | baguhin ang wikitext]

Agham at Teknolohiya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lihim na "Silid 39"[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lipunan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Demograpiko[baguhin | baguhin ang wikitext]

Edukasyon[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kalusugan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karapatang Pantao[baguhin | baguhin ang wikitext]

Relihiyon[baguhin | baguhin ang wikitext]

Wika[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kalinangan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Arkitektura at Sining[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang Hilagang Koreanong artistang nagpipinta sa Estudyong Pansining ng Mansudae.

Ang biswal na sining sa bansa ay karaniwang ginawa sa estetika ng reyalismong sosyalista. Pinagsasama ng pagpipintang Hilagang Koreano ang impluwensya ng ekspresyong biswal ng mga Hapones at Sobyetiko upang maitanim ang katapatang sentimental sa sistema.[31] Lahat ng artista ay kinakailangang sumali sa Unyon ng mga Artista, at ang mga pinakamahusay ay maaaring makatanggap ng isang lisensyang opisyal upang ilarawan ang mga pinuno. Ang mga litrato at eskultura na naglalarawan kina Kim Il-sung, Kim Jong-il at Kim Jong-un ay inuuri bilang "mga gawaing numero uno".[32]

Mga rebulto at pinturang pangpropaganda sa Estudyong Pansining ng Mansudae.

Sa panahon ng pamamahala ni Kim Il-sung ay pinayagan lamang ang pagpipinta sa henerong reyalistang sosyalista. Pagkatapos ng kamatayan ni Kim Il-sung noong 1994 ay pinaluwag at minsa'y ganap na inalis ang mga direktiba sa pagpipinta sa ilalim ni Kim Jong-il. Ang mga bagong anyo ng sining, kabilang ang isang kakaibang uri ng impresyonismo sa Hilagang Korea ay umakma sa mga poster. Makikita ang ibang anyo ng sining sa mga pelikulang makabayan na nangibabaw sa kalinangan mula 1949 hanggang 1994, at ang muling nagising na arkitektura, kaligrapya, gawang tela, at pagpipintang neo-tradisyonal na naganap mula 1994 hanggang sa kasalukuyan. Malaki ang naging epekto nito sa mga manghihimagsik na poster, litograpiya at mga multiplo, pelikulang pandula at dokumental, pagpipintang makatotohanan, arkitekturang engrande, at maliit sa palayukang domestiko, seramika, at pananahing eksportable. Ang mga palakasang sining at pampolitikang manghihimagsik na poster ay ang pinakasopistikado at internasyonal na kinokolekta ng mga bahay ng subasta at kolektor ng espesyalidad. Sina Duk Soon Fwhang at Chung Soon Fwhang O'Dwyer, dalawang magkapatid na Hilagang Koreanong pintor na tumakas sa Estados Unidos noong huling bahagi ng mga 1950, ay umiwas sa mga tahasang pampolitikang pahayag at pabor sa tanawing mabagsik, na pinag-ugnay ang mga pamamaraan ng pagpipinta sa Kanluran at Malayong Silangan. Ang mga pintor sa Hilagang Korea ay kilala sa kanilang husay, at ang mga Hilagang Koreanong pintor na desertor sa Timog Korea ay regular na nagtatrabaho bilang mga artista roon.[33]

Ang anyong pinakanatatangi at kahanga-hanga sa kontemporaryong pagpapahayag ng kalinangan sa Hilagang Korea ay ang arkitektura at pagpaplano ng lungsod. Ang Pyongyang, na halos ganap na nawasak ng Estados Unidos sa panahon ng Digmaang Koreano, ay muling itinayo sa malaking sukat. Sinuportahan ang Stalinista at absolutista, madalas na arkitekturang brutalista. Nag-aral ang mga Hilagang Koreanong arkitekto sa Mosku o mga sateliteng Sobyetiko, at ibinalik ang mga istilong manggagawang sosyalista at malaking arkitekturang bayang selebratoryo sa isang engrande at napakalaking kahanga-hangang sukat. Nanirahan ang mga taga-lungsod at burokratiko blokeng apartamentong istilo-Sobyetiko; nanirahan ang mga magsasaka at manggagawang rural sa mga tradisyonal na bahay gaya ng dati; hindi nangyari ang urbanisasyon hanggang kamakailan lamang. Binuo sa Pyongyang ang mga gusaling engrande at malalaking pampublikong plasa bilang mga palabas sa arkitektura. Ang mga tanawing pormal na prusisyonal ay sinamahan ng mga sitio na ito. Halos lahat ng arkitektura ay itinaguyod ng pamahalaan, at pinanatili ang mahusay na homoheneidad ng pag-andar at istilo. Maraming mga gusaling bago na itinayo noong dekadang 1980 at 1990 upang mapahusay ang katayuan ng Pyongyang bilang isang kabisera.

Litrato ng Arko ng Tagumpay na kinuha sa hilagang-silangan sa dapit-hapon.
Ang Tore ng Juche sa gabi.
Otel Ryugyong noong 4 Setyembre 2011.

Nahahati ang mga istrakturang pangunahin sa tatlong kategorya: mga bantayog, gusaling pinagsasama ang mga tradisyonal na Koreanong paksang tradisyonal at konstruksyong moderno, at gusaling matataas na may disenyong moderno. Ang mga halimbawa ng unang kategorya ay ang Rebulto ng Chollima, isang dalawampu't metrong taas na estatwang tanso ni Kim Il-sung sa harap ng Museo ng Himagsikang Koreano (isa sa mga istrukturang pinakamalaki sa mundo na nasa 240,000 metrong kuwadrado), Arko ng Tagumpay (katulad ng kahawig nito sa Paris bagama't mas mataas ng sampung metro), at ang Tore ng Juche na itinayo sa okasyon ng ikapitumpung kaarawan ni Kim Il-sung noong 1982. Ang ikalawang kategorya ng arkitektura ay gumagawa ng espesyal na paggamit ng mga tradisyonal na disenyong baldosadong bubong. Ang mga halimbawa nito ay ang Palasyo ng Kalinangang Bayan at Maringal na Bahay ng Pag-aaral ng Bayan, parehong nasa Pyongyang, at ang Eksibisyong Internasyonal ng Pagkakaibigan sa Bundok Myohyang na nagpapakita ng mga regalong ibinigay kay Kim Il-sung ng mga dignitaryong dayuhan. Kasama sa ikatlong kategorya ang mga komplehong apartamentong matataas at otel sa kabisera. Ang pinakakapansin-pansin sa mga gusaling ito ay ang di pa tapos na Otel Ryugyong (itinigil ang konstruksiyon mula 1992 - Abril 2008) na inilalarawan bilang isa sa mga pinakamataas na otel sa mundo na may 105 palapag, ang hugis tatsulok nito ay makikita sa hilaga-gitnang Pyongyang. Ang Otel Koryo ay isang istrakturang ultramodernong toreng-kambal na apatnapu't limang palapag ang taas.[34]

Lutuin at Inumin[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga taong kumakanta at kumakain sa isang restawrang Hilagang Koreano.

Umunlad ang lutuing Hilagang Koreano ay umunlad sa mga dantaon ng pagbabago sa lipunan at politika. Inilarawan ang lutuin na mayroong tiyak at pambihirang kahanghangan na nagmumula sa paggamit ng mga sahog na may lasa na matamis, maasim, masangsang at maanghang sa mga pagkakahalong nagdudulot ng ganitong epekto.[35] Mayroon ng mga luto't pagkain sa Hilagang Korea na ihinahanda rin sa Timog Korea, at ang karamihan sa pagkaing nagmumula sa Hilagang Korea ay naidala sa Timog Korea sa pamamagitan ng mga pamilyang nandayuhan pagkatapos ng Digmaang Koreano, at marami rito ang naging pangunahing sangkap sa karaniwang pagkaing Timog Koreano.[36]

Mga nagtitinda ng pagkaing kalye sa Pyongyang.

Makabuluhang nakabatay ang disponibilidad at kalidad ng pagkain sa mga pagkakahating sosyopolitikal sa uri. Ang ibang restawran, partikular na sa Pyongyang, ay may mahal na pagpepresyo kung ikukumpara sa karaniwang sahod ng mga manggagawa sa Hilagang Korea. Hindi ito pinupuntahan ng mga karaniwang mamamayan, at ang mga turista at mamamayang mayaman ang mga pangunahing tumatangkilik nito, lalo na sa mga maluho.[37][38] Alinsunod sa kanilang pagpepresyo, ang mga restawrang maluho ay karaniwang nagagamit lamang ng mga pinuno ng pamahaalan na binabayaran ng maayos, turista na bumibisita sa bansa, at ang umuusbong na mayamang gitnang uri ng donju (nangangahulugang "mga maestro ng pera").[39][40] Ang donju ay karaniwang humahawak ng mga posisyon sa pamahalaan, negosyong pag-aari ng estado sa labas ng bansa, at mga may kinalaman sa pagdadala ng mga pamumuhunan at pag-angkat ng mga produkto sa bansa.[41][42] Mayroon ng iilang pagkaing kalye na umiiral sa bansa, kung saan ang mga nagtitinda ay nagpapatakbo ng mga puwestong pampagkain.[43] Ang unang pizzerya ng bansa ay binuksan noong 2009.[44]

Inihandang raengmyŏn sa Okryu-gwan (Restawrang Okryu) na nasa Pyongyang.

Bihira ang pagkonsumo ng karne sa bansa, at karamihan sa mga mamamayan ay nakakain nito sa mga pampublikong pista sa kaarawan nina Kim Il-sung at Kim Jong-il, kapag ang dagdag na karne ay kasama sa mga rasyon ng pamahalaan. Kabilang sa mga karneng kinakain ay karamiha'y baboy, kuneho at kung minsa'y kambing. Ipinagbabawal ang pagkonsumo ng karne ng baka, ngunit pinahihintulutan ang pagkonsumong napakalimitado kagaya ng ginagamit sa nilaga o sopas.[35] Kumakatawan naman ang mahabang bihon ng mahabang buhay o mahabang kasal, kaya't inihahain ito sa mga tao sa kasalan. Isang halimbawa nito ang raengmyŏn, isang tradisyonal na Koreanong bihong malamig na inihahanda gamit ang bihong bakwit.[45] Ang mga karagdagang sangkap para rito sa Hilagang Korea ay ilang hiwa ng karne, pinatuyong itlog, at sarsang mainit. Inihahanda ito gamit ng harina at almirol mula sa mga sangkap tulad ng bakwit, patatas at kamote. Ilang baryasyon nito'y ay ang pagdaragdag ng pipino, labanos, isdang hilaw, at Asyatikong peras.[46] Isa namang halimbawa ang ramen, na tinutukoy bilang "bihong kulot" sa Hilagang Korea. Ang Shin Ramyun ay isang tatak ng bihong instante na ginagawa sa Timog Korea na binansagang "bihong pera" sa Hilaga dahil sa medyo mahal na presyo nito sa humigit-kumulang 800 won sa bawat yunit.[47] Noong 2009, ang mga kahon ng Shin Ramyun na naglalaman ng dalawampung pakete ng ramen sa bawat kahon ay nagkahalaga ng humigit-kumulang 30,000 Hilagang Koreanong won, na sa bansa ay presyong mahal, samakatuwid ay hindi makukuha ng karamihan sa mga mamamayan dahil sa presyong ito.

Serbesang artesanal sa Kompanyang Serbesera ng Taedonggang Blg. 3 sa Pyongyang.

Kinokonsumo ang mga inuming alkohol sa bansa, kung saan ang pag-inom nito'y bahagi ng kalinangang pambansa.[48] Ang legal na edad ng pag-inom ng Hilagang Korea ay 18, ngunit minsa'y pinapayagang uminom ang mga menor de edad, at ang ilang tagabantay ng mga tindahan ay kaagad na nagbebenta sa kanila ng mga inuming may alkohol. Mayroong ng mga Hilagang Koreano na nagtitimpla at nagdadalisay ng mga inuming may alkohol sa bahay sa kabila ng pagbabawal ng paggawang natura ng alkohol sa bahay, at ang ilan ay nagbebenta ng mga inuming ito sa mga pamilihan bagama't ito'y ilegal din. Ginagawa ang alak na timplang bahay gamit ang mga sangkap tulad ng patatas at mais. Ang ilang mga mamimili sa Hilagang Korea ay bumibili ng mga inuming alkohol nang direkta mula sa mga pabrika na gumagawa ng alkohol sa bansa sa pamamagitan ng perang hawak. Sa kamakailang panahon, ang inangkat na Tsinong alak ay pinahihintulutang ibenta sa mga pamilihan. Isang kilalang Tsinong alak na ibinibigay sa Hilagang Korea ay ang Alak ng Kaoliang, na mayroong 46-50% na nilalamang alkohol.[49] Partikular na ginagawa ang serbesa sa Hilagang Korea, kung saan ang paggawa ng serbesang artesanal ay tumaas sa mga nakaraang panahon.[50] Mayroon ang bansa ng hindi bababa sa sampung serbeseryang pangunahing serbesa (tulad ng Kompanyang Serbesera ng Taedonggang) at mga mikroserbeserya (tulad ng Mikroserbeserya Paraiso at Mikroserbeserya ng Otel Yanggakdo) na nanunustos ng mga malawak na hanay ng mga produktong serbesa.[51] Idinaos ng Kompanyang Serbesera ng Taedonggang ang kauna-unahang pagdiriwang ng serbesa sa bansa noong Agosto 2016, na sumama ng iba't-ibang uri ng inuming Taedonggang at mga serbesang lokal.[52] Kabilang sa pagdiriwang ng mga serbesang lokal ay ang serbesang kanin at maitim.[53]

Midyang Pangmasa[baguhin | baguhin ang wikitext]

Musika[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kabataang tumatambol para sa mga turista sa Sakahang Kooperatibo ng Chonsam.

Kasali sa musika ng Hilagang Korea ang malawakang saklaw ng iba't-ibang pop, magaang instrumental, pambayan, klasiko, at pampolitikang tagapaglabas. Itinuturong laganap ang edukasyon sa musika, kung saan unang ipinatupad ni Kim Il-sung ang isang programa ng pag-aaral ng mga instrumentong pangmusika noong 1949 sa isang bahay-ampunan sa Mangyongdae.[54]:99-100 Patuloy na nauugnay ang diplomasyang pangmusika sa Hilaga, kung saan kumukumpleto ang mga delegasyong pangmusika at pangkalinangan sa mga konsyerto sa Tsina at Pransiya sa mga taong nakalipas, at ang mga musiko mula sa Timog at mga bansang Kanluranin ay nagtutulungan sa mga proyekto sa bansa.[55][56]:29-42[57]

Nang nahati ang Korea at naitatag ang pamahalaang komunista sa Hilaga ay inihatid sa suporta ang mga tradisyong manghihimagsik sa pagsusulat ng mga awitin para sa estado. Sa kalaunan ay naging isang istilo ito ng awiting makabayan na tinatawag na taejung kayo noong dekadang 1980, kung saan pinagsama-sama ang musikang sinponikong Kanluraning klasikal at anyong pangmusikang Koreanong tradisyonal.[58][59] Karaniwang inaawit ang mga ito ng mga babae't lalaking tagapaglabas na may kasamang mga banda o koro na sinasaliwan ng isang orkestang malaki o bandang konsiyerto, at sa mga nakaraang taon, isang bandang pop na may mga gitara, teklado, at seksyong tansong dilaw na paminsan-minsan'y mayroon ng akordeon at instrumentasyong tradisyonal. Sumusunod ang musika ng bansa sa mga prinsipyo ng ideolohiyang Juche, ang katangiang masigla't parang-martsa ng musika ay maingat na binubuo, bihirang isa-isang ginaganap, at ang mga liriko at imahe nito'y mayroon ng positibong nilalamang malinaw.[60] Sa halos buong ika-20 dantaon, nagbigay-diin ang pamahalaan sa mga maasahing himig na batay sa musikang katutubo't manghihimagsik.[61] Ang mga mensaheng ideolohikal ay inihahatid sa pamamagitan ng mga napakalaking piyesang orkestal tulad ng "Limang Dakilang Orkestang Manghihimagsik" batay sa tradisyonal na Koreanong ch'angguk.[62] Ang mga operang manghihimagsik ay naiiba sa kanilang mga Kanluraning katapat sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga instrumentong tradisyonal sa orkesta at pag-iwas sa mga segmentong resitatibo.[63] Ang Dagat ng Dugo ay isa sa mga pinakamalawak na ginanap sa Limang Dakilang Opera mula nang ipalabas ito noong 1971; ito'y ginanap nang mahigit 1,500 beses at naging malaking tagumpay ang gira nito sa Tsina noong 2010.[64] Karamihan sa musikang binubuo ay para sa mga pelikula at dramang pantelebisyon, at ang mga gawa ng Koreanong kompositor na si Isang Yun, na nanirahan ng halos buong-buhay sa Alemanya, ay sikat sa bansa. Ang musikang Kanluraning klasikal nina Brahms, Tchaikovsky, Stravinsky at iba pang mga kompositor ay parehong ginagampanan ng Orkestang Sinponikong Pampamahalaan at mga orkestang pambata.[65]

Iniakma ang mga instrumentong tradisyonal ng bansa upang payagan silang makipagkumpitensya sa mga instrumentong Kanluranin. Gayunpaman, maraming mas lumang anyong pangmusika na nananatili at ginagamit sa parehong tradisyonal na pagtatanghal na naaayon sa mga ideya at paraan ng pamumuhay sa estado at upang samahan ang mga modernong awit bilang papuri kina Kim Il-sung, Kim Jong-il, at Kim Jong-un mula 2012, kasama ang mga kanta na naghahangad ng muling pagsasama-sama ng Korea. Mga halimbawa ng mga minodernisang instrumentong tradisyonal na ginagamit sa Hilagang Korea ay ang mga sitarang moderno na Ongnyugeum at ang apat-na-kuwedrang biyoling tradisyonal na Sohaegeum. Sa kaibahan, kadalasang ginagamit sa musikang militar ang instrumentong tansong Kanluranin, kahoy-hangin, at perkusyon, kung saan inaalis ang mga instrumentong Koreano. Bagama't kadalasang komposisyong orihinal, hindi madaling makilala ang mga ito mula sa mga komposisyong Kanluranin sa kawalan ng kanilang mga liriko, na labis na nagtatampok sa nakagawiang nilalamang nakatuon sa ideolohiya.

Kapistahan at mga Pinagdidiriwang[baguhin | baguhin ang wikitext]

Palakasan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Panitikan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinehan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Rossabi, Morris (20 May 1983). China Among Equals: The Middle Kingdom and Its Neighbors, 10th–14th Centuries (sa Ingles). University of California Press. ISBN 9780520045620. Nakuha noong 8 November 2016.
  2. Yunn, Seung-Yong (1996), "Muslims earlier contact with Korea", Religious culture of Korea, Hollym International:99
  3. Korea原名Corea? 美國改的名 (sa Tsino). United Daily News. 5 July 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 October 2014. Nakuha noong 28 March 2014.
  4. https://www.nknews.org/2018/11/how-north-korea-got-its-official-name/
  5. "Chosŏn". "Dictionary.com Unabridged". Random House. Nakuha noong 19 December 2018.
  6. Buzo, Adrian (2002). The Making of Modern Korea. London: Routledge. ISBN 978-0-415-23749-9.
  7. Cumings, Bruce (2005). Korea's Place in the Sun: A Modern History. New York: W. W. Norton & Company. ISBN 978-0-393-32702-1.
  8. Young, Benjamin R (7 February 2014). "Why is North Korea called the DPRK?". NK News. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 9 February 2014. Nakuha noong 9 February 2014.
  9. Demographic Yearbook – Table 3: Population by sex, rate of population increase, surface area and density (PDF). United Nations Statistics Division. 2012. p. 5. Nakuha noong 29 November 2014.
  10. United Nations Environmental Programme. "DPR Korea: State of the Environment, 2003" (PDF). p. 12. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 24 July 2010.
  11. Grantham, H. S.; et al. (2020). "Anthropogenic modification of forests means only 40% of remaining forests have high ecosystem integrity – Supplementary Material". Nature Communications. 11 (1): 5978. doi:10.1038/s41467-020-19493-3. ISSN 2041-1723. PMC 7723057. PMID 33293507.
  12. Bill Caraway (2007). "Korea Geography". The Korean History Project. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 6 July 2007. Nakuha noong 1 August 2007.
  13. Dinerstein, Eric; et al. (2017). "An Ecoregion-Based Approach to Protecting Half the Terrestrial Realm". BioScience. 67 (6): 534–545. doi:10.1093/biosci/bix014. ISSN 0006-3568. PMC 5451287. PMID 28608869.
  14. "Topography and Drainage". Library of Congress. 1 June 1993. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 17 November 2004. Nakuha noong 17 August 2009.
  15. Song, Yong-deok (2007). "The recognition of mountain Baekdu in the Koryo dynasty and early times of the Joseon dynasty". History and Reality V.64.
  16. https://www.koreakonsult.com/Attraction_Kumgang_eng.html
  17. "Topography and Drainage". countrystudies.us. U.S. Library of Congress. Nakuha noong 17 June 2018.
  18. United Nations Environmental Programme. "DPR Korea: State of the Environment, 2003" (PDF). pp. 13, 52. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2004-08-31.
  19. Kirby, Alex (August 27, 2004). "North Korea's environment crisis". BBC. Inarkibo mula sa orihinal noong February 21, 2006.
  20. United Nations Environmental Programme. "DPR Korea: State of the Environment, 2003" (PDF). p. 53. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2004-09-01.
  21. United Nations Environmental Programme. "DPR Korea: State of the Environment, 2003" (PDF). p. 12. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2004-09-01.
  22. Hayes, Peter (12 October 2009). "Unbearable Legacies: The Politics of Environmental Degradation in North Korea". Asia Pacific Journal: Japan Focus.
  23. United Nations Environmental Programme. "DPR Korea: State of the Environment, 2003" (PDF). p. 30. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2004-09-01.
  24. United Nations Environmental Programme. "DPR Korea: State of the Environment, 2003" (PDF). p. 12. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2004-09-01.
  25. United Nations Environmental Programme. "DPR Korea: State of the Environment, 2003" (PDF). p. 53. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2004-09-01.
  26. McKenna, Phil (March 6, 2013). "Inside North Korea's Environmental Collapse". PBS.
  27. Kirby, Alex (August 27, 2004). "North Korea's environment crisis". BBC.
  28. "Why North Korea is a safe haven for birds". BBC News. 2016-06-20. Nakuha noong 2016-06-20.
  29. "NK테크 브리핑". www.nktech.net. Nakuha noong June 21, 2021.
  30. 명, 수정 (2018). "KDI 북한경제리뷰". www.kdi.re.kr (sa Kanuri). Nakuha noong June 18, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  31. Rank, Michael (16 June 2012). "A window into North Korea's art world". Asia Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 March 2013. Nakuha noong 14 July 2014.{{cite web}}: CS1 maint: unfit URL (link)
  32. Andrei Lankov (13 February 2011). "Socialist realism". The Korea Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 July 2014. Nakuha noong 6 July 2014.
  33. Tertitskiy, Fyodor (6 June 2016). "The good things in North Korea". NK News. Nakuha noong 20 July 2016.
  34. Ang artikulong ito ay naglalaman ng mga materyal mula sa Library of Congress Country Studies, na publikasyon ng Pamahalaan ng Estados Unidos sa pampublikong dominyon. Fourth ed. Washington: Federal Research Division of the Library of Congress. ISBN 0-8444-0794-1.
  35. 35.0 35.1 Demick, Barbara (October 8, 2011). "The unpalatable appetites of Kim Jong-il". The Telegraph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-01-12. Nakuha noong May 19, 2017.
  36. Gentile, Dan (February 28, 2014). "Korean food: The 12 essential dishes you need to know from the North and the South". Thrillist. Nakuha noong May 19, 2017.
  37. Killalea, Debra (May 17, 2016). "Pyonghattan: Life inside North Korea's brat pack". News.com.au. Nakuha noong May 17, 2017.
  38. Fullerton, Jamie (March 29, 2017). "Munchies in North Korea: A Visit to Pyongyang's Newest Pizza Joint". Vice. Nakuha noong May 17, 2017.
  39. Song Ah, Seol (September 30, 2014). "Bottled Water Gaining Popularity in Markets". Daily NK. Nakuha noong May 19, 2017.
  40. Song Min, Choi (December 9, 2015). "North Korea's nouveau riche spend like there's no tomorrow". Daily NK. Nakuha noong May 20, 2017.
  41. Pearson, James; Park, Ju-min (June 4, 2015). "Pyongyang Bling - The rise of North Korea's consumer comrades". Reuters UK. Nakuha noong May 20, 2017.
  42. Fifield, Anna (May 14, 2016). "North Korea's one-percenters savor life in 'Pyonghattan'". Washington Post. Nakuha noong May 20, 2017.
  43. Jeffries, I. (2013). North Korea: A Guide to Economic and Political Developments. Guides to Economic and Political Developments in Asia. Taylor & Francis. p. 408. ISBN 978-1-134-29033-8. Nakuha noong May 18, 2017.
  44. "Five interesting facts about North Korean leader Kim Jong-un". The Jakarta Post. February 18, 2017. Nakuha noong May 20, 2017.
  45. Williams, Martyn (July 22, 2014). "North Korea launches cooking website 'for housewives'". The Guardian. Nakuha noong May 17, 2017.
  46. Shalhoub, Lulwa (April 27, 2017). "From kimchi to rice cakes: Korean cuisine has something for every foodie". Arab News. Nakuha noong May 19, 2017.
  47. "Shin Ramyun, Ramen of Choice in North Korea". Daily NK. June 3, 2009. Nakuha noong May 17, 2017.
  48. Kim, M. (2010). Escaping North Korea: Defiance and Hope in the World's Most Repressive Country. Rowman & Littlefield Publishers. p. 42. ISBN 978-0-7425-5733-8. Nakuha noong May 19, 2017.
  49. Lee, Je Son (December 14, 2015). "Ask a North Korean: do you drink alcohol?". The Guardian. Nakuha noong May 20, 2017.
  50. Volodzko, David (August 11, 2016). "The Rise of South Korea's Craft Brewing Scene". Vice. Nakuha noong May 17, 2017.
  51. Steadman, Ian (May 12, 2017). "'Kim Jong-Ale': North Korea's surprising microbrewery culture explored". Wired UK. Nakuha noong May 19, 2017.
  52. Evans, Stephen (September 12, 2016). "Sneaking a taste of North Korea's finest beer". BBC News. Nakuha noong May 19, 2017.
  53. Ji, Dagyum (August 16, 2016). "Plastered in Pyongyang: North Korea launches its first beer festival". The Guardian. Nakuha noong May 19, 2017.
  54. Cathcart, Adam (2008-09-01). "Song of Youth: North Korean Music from Liberation to War". North Korean Review. 4 (2). doi:10.3172/nkr.4.2.93. ISSN 1551-2789.
  55. "Music, diplomacy, and dictatorship: North Korean concerts in Beijing | NK News - North Korea News" (sa Ingles). 2019-01-31. Nakuha noong 2019-10-06.
  56. Cathcart, Adam (Fall 2013). "North Korea's Cultural Diplomacy in the Early Kim Jong-un Era" (PDF). North Korean Review. 9 (2). doi:10.3172/NKR.9.2.29. JSTOR 43908918.
  57. Reuters (2018-04-01). "South Korean K-pop stars perform for Kim Jong-un in Pyongyang". The Guardian (sa Ingles). ISSN 0261-3077. Nakuha noong 2019-10-06. {{cite news}}: |last= has generic name (tulong)
  58. "Pop music of Asia". IIAS Newsletter Online. Inarkibo mula sa ang orihinal noong July 9, 2013. Nakuha noong September 27, 2005.
  59. World and Its Peoples: Eastern and Southern Asia. Marshall Cavendish Corporation. 2007. p. 929. ISBN 9780761476313.
  60. "Songs for the 'Great Leaders': Ideology and Political Agitation in the Music of North Korea". korea.fas.harvard.edu (sa Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2021-06-16. Nakuha noong 2020-11-07.
  61. "Contemporary Cultural Expression". Library of Congress Country Studies. 1993. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 December 2012. Nakuha noong 3 July 2014.
  62. "Literature, Music, and Film". Library of Congress Country Studies. 1993. Nakuha noong 14 July 2014.
  63. "North Korean Opera Draws Acclaim in China". The New York Times. 28 July 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 July 2014. Nakuha noong 14 July 2014.
  64. "Revolutionary opera 'Sea of Blood' 30 years old". KCNA. August 2001. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 October 2014. Nakuha noong 14 July 2014.
  65. "North Korea: Bringing modern music to Pyongyang". BBC News. 3 January 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 July 2014. Nakuha noong 14 July 2014.