Hiram Rhodes Revels

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Hiram Revels.

Si Hiram Rhodes Revels (27 Setyembre 1822 – 16 Enero 1901) ay ang pinakaunang Aprikano Amerikang naglingkod sa Senado ng Estados Unidos. Dahil siya ang nanguna sa alin mang Aprikanong Amerikanong nasa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos, siya rin ang pinakaunang Aprikanong Amerikanong nalagak sa Kongreso ng Estados Unidos. Kinatawan niya ang Misisipi noong 1870 at 1871 habang nagaganap ang Panahon ng Rekonstruksiyon sa Estados Unidos. Noong 2002, ibinilang siya ng iskolar na si Molefi Kete Asante sa kanyang talaan ng 100 Pinakamagiting na mga Aprikano Amerikano.[1] Mula 2008, si Revels ay naging isa sa liliman lamang na Aprikanong Amerikanong nakapaglingkod na sa Senado ng Estados Unidos.

Sanggunian[baguhin]

  1. Asante, Molefi Kete (2002). 100 Greatest African Americans: A Biographical Encyclopedia. Amherst, New York. Prometheus Books. ISBN 1-57392-963-8.