Kasaysayan ng Pilipinas (1521–1898)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bahagi ng isang serye tungkol sa
Kasaysayan ng Pilipinas
Philippine History Collage.jpg
Maagang Kasaysayan (bago mag-900)
Taong Callao at Taong Tabon
Pagdating ng mga Negrito
Paglaganap na Austronesyo
Mga petroglipo ng Angono
Epokang / Panahong Klasikal (900-1521)
Bansa ng Mai
Kaharian ng Tondo
Konpederasyon ng Madyaas
Kaharian ng Maynila
Kaharian ng Namayan
Karahahan ng Butuan
Karahahan ng Cebu
Kasultanan ng Maguindanao
Kasultanan ng Sulu
Panahong Kolonyal (1565-1946)
Panahong Kastila (1521–1898)
Pamumunong Britaniko
Silangang Kaindiyahan ng Kastila
Himagsikan ng Pilipinas (1896-1898)
Katipunan
Unang Republika
Panahong Amerikano (1898–1946)
Digmaang Pilipino-Amerikano
Sampamahalaan ng Pilipinas
Pananakop ng Hapon (1942–1945)
Ikalawang Republika
Panahong Kontemporaneo (1946-kasalukuyan)
Ikatlong Republika
Diktadura ni Marcos
Ikalimang Republika
Guhit-panahon
Kasaysayang militar
Kasaysayan ng komunikasyon
Kasaysayang pangmdemograpiya
Portal icon Pilipinas

Ang panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas na tinatawag bilang Pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas ay ang kasaysayan ng Pilipinas noong nasa ilalim ang kapuluan sa pamumuno ng Kaharian ng Espanya. Ang panahong ito ay magmula noong 1521 at nagwakas noong 1898.

Nagkaroon ng kaalaman ang Kanluraning Mundo hinggil sa Pilipinas noong panahon na nagpapaligsahan ang Portugal at ang Espanya para sa tatlong mga layunin: ang makakuha ng bagong mga teritoryo, ang makahanap ng mga pampalasa sa pagkain sa bagong mga lugar na ito, at ang makatuklas ng mga kayamanan sa Silangang Mundo (sa Oryente). Dahil sa paligsahang ito, nagkaroon ng mga Bula ng Papa - partikular na ang Kasunduan sa Tordesillas (1494), na naghati ng daigdig sa dalawang panig. Inilaan para sa Portugal ang silangan, habang ang kanularan naman ay para sa Espanya.[1]

Pagiging kolonya ng Espanya[baguhin]

Pagdating ni Magellan[baguhin]

Noong 1519, nagsimulang maglakbay si Ferdinand Magellan (Fernando Magallanes) mula sa Espanya upang isagawa ang unang paglalayag sa paligid ng mundo. Ang panggagalugad ni Magellan ay binubuo ng limang mga barko na mayroong 264 mga tauhang mandaragat.[2] Si Magellan ay isang Portuges na naglilingkod sa ilalim ng watawat at Hari ng Espanya.[1] Noong Marso 16, 1521, narating ng kaniyang ekspedisyon ang pulo ng Samar sa Cebu,[3] kung saan tinanggap siya nina Raha Kolambu at Raha Siagu. Ang mga pulo ay pinangalanan ni Magellan bilang Kapuluan ni San Lazaro, at inangkin ang mga lupain para sa Kaharian ng Espanya,[2] sa ilalim ng pangalan ni Haring Charles I ng Espanya (Carlos I).[3] Si Magellan at ang kaniyang mga kasama ang sinasabing unang mga Europeong nakarating sa Pilipinas, bagaman mayroong mga aklat na nailathala sa Kanlurang Europa na nagsasabing hindi sila ang una. [4] Nagpatayo si Magellan ng isang krus sa nasabing mga lupain. Pagkaraang ipakilala nina Raha Kolambu at Raha Siagu si Magellan kay Raha Humabon ng Cebu. Kasama ng humigit-kumulang sa 800 mga Cebuano, nabinyagan si Raha Humabon sa ngalan ng Kristiyanismo. Tinulungan ni Magellan si Raha Humabon na labanan si Datu Lapu-Lapu ng pulo ng Mactan. Namatay si Magellan sa labanang ito noong Abril 27, 1521. Ang natira pang mga Kastila sa kapuluan ay nagkaroon ng alitan, kabilang na ang pagtatalo ni Raha Humabon at ng mga Kastila hinggil sa kababaihan. Sa isang pag-aaway, napaslang ng mga Cebuano ang 27 mga Kastila. Nilisan ng mga Kastila ang Cebu upang ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay. Nakabalik sa Espanya ang barkong Victoria (isang barko lamang na may nalalabing 18 mga tauhan) pagkaraan ng tatlong mga taon.[5]

Pagdating ni Villalobos[baguhin]

Ang unang paglalayag na pambuong mundo sa ngalan ng Espanya ay nasundan ng apat pang mga ekspedisyon mula 1525 hanggang 1542. Sa ikaapat na panggagalugad, narating ni Ruy Lopez de Villalobos ang Kapuluan ng Pilipinas at pinangalanan niya ang mga pulo mula kay Philip II na noon ay may katayuan bilang tagapagmana ng trono ng Kaharian ng Espanya, bagaman hindi pa pormal na naitatag ang Pilipinas bilang opisyal na Kolonya ng Espanya. Naging pormal na Kolonya ng Espanya ang Pilipinas noong 1565 nang italaga ni Haring Philip II (nanungkulan bilang hari ng Espanya mula 1556 hanggang 1598[3]) si Miguel Lopez de Legazpi bilang unang Gobernador-Heneral ng kapuluan.[2] Noong taong ito naitatag ang unang pampalaigang pamayanan ng mga Kastila sa Cebu, pagkaraang magapi ang isang pinunong Muslim (Moro).[4] Noong 1571, pinili ni Legazpi ang Maynila upang maging kabisera ng kolonya. Ang Pilipinas ay pinangasiwaan ng Espanya magmula sa Mehiko (Bagong Mehiko). Ang pangangalakal ay isinagawa sa pamamagitan ng mga galeon na naglalayag sa pagitan ng Canton at ng Acapulco, Mehiko, kung kailan ang Pilipinas ay gumaganap bilang daungan, angkatan, at luwasan ng mga kalakal.[2] Nagwakas ang pangangalakal sa pamamagitan ng mga galeon noong 1815[2] noong dumaong sa Maynila ang huling galeon na nanggaling sa Acapulco.[6]

Naging bahagi ng patakaran ng Espanya ukol sa Pilipinas ang tatlogn mga layunin: ang makapaghanap ng mga mapagkukunan ng maikakalakal na mga pampalasa; ang mapaunlad ang pakikipag-ugnayan at ang katayuan ng Kristiyanismo sa Tsina at sa Hapon; at ang upang maging ganap ang pagiging mga Kristiyano ng sinaunang mga Pilipino.[3] Ang Pilipinas lamang ang naging kolonya ng Espanya sa Asya.[3]

Paghina ng pamumunong Kastila[baguhin]

Nagsimula ang unang panghihina ng kapangyarihan ng pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas noong 1762. Naganap ito noong panandaliang mabihag ng mga Britaniko ang Maynila habang nagaganap ang Digmaan ng Pitong mga Taon (1756-63),[4][6] kung kailan ang Espanya ay kumampi sa Pransiya.[6] Bilang pagsuporta sa paglusob ng Britanya sa Pilipinas, naghimagsik laban sa mga Kastila ang mga mangangalakal na Intsik, isang pangkat na dumanas ng pang-uusig sa ilalim ng pamumuno ng mga Kastila. Nagkaroon ng iba pang mga panghihimagsik laban sa Espanya. Kabilang dito ang pag-aalsang pinamunuan ni Diego Silang mula sa Ilocos ng Hilagang Luzon, kung kailan nagtatag si Silang ng isang pamahalaang nagsasarili na nakikipag-ugnayan sa mga Britaniko.[6] Pinaslang si Silang, sa pamamagitan ng asasinasyon noong Mayo 1763.[6] Nang matapos ang digmaan, naibalik ang Maynila sa kapangyarihan ng Espanya noong Mayo 1764[6] dahil sa Kasunduan sa Paris.[4] Pagkaraan ng pagbabalik ng kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas, nagsagawa si José Basco y Vargas, ang gobernador ng Pilipinas mula 1778 hanggang 1787, ng magkakasunod na mga reporma na naglalayong mapainam ang kaunlaran ng ekonomiya ng kolonya.[6]

Pagkaraan ng paglaya ng Mehiko mula sa kapangyarihan ng Espanya noong 1821, tuwirang pinamahalaan ng Espanya ang Pilipinas mula sa Madrid, sa halip na mula sa Acapulco, Mehiko. Tumagal ang pamamahala ng Espanya sa Pilipinas bilang isang kolonya nang may 200 mga taon.[2]

Pagwawakas ng pamumunong Kastila[baguhin]

Natapos ang pamumuno ng Espanya sa Pilipinas bilang resulta ng nakisangkot ang Estados Unidos sa Cuba, isa pang pangunahing kolonya ng Espanya. Nais nang Estados Unidos na masugpo ang panghihimagsik na naganap sa Cuba noong Pebrero 1895 dahil sa mga layunin ng Estados Unidos hinggil sa pagnenegosyo. Noong magpahayag ang Estados Unidos ng digmaan laban sa Espanya noong Abril 25, 1898, inatasan ni Theodore Roosevelt (na noon ay gumaganap bilang pansamantalang Sekretaryo ng Hukbong-Dagat ng Estados Unidos) na maglayag papunta sa Pilipinas upang gapiin ang hukbong-dagat ng Espanyang nasa Look ng Maynila. Natalo ng hukbong-dagat ng Estados Unidos ang hukbong-dagat ng Espanya na nasa Pilipinas noong Abril 25, 1898. Bago matapos ang 1897, nagpatuloy ang paglalaban ng Espanya at ng Estados Unidos hinggil sa kung sino ang aangkin sa Cuba. Samantala, naganap ang negosasyon sa pagitan ni Emilio Aguinaldo at ng mga opisyal ng Estados Unidos habang nasa Hong Kong at pagdaka sa Singapore. Nahikayat ni Dewey si Aguinaldo na magbalik sa Pilipinas. Noong Mayo 19, 1897, dumating si Aguinaldo sa Maynila upang pamunuan ang mga puwersa ng mga Pilipinong nanghihimagsik.[7]

Mga epekto ng pamumuno ng Espanya[baguhin]

Dalawa ang naging epekto ng pamumuno ng mga Kastila sa Pilipinas. Una, ang halos malawakang pagsanib ng sinaunang mga tao sa Pilipinas sa Katolisismong Romano. Ikalawa, ang pagkakalikha ng mga piling tao na nag-aari ng mga lupain.[4]

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Peplow, Evelyn. "The Coming of the Spaniards," THE PHILIPPINES Tropical Paradise, Passport Books, 1991, pp. 17.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 Spanish Colony 1565 - 1898
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 The Early Spanish Period, 1521-1762
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 History of the Philippines
  5. Spanish Colony 1565 - 1898
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 6.5 6.6 The Decline of Spanish Rule, 1762-1898
  7. Outbreak of War, 1898, Spanish-American War and Philippine Resistance

Mga kawing panlabas[baguhin]