Hosni Mubarak

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Hosni Mubarak
Hosni Mubarak

Si Mubarak noong 2009


Panunungkulan
14 Oktubre 1981 – 11 Pebrero 2011
(&0000000000000029.00000029 mga taon, &0000000000000120.000000120 mga araw)
Punong Ministro
Pangalawang Pangulo Omar Suleiman
Sinundan si Sufi Abu Taleb (Acting)
Sinundan ni Mohamed Hussein Tantawi (Acting)[b]

Panunungkulan
7 Oktubre 1981 – 2 Enero 1982
Pangulo Sufi Abu Taleb (Acting)
Sinundan si Anwar El Sadat
Sinundan ni Ahmad Fuad Mohieddin

Panunungkulan
16 Abril 1975 – 14 Oktubre 1981
Pangulo Anwar El Sadat
Sinundan si Hussein el-Shafei
Sinundan ni Omar Suleiman[a]

Panunungkulan
16 Hulyo 2009 – 11 Pebrero 2011
Sinundan si Raúl Castro
Sinundan ni Mohamed Hussein Tantawi

Kapanganakan 4 Mayo 1928 (1928-05-04) (86 taong gulang)
Kafr-El Meselha, Egypt
Tunay na pangalan Muhammad Hosni Sayyid Mubarak
Partidong politikal National Democratic Party
Asawa Suzanne Mubarak (1959-present)
Mga anak
Alma mater
Relihiyon Sunni Islam[kailangan ng sanggunian]
Lagda Lagda ni Hosni Mubarak
Paglilingkod sa Militar
Kinaaniban Ehipto
Service/branch Egyptian Air Force
Ranggo Air Chief Marshal
a. ^ Office vacant from 14 Oktubre 1981 to 29 Enero 2011
b. ^ as Chairman of the Supreme Council of the Armed Forces

Si Muhammad Hosni Sayyid Mubarak (Arabe: محمد حسني سيد مبارك‎, Egyptian Arabic pronunciation: [mæˈħæmːæd ˈħosni ˈsæjːed moˈbɑːɾɑk], Muḥammad Ḥusnī Sayyid Mubārak; ipinanganak noong 4 Mayo 1928[1]) ay ang ika-apat na Pangulo ng Ehipto, mula noong 1981 hanggang 2011.

Itinalaga si Mubarak bilang Pangalawang Pangulo ng Ehipto noong 1975, at naging pangulo noong 14 Oktubre 1981, pagkatapos ng pagpaslang kay Pangulong Anwar El Sadat. Ang kahabaan ng termino niya bilang pangulo ang naging dahilan upang siya ay maging pinakamahabang nagsilbing tagapamuno ng Ehipto pagkatapos ni Muhammad Ali Pasha. Bago pasukin ni Mubarak ang politika, naglingkod si Mubarak bilang isang opisyal ng Hukbong Himpapawid ng Ehipto, na naglingkod bilang komandante mula 1972 hanggang 1975.

Noong kasagsagan ng demonstrasyon na nagsimula nong 25 Enero 2011, nananawagan ang mga demonstrador sa pagbibitiw ng pangulo ng Ehipto.[2] Noong 1 Pebrero 2011, inihayag ni Mubarak na hindi na siya muling tatakbong muli sa Halalang Pampanguluhan.[3] Noong 5 Pebrero 2011, ibinalita ng pambansang media ng Ehipto na ang mga matataas na kasapi ng Pambansang Partido Demokratiko ng Ehipto, kasama si Mubarak, ay nagbitiw sa mga tungkuling pampamunuan sa loob ng partido.[4]

Noong 11 Pebrero 2011, inihayag ni Pangalawang Pangulo Omar Suleiman na nagbitiw na si Mubarak bilang Pangulo ng Ehipto, at ipinasa ang kapangyarihan sa Nakatataas na Konseho ng Sandatahang Lakas, pagkatapos ng 18 araw ng mga pagkilos na sumubok sa tatlumpung taong pamumuno niya.[5][6]

Mga Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]