Hulang tumutupad sa sarili

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang isang hulang tumutupad sa sarili o self-fulfilling prophecy ay isang hula na direkta o hindi direktang nagsasanhi sa sarili nito na magkatotoo sa mga termino ng mismong ng hula dahil sa positibong feedback at pag-aasal. Bagaman ang mga halimbawa ng gayong mga hula ay matatagpuan sa panitikan ng sinaunang Gresya at sinaunang India, ito ay itinuturong inimbento ng ika-20 siglong sosyologong si Robert K. Merton. Sa kanyang aklat na Social Theory and Social Structure, inilarawan ni Merton ang hulang tumutupad sa sarili sa mga sumusunod na termino: halimbawa, kapag maling naniwala si Roxanna na ang kanyang kasal ay papalya, ang kanyang mga takot ng gayong pagpalya ay aktuwal na magsasanhi ng pagpalya ng kanyang kasal. Sa ibang salita, ang isang positibo o negatibong hula na malakas na pinaniniwalaang paniniwala o delusyon na inihayag bilang katotohanan kapag ito ay aktuwal na hindi totoo ay maaaring sapat na makaimpluwensiya sa mga tao upang ang kanilang mga reaksiyon ay sa huling tutupad sa minsang maling hula.

Kasaysayan ng konsepto[baguhin]

Ang konsepto ni Merton ng hulang tumutupad sa sarili ay nagmula sa teorema ni Thomas na nagsasaad na "Kung inilalarawan ng mga tao ang mga sitwasyon bilang totoo, ang mga ito ay totoo sa mga kalalabasan nito."[1] Ayon kay Thomas, ang mga tao ay tumutugon hindi lamang sa mga sitwasyon na kinalalagyan nito kundi pati at kadalasang pangunahin sa paraan na kanilang natatanto ang mga sitwasyon at sa kahulugang kanilang ibinibigay sa mga pagtantong ito. Kung gayon, ang kanilang kahit pa hindi isasaalang-alang kung ito ay totoo, kanilang gagawin ang mga tunay na aksiyon bilang epekto nito. Pinalawig ni Merton ang konseptong ito at inilapat sa nakaraang phenomena na panglipunan. Sa kanyang aklat na Social Theory and Social Structure, kanyang naisipan ang isang pagtakbo sa bangko na pinangangasiwaan ni Cartwright Millingville. Ito ay isang tipikal na bangko at pinatakbo ni Millingville ng tapat at lubos na tama. Dahil dito, ito ay may mga likidong ari-arian(cash) tulad ng ibang mga bangko ngunit ang karamihan ng mga pag-aari nito ay pinuhunan sa iba't ibang mga venture. Isang araw, ang isang malaking bilang ng mga kustomer ay pumunta sa bangkong ito nang sabay-sabay. Ang eksaktong dahilan ay hindi kailanman naging maliwanag. Sa pagkakita ng mga kustomer nito sa ibang maraming mga kustomer na nagwiwithdraw sa bangko ay nagsimulang mabahala. Ang mga hindi totoong tsismis ay kumalat na may mali sa bangko at ang mas maraming mga kustomer ay sumugod sa bangko upang kunin ang kanilang pera ang magagawa pa nila. Ang bilang ng mga kustomer ay lumalaki na gumatong pa sa karagdagang mga tsismis ng insolbensiya at paparating na pagka-bangkarota ng bangko na lalo pang nagsanhi ng pagdating ng maraming mga kustomer upang i-withdraw ang kanilang salapi. Sa panimula ng araw, na huli para sa bangko ni Millingville, ang bangko ay hindi insolbente. Gayunpaman, ang tsismis ng insolbensiya ay nangsanhi ng biglaang pagwiwithdraw ng maraming mga kustomer na hindi masagot na nagsanhi sa bangko na maging insolbente at magdeklara ng pagka-bangkarota. Ayon kay Merton, ang tanging paraan upang mapatid ang siklo ng hulang tumutupad sa sarili ay muling paglalarawan ng mga proposisyon kung saan ang mga maling pagpapalagay ay orihinal na nakabatay.Sa mga modelong ekspektasyon ng implasyon, ang mga ekspektasyon ng mga tao ng nahaharap ng implasyon ay nagtutulak sa kanilang mas gumastos ngayon at humingi ng mas mataas na mga nominal na rate ng interest para sa anumang mga pag-iipon dahil umaasa silang ang mga presyo ay tataas. Ang paghinging ito ng mas mataas na mga rate ng interest at tumaas na paggugol sa kasalukuyan ay nagsanhi naman ng mga presyur na implasyon at makapagsasanhi ng implasyon kahit pa ang mga ekspektasyon ng hinaharap na implasyon ay walang basehan. Ang teoriyang ekspektasyon ng implasyon ay gumanap ng isang malaking papel sa mga aksiyon ni Paul Volcker sa kanyang panunungkulan bilang Chairman of the Federal Reserve sa paglaban sa stagplasyon noong mga 1970. Tinawag ng pilosopong si Karl Popper ang hulang tumutupad sa sarili na epektong Oedipus dahil ang orakulo ay gumaganap ng isang pinakamahalagang papel sa sunod sunod na mga pangyayari na humantong sa pagtupad ng hula. Ayon kay Popper, kanyang naisip sa isang panahon ang pag-iral ng epektong Oedipus ay nagtatangi ng panlipunan mula sa mga natural na agham. Ngunit kahit sa biolohiya, at kahit sa biolohiyang molekular, ang mga ekspektasyon ay kadalasang gumagampan ng isang papel sa pagdudulot ng inaasahan. Ang isang maagang prekursor ng konseptong ito ay lumitaw sa Decline and Fall of the Roman Empire ni Edward Gibbon: Noong maraming mga panahon, ang hula gaya ng karaniwan ay nag-aambag sa sariling nagawa nito.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Thomas, W. I. (1928). The Child in America: Behavior Problems and Programs. New York: Alfred A. Knopf. pp. 572.