Ikalawang Konseho ng Nicaea

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ikalawang Konseho ng Nicaea
Petsa 787 CE
Tinanggap ng Simbahang Katoliko Romano, Lumang Katoliko, Silangang Ortodokso
Nakaraang konseho (Katoliko)Ikatlong Konseho ng Constantinople
(Ortodokso)Konsehong Quinisext
Sumunod na konseho (Katoliko)Ikaapat ng Konseho ng Constantinople (Romano Katoliko)
(Ortodokso) Ikaapat na Konseho ng Constantinople (Silangang Ortodokso)
Tinipon ni Constantine VI at Emperatris Irene (bilang regent)
Pinangasiwaan ni Patriarka Tarasios ng Constantinople, Mga legato ni Papa Adrian I
Mga dumalo 350 (2 mga legato ng papa)
Mga Paksa ng talakayan Ikonoklasmo
Mga dokumento at salaysay veneration of icons approved
Talaang kronolohikal ng mga konsehong ekumenikal
Aya Sofya ng Nicaea, Iznik, Turkey kung saan idinaos ang konsehong ito.

Sa Ikalawang Konseho ng Nicaea (787 CE) ang kinikilalang ang Ikapitong Konsehong Ekumenikal ng Unang Pitong Konsehong Ekumenikal ng parehong Kanluran at Silangang Kristiyanismo. Ito ay kinikilala ng Silangang Ortodokso, Simbahang Romano Katliko at Lumang Katoliko. Ang mga opinyon sa Protestantismo ay iba iba. Ang Iklawang Konseho ng Nicaea ay nagpanumbalik ng benerasyon ng mga ikono at winakasan ang unang ikonoklasmo. Ang benerasyon ng mga ikono o imahen ay sinupil sa utos ng emperador sa loob ng Imperyong Byzantine noong paghahari ni Leo III (717–741 CE). Noong 753, tinipon ng anak ni Leo III na si Emperador Constantine V ang synod ng Hieria na gumawang opisyal sa pagsupil na ito ng mga ikono o imahen at nagdedeklara na ang mga imahen ni Hesus ay misrepresentasyon sa kanya at ang mga imahen ni Marya at mga santo ay mga idolo(diyos diyosan).[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Iconoclastic Controversy." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005