Ikalawang Konsilyong Vaticano

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Ikalawang Konsilyong Vaticano[1] (sa Latin: Concilium Oecumenicum Vaticanum Secundum, impormal na tinutukoy na Vaticano II) ay ang ikadalawampu't-isa at hanggang sa ngayo'y kahuli-hulihang konsilyong ekumeniko ng Simbahang Katoliko at ikalawang idinaos sa Basilika ni San Pedro sa Vaticano. Ipinatawag ni Papa Juan XXIII ang konsilyo na nagbukas noong Oktubre 11, 1962 at natapos na sa ilalim ni Papa Pablo VI noong Disyembre 8, 1965. Tinugunan ng Vaticano II ang mga hamon sa Simbahan Katoliko ng makabagong daigdig.

Sa mga nakibahagi sa pagbubukas ng sesyon ng konsilyo, apat ang naging Santo Papa, sina Kardinal Giovanni Battista Montini, na humalili kay Papa Juan XXIII at gumamit ng pangalang Pablo VI; Obispo Albino Luciani, na naging Papa Juan Pablo I; Obispo Karol Wojtyła, na naging Papa Juan Pablo II; at Padre Joseph Ratzinger, dumalo bilang kasangguning panteolohiya, na naging si Papa Benedicto XVI.[2][3][4]

Inilabas ng Vaticano II ang apat na konstitusyon, siyam na dekreto at tatlong pahayag.

Kasaysayan[baguhin]

Ang anunsiyo sa pagpapatawag ng isang konsilyong ekumeniko ay isinagawa ni Papa Juan XXIII sa Basilika ni San Pablo Extramuros noong Enero 25, 1959, tatlong buwan pa lamang magmula nang siya'y hirangin bilang Santo Papa. Kasama rin sa pahayag na ito ang pagpapatawag ng isang sinodo ng Diyosesis ng Roma at ang pagpapabago ng Kodigo ng Batas ng Simbahan.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Cruz, Oscar V. Maglakbay Tayo. 22 Enero 1997. CBCP Online.
  2. "Vatican Council II". New Catholic Encyclopedia (1) XIV: 563. (1967). Ed. Faculty of Catholic University of America. New York: McGraw-Hill.
  3. Alberigo, Giuseppe; Sherry, Matthew (2006). A Brief History of Vatican II. Maryknoll: Orbis Books. p. 69. ISBN 1-57075-638-4. 
  4. Father Georg Ratzinger: Pope Benedict XVI: A Profile: an EWTN documentary - Doug Keck, Executive Producer

Mga kawing panlabas[baguhin]


Kristiyanismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.