Ildefonso Santos

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ildefonso Santos
Kapanganakan Enero 23, 1897
Malabon, Kalakhang Maynila
Hanapbuhay Makata
Manunula

Si Ildefonso P. Santos[1] ay isang makata na isinilang sa bayan ng Malabon, sa nayon ng Baritan noong ika-23 ng Enero, 1897. Kaisa-isang anak siya nina Andres Santos at Atanacia Santiago.

Nahilig si Ildefonso sa pagsusulat ng mga tula dahil sa kanyang pinsang si Leonardo Dianzon na isang makata na naglalathala sa babasahing Ang Mithi. Si Dianzon ang nakatuklas kay Ildefonso nang mabasa niya ang tula ng pag-ibig na sinulat ni Ildefonso. Si Iñigo Ed Regalado ay humanga rin kay Ildefonso. Doon na nagsimula ang kanyang pagsulat ng mga tula. Ginamit niyang sagisag-panulat ang Ilaw Silangan.[1]

Natapos si Ildefonso Santos ng kursong edukasyon. Nang simulang ipaturo ang Pambansang Wika, siya ang kauna-unahang nagturo ng Pilipino sa National Teacher's College. Nagturo rin siya sa Baguio Vocational Normal School. Hindi lamang siya guro, siya ay mahusay na tagapagsaling-wika at makata.

Si Ildefonso Santos ay isa sa mga kinikilalang manunulat sa Tagalog noong panahon ng Amerikano. Kahanga-hanga ang kariktan ng kanyang mga tula dahil sa pananalitang ginamit niya. Isa raw siya sa mahusay at maingat magsulat ng mga tula avon sa mga kritiko. Ang kanyang mga tula ay simple at karaniwan, ngunit puna ng diwa at damdamin. Ang ilan sa kanyang mga tula na mababanggit ay Tatlong Inakay, Gabi, Ang Guryon, Sa Tabi ng Dagat, Ulap at Mangingisda. May mga tanaga rin siyang naisulat tulad ng Palay, Kabibi at Tag-init.

Siya ay ama ni Ildefonso P. Santos, Jr. na Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa Arkitektura noong taong 2000.

Sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Claudio-Perez, Marina. "Ildefonso Santos," Filipino Classics, Filipino Americans, Library.CA.gov, pahina 17 (PDF)