Iligan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lungsod ng Iligan
Dakbayan sa Iligan
—  Lungsod  —
Iligan City
Nickname(s): Industrial Center of the South and City of Majestic Waterfalls
Mapa ng Lanao del Norte na nagpapakita ng lokasyon ng Iligan.
Iligan is located in Philippines
Lungsod ng Iligan
Lokasyon sa Pilipinas
Coordinates: 6°7′N 125°10′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operatorMga koordinato: 6°7′N 125°10′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Bansa Pilipinas
Rehiyon Hilagang Mindanao (Rehiyon X)
Lalawigan Lanao del Norte
Distrito Nag-iisang Distrito ng Lanao del Norte
Mga barangay 44
Ganap na Bayan 1832
Ganap na Lungsod Hunyo 16, 1950
Pamahalaan
 • Punong Lungsod Lawrence Lluch Cruz (LDP-NPC)
 • Pangalawang Punong Lungsod Henry C. Dy (LDP-GO)
Laki
 • Kabuuan 813.37 km2 (314.04 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 322,821
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kodigo Postal 9200
Kodigong pantawag 63
PSGC 103504000
Websayt www.iligan.gov.ph

Ang Lungsod ng Iligan (Cebuano: Dakbayan sa Iligan; Ingles: Iligan City) ay isang mataas ang pagka-urbanisadong lungsod na nasa hilaga ng lalawigan ng Lanao del Norte, Pilipinas, at dati itong kabisera ng nasabing lalawigan. Humigit-kumulang 795 kilometro ang layo nito mula sa timog-silangan ng Maynila. Ayon sa senso ng 2007, mayroon itong populasyong 399,061 katao.


Etimolohiya[baguhin]

Ang salitang Iligan ay mula sa salitang Higaonon na iligan o ilijan na nangangahulugan "kuta ng tanggulan" laban sa madalas na pag-atake ng mga pirata at iba pang tribo sa Mindanao.

Kasaysayan[baguhin]

Ang mga luma at bagong gusali sa Kalye Lluch, Iligan

Sa nayon ng Bayug nagsimula ang lungsod ng Iligan, apat (4) na kilometro hilaga ng kasalukuyang Poblacion. Ito ang naging pinakaunang pamayanan ng mga katutubo bago dumating ang mga Kastila. Nabago ang kadalisayan ng lahi ng mga taal na mamamayan ng lugar nang magsimulang magdatingan noong huling bahagi ng ika-16 na dantaon ang mga dayong Bisaya mula sa kaharian sa pulo ng Panglao.

Ayon sa mananalaysay na Hesuwita na si Francisco Combes, sinakop ng hari ng ng Mollucas ang Panglao na naging dahilan ng pag-alis nang maraming bilang ng mga mamamayan nito patungo sa kasalukuyang Dapitan, Zamboanga del Norte.

Pagiging Lungsod[baguhin]

Abenida Quezon sa Iligan

Gamit ang mga hangganan nito noong ito ay isang bayan pa, ginawang lungsod ang Iligan noong Hunyo 16, 1950.[1] Inihayag na unang klaseng lungsod ang Iligan noong 1969 at inuri muli bilang Uring "A" na unang klaseng lungsod noong Hulyo 1, 1977 sa kapangyarihan ng PD. Bilang 465. Noong 1983, inuri muli itong isang mataas na urbanisadong lungsod.

Heograpiya[baguhin]

Naghahanggan ang Lungsod ng Iligan sa hilaga sa tatlong bayan ng Misamis Oriental, ang Lugait, Manticao at Opol, at sa tatlong bayan ng Lanao del Norte sa timog; ang mga bayan ng Baloi, Linamon at Tagoloan; at sa mga bayan ng Kapai, at Tagoloan II sa Lanao del Sur. Naghahanggan din naman sa hilagang silangan ang lungsod sa Lungsod ng Cagayan de Oro, sa silangan sa bayan ng Talakag, Bukidnon, at sa kanluran sa Look ng Iligan.

Mamamayan at Kultura[baguhin]

Pangunahing Kristiyanismo ang relihiyon sa lungsod ng Iligan(93.61%), kung saan karamihan dito ay kabilang sa Simbahang Katoliko. Cebuano ang pangunahing wikang sinasalita sa lungsod.


Mga Barangay[baguhin]

Ang Lungsod ng Iligan ay nahahati sa 44 na mga barangay, kung saan 6 ang urban at 38 ang rural.

  • Abuno
  • Acmac
  • Bagong Silang
  • Bayug
  • Bonbonon
  • Bunawan
  • Buru-un
  • Dalipuga
  • Del Carmen
  • Digkilaan
  • Ditucalan
  • Dulag
  • Hinaplanon
  • Hindang
  • Kalilangan
  • Kiwalan
  • Lanipao
  • Luinab
  • Maria Cristina
  • Mahayahay
  • Mainit
  • Mandulog
  • Pala-o
  • Panoroganan
  • Poblacion
  • Puga-an
  • Rogongon
  • San Miguel
  • San Roque
  • Santiago
  • Saray-Tibanga (Saray)
  • Santa Elena (Tominobo Ilaya)
  • Santa Filomena
  • Santo Rosario
  • Suarez
  • Tambacan
  • Tibanga
  • Tipanoy
  • Tomas Cabili (Tominobo Proper)
  • Tubod
  • Ubaldo Laya
  • Upper Hinaplanon
  • Upper Tominobo
  • Villaverde

Mga Sanggunian[baguhin]

Mga panlabas na kawing[baguhin]