Ilog Des Moines

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin


Des Moines River
Ang binubukalan ng Ilog Des Moines sa Ottumwa, Iowa
Ang binubukalan ng Ilog Des Moines sa Ottumwa, Iowa
Bansang limasan (Basin) USA
Haba 525 mi (845 km)
Limasang sakop (basin area) 14,802 sq mi (38,340 km2)[1]

Ang Ilog Des Moines ay isang tributaryong ilog ng Ilog Mississippi, na tinatayang may 525 milya (845 km) ang haba hanggang sa pinakamalayong abot ng hangganan ng kaniyang sariling katubigan, sa mataas na bahagi ng Gitnang-Kanluran ng Estados Unidos. Bilang pinakamalaking ilog na dumadaloy sa kalawakan ng estado ng Iowa, tumataas ito sa katimugang Minnesota, at dumadaloy sa kalawakan ng estado ng Iowa mula hilagang-kanluran patungong timog-silangan, daraan mula sa mga may mga glasyeradong kapatagan hanggang sa mga walang-yelong maliliit na bulubundukin ng lungsod ng Des Moines, isang pook na hango ang pangalan sa kailugang ito. Binubuo nito ang maliit na bahagi ng hangganan ng Iowa kasunod ng Missouri sa Lee County. Dumaraan sa seksiyong ito ang Abenida ng mga Santo.

Sanggunian[baguhin]