Ilog Yukon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mga koordinato: 62°35′55″N 164°48′00″W / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Ilog Yukon
River
Isang tanawin ng Ilog Yukon malapit sa Dawson City, Yukon
Mga bansa Estados Unidos, Kanada
Estado Alaska
Source Llewellyn Glacier at Atlin Lake
 - location Atlin District, British Columbia, Canada
 - coordinates 59°10′N 133°50′W / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Bibig Bering Sea
 - location Wade Hampton, Alaska, United States
 - elevation m (0 ft)
 - coordinates 62°35′55″N 164°48′00″W / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Haba 1,980 mi (3,187 km)
Lunas (basin) 330,000 sq mi (854,696 km²)
Discharge
 - average 227,000 cu ft/s (6,428 m3/s)
[1][2]

Ang Ilog ng Yukon ay isang pangunahing daanan ng tubig sa hilagang-kanluran ng Hilagang Amerika. Mahigit sa kalahati ng ilog ang nakahimlay sa estado ng Estados Unidos na Alaska, na ang karamihan sa iba pang mga porsyon ay nakalatag sa Teritoryong Yukon ng Kanada, kaya't ito ang pinagmulan ng pangalan ng teritoryong ito, at may maliit na bahagi ng ilog na malapit sa pinagmulang nakalagay sa Britanikong Kolumbiya. May haba na 3,185 km (1,980 mi)[3] ang ilog at bumubuhos patungo sa Dagat ng Berin sa Delta ng Yukon-Kuskokwim. Pangkaraniwang daloy nito ang 6,430 m³/s (227,000 ft³/s).[4] 832,700 km² (321,500 mi²),[5] ang kabuoang area ng pagpapatulo o pagpapaagos nito na nasa Kanada. Sa paghahambing, mahigit na 25% ang laki ng kabuoang area nito kaysa Teksas o Alberta.

Bilang pinakamalaking ilog sa Alaska at sa Teritoryong Yukon, ito ang dating isa sa pinakapangunahing pamamaraan ng transportasyon noong Dagsa ng Ginto sa Klondike mula 1896 hanggang 1903. Nagpatuloy na ginagamit ang mga bangkang pang-ilog na pinauusad ng mga gulong na sagwan magpahanggang dekada ng 1950, nang mabuo ang Punong Lansangan ng Klondike.

May ibig sabihing "malaking ilog" o "dakilang ilog" ang Yukon sa wikang Gwich'in. Dating tinawag na Kwiguk, o "malaking batis" ang ilog sa wikang Yupik. Dating pangalan ng pang-itaas na daanan ng Yukon ang Ilog ng Lewes, mula sa Lawa ng Marsh hanggang sa salapong (tagpuan ng dalawang ilog) ng Ilog ng Pelly sa Kuta ng Selkirk.

Dating nagkaroon ng kasaysayan ng polusyon ang Ilog ng Yukon dahil sa pagmimina ng ginto, mga instalasyong militar, mga pagtatapon ng basura, maruming tubig, at iba pang mga pinanggagalingan ng dumi. Subalit hindi itinatala ng Ahensiya ng Proteksiyong Pangkapaligiran ng Estados Unidos ang Ilog ng Yukon bilang kasama sa huminang mga rehiyon na pinanggagalingan ng tubig na dumadaloy patungo sa ibang tubigan,[6] at ang dato ukol sa kalidad ng tubig mula sa Pagsusuri Heolohiko ng Estados Unidos ang nagpapakitang may mabuting mga antas ng kalabuan (o kalinawan), mga metal, at natunaw na oksiheno.[7]

Mga sanggunian[baguhin]