Imperyong Akemenida

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Imperyong Persa)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Impiratur-iye Hakhamaneshiyyan
مپراتوری هخامنشیان
Achaemenid Empire
Imperyong Akemenidang Persa (Persian)
Imperyo

 

 

550 BC–330 BC

Watawat ng Imperyong Akemenida

Watawat ng Imperyo sa huli nitong bahagi

Location of Imperyong Akemenida
Ang Imperyong Akemenidang Persa (Persian) sa pinakamalik nitong sakop sa panahon ni Jerjes sa pagitan ng 480 BC.
Kabisera Pasargadae, Ecbatana, Persepolis, Susa, Babilon
(Mga) wika Lumang Persa (Persian) (opisyan na wika) Imperial na Aramaiko (lingua franca)
Relihiyon Zoroastrianismo (opisyal na relihiyon ng imperyo, bagaman pinahihintulutan ng mga hari ang mga tao na magsamba sa ibang relihiyon)
Pamahalaan Monarkiya
Hari
 - 559-529 BC Ciro ang Dakila
 - 336-330 BC Dario III
Panahong pangkasaysayan Sinaunang Panahon
 - Pagkatatag ng imperyo na nagsimula sa pagpapatalsik ni Ciro ang Dakila kay Astyages ng Media 550 BC
 - Pagsakop ni Cambyses II sa Egipto 525 BC
 - Pagtatatag ng bagong kabisera sa Persepolis 515 BC
 - Digmaang Griyego-Persa 498-448 BC
 - Sinakop ni Alejandro ang Dakila ang kalahatan ng imperyo 336 BC
 - Pinatay si Dario III ni Bessus 330 BC
 - katapusan ng imperyo sa pagkamatay ni Dario III 330 BC
Populasyon
 - Ika-5 siglo bago sa kaanakan ni Kristo est. 50,000,000 
Salapi Daric at Siglos

Ang Imperyong Akemenida (Persa (Persian): هخامنشیان, Hakhāmaneshiyān), higit na kilala bilang ang Imperyong Persa (Persian) (Italyano: Im·pe·rio Per·sia·no; Kastila: Imperio Persa), ay isang makasaysayang imperyo sa Asya. Sakop ng imperyong ito ang lahat ng bahagi ng makabagong Iran, Turkiya, Iraq, Sirya, Israel, Hordan, Lebanon, Armenia, Heyorhiya, Aserbayan, Egipto, Apganistan, Uzbekistan, Turkmenistan, Pakistan, at ilang bahagi ng Rusya, Gresya, Ethiopia, India, at Saudi Arabia. Ilan sa naging pinuno nito ay sina Ciro ang Dakila, Dario I, at Jerjes, ang tatlo sa pinakamahusay na hari ng imperyo. Naging isang tahanan ng mga katangi-tanging sibilisasyon ang napakalawak na imperyong ito at tumagal hanggang sa pananakop ng Griyego-Masedonyang hari na si Alejandro ang Dakila.

Kasaysayan[baguhin]

May mga katutubong 'Indo-Aryan' kung tinatawag ngayon ay Iranian ang naninirahan sa lugar,na ngayon ay bansang Iran noong 3000 BCE. Sila ay nahahati sa dalawang nasyonalidad: ang mga Persa (Persian) at mga Mediyano. Noong 625 BCE, nakapaggawa na ang huli ng isang imperyo na pinakamalaki sa lahat ng kaharian ng kanyang panahon.

Bagaman nagsimulang itinatag ang Imperyong Akemenida sa pamumuno ng haring si "Ciro ang Dakila", ang naturang pangalang "Akemenida" ay nanggaling sa isang datu na pinangalanang si "Akemenyo (Ingles:Achaemenes) na namuno sa mga katutubong Persa (Persian) noong 705 BCE hanggang 675 BCE. Si Akemenyo ang itinuturing bilang ninuno ng mga haring Akemenida ng Imperyong Persa (Persian).

Nagsimula nang itatag ni Ciro ang Dakila ang Imperyong Akemenida noong 550 BCE nang naghasik siya ng rebelusyon ng mga katutubong Persa (Persian) laban sa Imperyong Mediyano dahil sa hindi maayos na pamamahala ng haring si Astyages sa kanila. Nilupig ng una ang huli at sinakop ang imperyo, pero napagisipan naman ni Ciro na ang mga Persa (Persian) at Mediyano ay iisang lahi, kaya pinag-isang lahi niya ang dalawang nasyonalidad sa pangalang "Persa (Persian)". Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon, ang kaharian ng Neo-Babylonia sa pamumuno ng haring si Nabonido, kaalyado ng nawasak na imperyo, ay naghasik ng digmaan laban sa bagong imperyong itinatag ni Ciro, gayun rin ang ginawa ng kahariang Lydia sa pamumuno ng haring si Creso; subalit, walang makakatalo sa husay ng haring Persa (Persian) sa digmaan, at napasali rin ang dalawang kaharian sa mga lupain ng Imperyong Persa (Persian). Noong natapos nang sakupin ni Ciro ang mga kahariang ito, ang kanyang imperyo ay tinawag bilang pinakamalaki sa lahat ng kaharia't imperyo sa sinaunang mundo na nasasaksihan ng mundo.

Pumanaw na ang tumatandang si Ciro sa edad na 70 noong Disyembre, 530 BCE. Ipinagpatuloy ng kanyang anak na si Cambyses II ang pakikidigma sa mga kahariang nakapalibot sa imperyo. Sa ilalim ng kanyang pananakop, nasakop niya ang Ika-26 Dinastiya ng Kahariang Egipto, pero sa madugo namang paraan.

Namatay si Cambyses II noong 522 BCE at inangkin ni Darius I ang trono ng Persiya. Sa ilalim ng kanyang pamumuno nasakop niya ang mga lupaing silangan ng Ilog Indus, mga lupaing nasa hilaga ng ilog na ngayon ay tinatawag na Amu Darya sa Uzbekistan, mga lupaing nasa timog ng Ilog Danube, mga kabundukan ng Caucasus, at mga lupaing hilaga ng Gresya. Inayos rin niya ang pamamahala sa mga dayuhang nasasakupan ng imperyo sa pamamagitan ng paghirang ng mga lalawigan na kung tawagin sa kanila ay satrapy, dahilan kung bakit tinawag rin siyang "Ang Dakila".

Noong panahong ito, natatakot ang mga Griyego sa kalupalupan ng Gresya na baka sakupin sila ng mga Persa (Persian), kaya naghasik ng rebelyon ang mga Griyegong Ionian sa Asia Minor sa tulong ng lungsod-estado ng Athens. Winasak ni Dario ang rebelyon, at dahil galit siya sa ginawang pagtulong sa mga rebelde ng mga Griyegong Ateneo, nagsanay siya ng malaking hukbo upang isali ang Gresya sa imperyo. Ipinadala ng hari ang 300,000-malakas na hukbo sa pamumuno ni Datis sa mga baybaying-dagat ng Marathon; nakasagupa ng hukbo ang 10,000-malakas na hukbo ni Miltiades, isang Griyegong heneral. Umasa si Datis na mananalo siya sa labanan, pero nabigo siya; magiting at matapang ang mga Griyego at mapagmahal sa kalayaan, naggawa sila ng napakataas na linya ng mga sundalo at sinugod ang napakaraming sundalong Persa (Persian) sa gitna ng takot at kamatayan. Nagulat ang Persa (Persian) na heneral sa nangyari; marami sa kanyang hukbo ang namatay at nalaman na lang niya na walang kaya ang mga sandata nila sa mga matataas na sibat-espada ng mga Griyego, kaya dali-dali ang mga sundalong Persa (Persian) na bumalik sa mga barko. Noong narinig ni haring Dario ang balita, ipinapapatay niya ang heneral dahil galit na galit siya sa nangyari sa Marathon. Nagsanay na naman ng napakalaking hukbo ang hari, pero namatay siya bago pa natapos ito.

Si Asuero I ang naging hari ng imperyo sa pagkamatay ng kanyang ama; ipinagpatuloy niya ang gawain ng kanyang ama na pagsasanay ng napakalaking hukbo para sa ikalawang paglusob sa Gresya. Sa panahong nakapagsanay na siya ng mahigit 2,600,000-malakas na hukbo upang gibain sa lupa ang lungsod-estado ng Athens at masakop ang lahat ng mga lungsod-estado ng Gresya, ipinadala niya ang kanyang napakalaking hukbo sa Thermopylae, isang makitid na patag na napapalibutan ng bulubundukin sa kaliwa at karagatan sa kanan. Dito nakasagupa niya ang 8,000-malakas na hikbong Griyego sa pamumuno nina Themistocles ng Athens, Leonidas ng Sparta, at si Demophilus ng Thespia. Tumagal ang labanan sa tatlong araw, at habang walang humpay ang paglusob ng mga Persa (Persian) sa mga posisyon ng mga Griyego, marami sa una ang nalipol dahil sa sobrang dami nila nahihirapan silang makapasok at lumaban sa loob ng lambak ng Thermopylae. Nangyari lamang ang kapanaluhan ng mga Persa (Persian) noong may isang Griyegong traydor na si Ephialtes ang nagturo sa haring si Asuero sa isang daan upang mapalibutan ang mga Griyego sa lambak; noong nalaman na lang ni Leonidas ito, ipinauwi niya ang karamihan sa kanyang hukbo at naiwan siya kabilang ang kanyang kasamang 300 sundalo na tubong-Sparta, at nilaban nila ang mga Persa (Persian) hanggang sila lahat ay namatay. Pagkatapos ng labanan, nagalit ang haring Persa (Persian) sa nangyari sapagkat sa laki ng kanyang hukbo, malaking bahagi ng kanyang hukbo ang nalipol.