Inhenyeriyang elektriko

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Inhinyeriyang pangkuryente)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang mga inhenyerong elektriko ay nagdidisenyo ng mga masalimuot na mga sistema ng lakas na pangkuryente...
...at mga sirkitong elektroniko.

Ang inhenyeriyang elektriko ay isang larangan ng inhenyeriya na pangkalahatang nagsasagawa ng pag-aaral at paglalapat ng kuryente, elektroniks, at elektromagnetismo. Unang naging isang mapagkikilanlang hanapbuhay noong huling hati ng ika-19 na daantaon pagkaraan ng komersiyalisasyon ng dekuryenteng telegrapo, telepono, at pagpapamudmod at paggamit ng enerhiyang kuryente. Sumasakop na ngayon ito sa isang malawak na pangkat ng kabahaging mga larangan na kinabibilangan ng elektroniks, mga kompyuter na dihital, telekomunikasyon, at mga sistemang pangkontrol, inhenyeriyang pangradyoprekuwensiya, at pagpoproseso ng signal.

Maaaring kabilangan ang inhenyeriyang elektriko ng inhenyeriyang elektroniko. Ang inhenyeriyang elektriko ay isinasaalang-alang na humaharap sa mga suliraning may kaugnayan sa mga sistemang katulad ng paghahatid ng enerhiyang kuryente (transmisyon ng enerhiyang kuryente) at mga makinang dekuryente, habang ang inhenyeriyang elektroniko ay humaharap sa pag-aaral ng mga sistemang elekroniko na kinabibilangan ng mga kompyuter, sistemang pangkomunikasyon, mga sirkitong integrado, at radar.[1]

Sa naiibang pananaw, ang mga inhenyerong elektriko ay karaniwang nakatuon sa paaggamit ng kuryente sa paghahatid ng enerhiyang kuryente, habang ang mga inhenyerong pang-elektroniks ay nakatuon sa paggamit ng elektrisidad upang mapruseso ang impormasyon. Maaaring magsapin-sapin ang mga subdisiplinang ito, halimbawa na ang sa paglaki ng enerhiyang elektroniko at ang sa pag-aaral ng kaasalan ng malalaking mga grid na pangkuryente na nasa ilalim ng pagtaban ng mga kompyuter na dihital at mga eletkroniks.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]


Inhinyeriya Ang lathalaing ito na tungkol sa Inhinyeriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.