Inpusyon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Inpusyon (paglilinaw).
Ang paghahanda ng inpusyon ay halos katulad ng sa paggawa ng tsaa.

Ang inpusyon o buhos-salin-babad ay isang payak na paraan ng paghahanda ng mga inuming katulad ng gawa mula sa mga yerba. Halos katulad ng sa paggawa ng tsaa ang paraang ginagamit para rito.[1] Kabilang sa paghahanda nito ang mga proseso ng pagbubuhos, pagsasalin, at pagbababad.[2][3]

Mga sangkap[baguhin | baguhin ang batayan]

Ginagamit ang inpusyon para sa mga bulaklak at madahong bahagi ng mga halaman. Karaniwang dami ang 30 mga gramo ng tuyong yerba o kaya 75 mga gramo ng sariwang yerba, at 500 mililitrong tubig. Palagiang gumagawa ng bagong inpusyon sa bawat araw na sapat para sa tatlong dosahe.[1]

Mga kagamitan[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa pagluluto ng inpusyon, gumagamit ang naghahanda ng tahure o kaldero, palayok na pang-tsaa, pansala na maaaring yari sa naylon, tasa na pang-tsaa, at pitsel na may takip.[1]

Paraan ng paghahanda[baguhin | baguhin ang batayan]

Inilalagay ang mga bahagi ng yerba sa isang kalderong may mahigpit na takip, karaniwang palayok ng tsaa. Nagpapakulo ng tubig na hindi itinatapat sa pagkakataon ng sagad na pagpapakulo upang hindi mawala ang mahahalagang mga langis kapag sumingaw. Pagkaraan, binubuhusan ng mainit na tubig ang yerba. Pinababayaang kumatas ang yerba sa loob ng sampung mga minuto. Binubuhos ito na sinasala papunta sa isang tasang pang-tsaa. Itinatabi ang natira sa loob ng isang pitsel na inilalagak sa isang hindi naiinitang lugar.[1]

Pag-inom[baguhin | baguhin ang batayan]

Bilang pamantayang dosahe, iniinom ang inpusyon ng kalahating tasa bawat pag-inom, na inuulit ng tatlong beses sa loob isang araw. Iniinom na mainit o malamig ang produkto.[1]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Ody, Penelope. (1993). "Infusion, Making Herbal Remedies". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc., pahina 120.
  2. Blake, Matthew. (2008). "Infusion, pagbubuhos, pagsasalin". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org., makikita sa Infusion
  3. Gaboy, Luciano L.. "Infuse, infusion". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.