Integrated circuit

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Memory microchip na nagpapakita ng integrated circuit sa loob.
Integrated circuit mula sa EPROM memory.

Ang isang integrated circuit o monolithic integrated circuit na tinatawag na IC, isang chip o isang microchip ay isang hanay ng mga sirkitong elektroniko sa isang maliit na plato o chip ng materyal na semikonduktor na normal ay silicon. Ito ay magagawang mas maliit kesa sa diskretong sirkito na gawa mula sa mga independiyenteng bahagi. Ang IC ay ginagamit sa halos lahat ng mga kasangkapang elektroniko ngayon kabilang ang kompyuter, mga mobile phone at iba pa at nagpabago sa mundo ng elektronika. Ito ay maaaring gawing napakasiksik hanggang ilang bilyong mga transistor at ibang mga bahaging elektroniko sa lawak ng sukat ng isang kuko ng kamay. Noong 2008, ang lapad ng bawat nagkokonduktang linya ay mababa sa 100 nanometro at sa 2013 ay inaasahang mga 10 ng nanometro.