Eskandiyo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Iskandiyo)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang eskandiyo o iskandiyum (Kastila: escandio, Ingles:scandium) ay ang pangdalawangput-isa na elementong kimikal sa talaang peryodiko. Ang simbolo nito ay Sc at nagtataglay ng bilang atomiko na 21. Ito ay nangunguna sa mga transisyong metal ng talaang peryodiko. Ito ay mala-pilak, maputi at napakagaang elementong metaliko, na matatagpuang kahalo ng ilang mga mineral, at nakukuha bilang isang by-product sa pagpo-proseso ng ilang inang-bato ng uranium. Ginagamit bilang tracer sa sistema ng mga tubo.