Iti

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang iti o pag-iiti[1], kilala rin bilang pagtatae ng dugo, disinterya o disinteria, bulaod, at pagbubulos[2] (Ingles: dysentery[1][2], dating kilala bilang flux at bloody flux) , ay isang karamdamang kinasasangkutan ng matinding pagtatae. Sanhi ito ng isang bakteryum na nagdurulot ng labis na pamamaga ng mga bituka. Pangunahing tanda o sintomas nito ang pagkakaroon ng dugo sa tae, at karaniwang ginagamot sa pamamagitan ng mga antibiyotiko. Isang disorden o kawalang kaayusan ng sistema ng dihestiyon na nagreresulta nga sa sobrang diyareya na naglalaman ng mukus at dugo sa tae.[3] Kapag hindi nilunasan, maaari at karaniwan itong nagiging nakamamatay. Pangkaraniwan ito noong maagang mga araw ng mga kolonya ng Bagong Mundo.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 Blake, Matthew. (2008). "Dysentery". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org., makikita sa Dysentery
  2. 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L.. "Dysentery". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Dysentery sa Dorland's Medical Dictionary


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.