Iwa Moto

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Iwa Moto
Kapanganakan Aileen Quimado Ablan Iwamoto
29 Agosto 1988 (1988-08-29) (edad 25)
Lungsod ng Las Piñas, Kalakhang Maynila, Pilipinas
Iba pang pangalan Iwa Moto, Lynn, Ewa, Aiwa, Alien
Hanapbuhay Aktres, mananayaw, modelo
Mga taon ng kasiglahan 2005 - Kasalukuyan

Si Aileen Quimapo Iwamoto (ipinanganak noong 29 Agosto 1988) o mas kilala sa tawag na Iwa Moto ay isang Pilipinong artista. Kabilang siya sa Final Four ng ikatlong season ng palabas na StarStruck sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, lumalabas siya sa mga palabas ng GMA Network. Naninirahan siya sa Las Piñas, Kalakhang Maynila.

Buhay Bago StarStruck[baguhin]

Lumaki siya sa Las Pinas ngunit lumipat ang pamilya niya sa Lungsod ng Davao. Dahil sa pag-aaral, bumalik siya ng mag-isa sa Las Pinas, at doon siya pinilit ng isang kaibigan na sumali sa StarStruck.

Mga Pelikula[baguhin]

Taon Titulo Pagganap
2006 Pitong Dalagita Tisha
2006 White Lady Mimi

Mga Palabas sa telebisyon[baguhin]

Taon Titulo Pagganap
2010 Diz Iz It Guest Judge
2009 Darna Valentina GMA Network
Adik Sa'Yo Andrea
Dear Friend: Madrasta Gellie
2008 Luna Mystika Donita Sagrado
Sine Novela: Magdusa Ka Millet Calpito
Joaquin Bordado Dianne
2007 Zaido: Pulis Pangkalawakan Amasonang Itim / Soñia Tamano
Sine Novela: Kung Mahawi Man Ang Ulap Rita Acuesta
Super Twins Monica/Moshi Moshi Manika
SOP Rules performer
Magic Kamison: The True Lindsay Lindsay/Laura
2006 Bitoy's Funniest Videos co-host
Bakekang Jenny
Love to Love: Jass Got Lucky Max
Nuts Entertainment co-host
Magpakailanman: The Iwa Moto Life Story Herself
Love to Love: Young At Heart Denisse
SOP Gigsters host/performer
POSH Herself Q
2005 StarStruck: The Nationwide Invasion First Princess GMA Network

Mga Parangal[baguhin]

Tao Titulo Parangal/Nominasyon
2006 HI Magazine's one of the most beautiful faces in Philippine Showbiz Rank 20
2006 FHM Philippines Top 100 Sexiest Women in the World Rank 16

Mga Isyu[baguhin]

Sa Pag-ibig[baguhin]

Nagkarelasyon daw siya sa mga taga-StarStruck na sina Marky Cielo, Gian Carlos, Chuck Allie at Benj Pacia ngunit itinanggi niya ang ito.

Insidenteng Pag-alis sa StarStruck[baguhin]

Sa pag-iikot ng mga StarStruck survivor sa Cebu, ipinakitang may sama ng loob si Iwa sa mga kapwa niyang survivor na sina Gian Carlos, Jackie Rice and Jana Roxas. Ayon sa kanya, linalait daw siya ng mga ito kaya napagpasiyahan niyang lumisan na sa StarStruck. Ngunit sa sunod na gabi ng eliminasyon, binawi niya ang kanyang sinabi. Humingi rin siya ng patawad sa tatlo matapos niyang malamang nagbibiro lang pala sila.

Suspensiyon sa taong 2006[baguhin]

Sinuspindi siya, kasama ni Jackie Rice, ng anim na linggo dulot ng mga bisyo nila sa pag-inom at paninigarilyo. Matapos nito, Sinabi nilang magbabago na daw sila.

Away kay Rochelle[baguhin]

Ipinakta sa mga talk show na mayroong daw away sina Iwa at Rochelle Pangilinan. Napapabalitang dahil umano ito kay Yexel Sebastian, na dating kasintahan ni Rochelle.

Tribya[baguhin]