Jahwist

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Jahwist na tinutukoy ring Jehovist, Yahwist, o simpleng J ang isa sa apat na pinagkunan o sanggunian ng Torah ng Bibliya. Ang iba pang tatlo ang Elohist, Deuteronomist at Priestly source.[1] Nakuha nito ang pangalan nito mula sa katangiang paggamit nito ng terminong Yahweh(o mas tumpak na "YHWH") para sa diyos sa Aklat ng Genesis.[2] Sa karamihan ng mga Bibliyang Ingles, ang terminong ito ay pinalitan ng "the LORD",[3] " o minsang "GOD".[4] Sa unang kalahati ng ika-20 siglo, pinaniwalaan ng mga skolar ang ang J o Yahwist ay may petsang mula c. 950 BCE,[5] ngunit ayon sa kalaunang pag-aaral, ang mga bahagi ng J ay hindi maaaring mas maaga sa ika-7 siglo BCE.[6] Ang mga kasalukuyang teoriya ay naglalagay ng pagkakasulat nito sa pagkakatapon o pagkatapos ng pagkakatapon sa Babilonya noong mga ika-6 siglo BCE hanggang ika-5 siglo BCE.[7] ngunit pinagtatalunan pa rin ito ng mga skolar hanggang ngayon.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Murphy, p. 97
  2. Gilbert, p. 31
  3. Gilbert, p. 36, footnote
  4. Gilbert, p. 36, footnote
  5. Romer, pp. 10–16
  6. Campbell and O'Brien, p. 10
  7. Baden, pp. 305–313
  • Baden, Joel S (2009). J, E, and the redaction of the Pentateuch. Mohr Siebeck.
  • Friedman, Richard Elliott (1987). Who Wrote the Bible?. Harper San Francisco.
  • Romer, Thomas (2006). "The Elusive Yahwist: A Short History of Research". In Thomas B. Dozeman, Konrad Schmid (pat.). A Farewell to the Yahwist?. SBL.