Jean Harlow

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Jean Harlow
Si Harlow noong 1930.
Kapanganakan Harlean Harlow Carpenter
3 Marso 1911(1911-03-03)
Kansas City, Missouri, Estados Unidos
Kamatayan 7 Hunyo 1937 (edad 26)
Los Angeles, California, Estados Unidos
Ikinamatay kabiguan ng bato
Libingan Forest Lawn Memorial Park, Glendale, California
Hanapbuhay Aktres
Mga taon ng kasiglahan 1928–1937
Asawa Charles McGrew (1927–1929) (nagdiborsiyo)
Paul Bern (1932) (namatay si Bern)
Harold Rosson (1933–1934) (divorced)

Si Jean Harlow (Marso 3, 1911 – Hunyo 7, 1937) ay isang dating Amerikanang aktres at simbolo ng seksuwalidad noong dekada ng 1930.[1] Nakilala bilang "Blonde Bombshell" (literal na "Basyo ng Bombang Ginintuan ang Buhok", na may diwang "kahali-halinang babaeng may ginintuang buhok") at ang "Platinum Blonde" (dahil sa kanyang buhok na platinum na ginintuan), naihanay si Harlow bilang isa sa pinaka dakilang mga bituin ng pelikula sa lahat ng panahon ng Instituto ng Pelikulang Amerikano (American Film Institute). Naging bida si Harlow sa ilang mga pelikula na pangunahing idinisenyo upang maipamalas ang kanyang mabatubalaning kaakit-akit na seksuwalidad at makapangyarihang paglitaw sa puting tabing, bago magpalit papunta sa mas maunlad na mga gampanin at bago nakatangap ng malaki at matibay na kabantugan na may kontrata sa ilalim ng Metro-Goldwyn-Mayer (MGM). Ang kanyang labis na katanyagan at larawan bilang "laughing vamp" (humahalakhak na "bampira", isang uri ng femme fatale, literal na "babaeng nakamamatay", isang uri ng kaakit-akit na babae na dahil sa kagandahan at seksuwalidad ay tila, sa diwa lamang, ay nakauubos ng hininga, dugo, at lakas ng nahahalinang tao) ay kakaiba sa kanyang personal na buhay, na nadungisan ng pagkabigo, trahedya, at sa hinaba-haba ay humantong sa kanyang biglaang pagkamatay dahil sa kabiguan ng bato sa gulang na 26. Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[2]

Mga sanggunian[baguhin]



ArtistaPelikulaEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista, Pelikula at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.