Jesse Robredo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Jesse Robredo
Jesse Robredo

Alkalde ng Lungsod ng Naga
Panunungkulan
30 Hunyo 1988 – 30 Hunyo 1998
Panunungkulan
30 Hunyo 2001 – 30 Hunyo 2010

Kapanganakan 27 Mayo 1958(1958-05-27)
Lungsod ng Naga, Camarines Sur, Pilipinas
Kamatayan 18 Agosto 2012 (edad 54)
Lungsod ng Masbate, Masbate, Pilipinas
Kabansaan Filipino
Partidong politikal Partido Liberal
Asawa Maria Leonor Gerona Lenny Robredo[1]
Kamag-anak Married
Mga anak Aika, Patricia at Jillian Therese
Alma mater Pamantasang De La Salle
Pamantasang Harvard
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman
Hanapbuhay Politics(D.I.L.G)
Relihiyon Katoliko Romano

Si Jesse Manalastas Robredo ay isang politikong Pilipino na naglingkod bilang Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III mula 2010 hanggang sa kanyang kamatayan ngayong 2012. Dati ring kasapi si Robredo ng Partido Liberal.

Simula noong 1988, naglingkod nang anim na taning si Robredo bilang alkalde ng Lungsod ng Naga sa Camarines Sur, mula 1988 hanggang 1998, at muli mula 2001 hanggang 2010, noong siya'y ipinili ni Pangulong Aquino bilang Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal. Bilang pagkilala sa kaniyang tungkulin bilang alkalde ng Lungsod ng Naga, ginawaran si Robredo ng Gawad Ramon Magsaysay para sa Panunungkulan sa Pamahalaan noong 2000, ang unang alkalde mula sa Pilipinas na ginawaran ng ganitong parangal.

Noong 18 Agosto 2012, ay nag Crash ang eroplanong sinasakyan ni Kalihim Robredo sa may pampang ng Lungsod ng Masbate.[2] Nakatakda siyang umuwi sa Naga upang dalawin ang kaniyang anak na lalahok sa isang paligsahan sa paglalangoy. Ayon sa DILG, sumaklolo ang piloto ng eroplano sa Paliparan ng Masbate upang humiling ng pahintulot na magsagawa ng pangkagipitang paglapag ng eroplano. Gayunpaman, hindi naabutan ng eroplano ang paliparan at lumapag ito sa dagat.[3][4] Nakunan naman ang bangkay ni Robredo noong 21 Agosto, tatlong araw makatapos ang aksidente, sa lalim na 54 metro (180 talampakan) sa ilalim ng antas ng dagat. [5]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]


Sinundan:
Benigno Aquino III
Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Pilipinas
2010 – 2012
Susunod:
Bakante