Joe Biden

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Joe Biden.

Si Joseph Robinette "Joe" Biden, Jr. (isinilang Nobyembre 20, 1942) ay ang kasalukuyang Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos. Siya ang kauna-unahang Pangalawang Pangulo na Romano Katoliko, at kauna-unahang Pangalawang Pangulo na galing Delaware.

Ipinanganak si Biden sa Scranton ng estadong-lungsod ng Pennsylvania, at namuhay doon ng sampung taon bago lumipat sa Delaware. Naging abogado siya noong 1969, at nahalal sa konseho ng county noong 1970. Una siyang nahalal sa Senado noong 1972 at naing ika-limang pinakabatang senador sa kasaysayan ng Estados Unidos. Muli siyang nahalal sa pagkasenador noong 1978, 1984, 1990, 1996, at 2002; at naging ikaanim sa pinakamahabang naglingkod bilang senador, mula sa mga pangkasalukuyang senador.

Matagal nang kasapi at tagapangasiwa si Biden ng Komite ng Senado para sa Ugnayang Panlabas ng Estados Unidos. Nakatulong ang kaniyang mahigpit na pagtataguyod sa pagdadala ng tulong na pangmilitar at pamamagitan sa Digmaang Bosniano. Bumoto siya sa panig ng Resolusyon para sa Digmaan sa Irak, subalit nagmungkahi ng mga katugunan sa kalaunan para baguhin ang estratehiya ng Estados Unidos sa Irak. Naglingkod siya bilang tagapangasiwa ng Komiteng Panghudikatura ng Senado, na namamahala sa mga paksang may kaugnayan sa mga batas sa mga pinagbabawal na gamot, pag-iwas sa pagkakaroon ng krimen, at hinggil sa mga kalayaang sibil, na nagbunga ng tinatawag na mga Violent Crime Control and Law Enforcement Act at Violence Against Women Act. Pinangasiwaan niya ang Komiteng Hudikarya sa kapanahunan ng nominasyon nina Robert Bork at Clarence Thomas para sa Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos.

Hindi naging matagumpay ang paghahangad niyang maging nominado sa pagkapangulo ng Partidong Demokratiko ng Estados Unidos noong 1998 at 2008, kaya't napiling umayaw ng maaga sa kampanya sa dalawang pagkakataong ito. Subalit napili siya ni Barack Obama upang maging nominado para sa pagkapangalawang pangulo ng Estados Unidos para sa halalan ng 2008 sa Estados Unidos.


PolitikoEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Politiko at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.