Johann Heinrich Lambert

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Johann Heinrich Lambert
Johann Heinrich Lambert (1728-1777)
Kapanganakan 26 Agosto 1728
Mülhausen, Alsace, Pransiya
Kamatayan 25 Setyembre 1777
Berlin, Prusya
Tirahan Alemanya
Kabansaan Alemanya
Larangan Matematiko, pisiko at astronomo
Kinikilala dahil sa

Irasyonalidad ng π

Batas Lambert-Beer-Bouguer

Si Johann Heinrich Lambert[1] (26 Agosto 1728 – 25 Setyembre 1777), ay isang matematiko, pisiko, astronomong Aleman.

Isinilang siya sa Mülhausen (kasalukuyang Mulhouse, Alsace, Pransiya). Naging paborito siya ni Frederick the Great, hari ng Prusya. Nananaliksik siya hinggil sa matematika, astronomiya, init, liwanag, at kulay. Ipinangalan sa kaniya ang salitang lambert, na isang yunit ng katingkaran. Kabilang sa kaniyang mga nagawa ang pagpapatunay ng irasyonalida ng numero o bilang na pi o π [bigkas: pay], na nangangahulugang "ang rasyon o kapatas ng sirkumperensiya ng isang bilog sa kaniyang diyametro."[1][2]

Sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 "Johann Heinrich Lambert". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977).
  2. Salin mula sa "the ration of a circle's circumference to its diameter."