John McCain

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si John McCain, senador ng Estados Unidos.

Si John McCain (isinilang Agosto 29, 1936 sa Sonang Kanal ng Panama) ay isang senador ng Estados Unidos mula sa Arizona. Napili siya ng Partidong Republikano ng Estados Unidos bilang kandidato para sa halalan ng pagkapangulo ng 2008.

Nagsilbi ang ama at lolo ni McCain sa Hukbong Pandagat ng Estados Unidos. Nag-aral si McCain sa Akademya ng Hukbong Pandagat ng Estados Unidos at naglingkod sa lumaon noong Digmaan sa Biyetnam. Nahuli siya ng mga Viet Cong, ang katawagan sa mga militar ng Kanlurang Biyetnam na sumakop sa buong kabansaan. Habang bihag, nabilanggo si McCain ng ilang taon at nagdaan sa pagpapahirap na nagresulta sa matagalang kapansanang pangkatawan.

Makalipas ang ilang panahon, naging senador ng Estados Unidos si McCain. Dati niyang sinubok na makuha ng Partidong Republikano bilang kandidato sa pagkapangulo ng bansa, subalit nakamit ito ni George W. Bush. Sinubok ulit ni McCain na makuha ang pagkakandidato ng partido noong 2008, at napili nga siya sa pagkakataong ito. Para maging pangulo ng Estados Unidos, kailangan niyang matalo sa halalan si Barack Obama, ang napiling kandidato sa pagkapangulo ng Partidong Demokratiko.


Estados UnidosPolitiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Estados Unidos at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.