Joker Arroyo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Joker Arroyo
Kapanganakan 5 Enero 1927
Camarines Sur
Pagkamamamayan Pilipinas
Alma mater Pamantasang Ateneo de Manila, Unibersidad ng Pilipinas

Si Joker Paz Arroyo (5 Enero 1927) ay isang senador ng Pilipinas at dating naging kongresista ng Makati. Naging tagapag-usig (prosecutor)siya noong "impeachment trial" ng dating Pangulong Joseph Estrada nang taong 2000. Siya ay nagtapos ng abugasya sa Unibersidad ng Pilipinas.

Kinilala sa larangan ng karapatang pangtao si Arroyo at nagsimulang umukit ng karera sa politika ng Pilipinas noong dekada 1970. Bilang isa sa mga kritiko ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, naging pangunahing tauhan si Arroyo sa mga pagkwestiyon sa konstitusyunalidad ng Batas Militar at sa mga hakbanging pampolitika ng Regimeng Marcos laban sa mga kritiko nito.

Nagsilbi si Arroyo bilang Punong Gabinete sa pamahalaan ni Corazon Aquino mula 1986-1992. Nahalal siya bilang Representante ng Lungsod ng Makati bago naging Senador.



PilipinasPolitiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.