Josue

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Josue (paglilinaw).

Si Josue, Hosea, o Yehosua[1] (Ingles: Joshua, Jehoshuah, o Yehoshua; Ebreo: יְהוֹשֻׁעַ, Tiberyano: jə.ho.ˈʃu.aʕ, Israeli: Yəhoshúa) ay isang tauhan sa Nevi'im ng Tanakh at sa Lumang Tipan ng Bibliya. Siya ang nagiging kahalili ni Moises bilang pinuno ng mga Israelita, na nababanggit sa Aklat ni Josue. Nanggaling ang pangalang Josue mula sa Hosea, na dating tawag kay Josue. Pinalitan ni Moises ang Hosea ng pangalang Yehosua na nangangahulugang "ang Panginoon ang kaligtasan." Sa pangalang ito nagmula ang pangalan ni Hesus.[1]

Isang pinuno ng mga tao ng Sinaunang Israel si Josue. Siya ang namuno sa mga Israelita patungo sa lupang ipinangako ng Diyos para sa kanila.[2]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C.. (2000). "Josue". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
  2. The Committee on Bible Translation. (1984). "Joshua". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA., Dictionary/Concordance, pahina B6.