Jules Verne

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Jules Gabriel Verne (Pagbigkas sa Pranses: [ʒyl vɛʁn]) (8 Pebrero 1828 – 24 Marso 1905) ay isang may-akdang Pranses na nagpasimula ng henerong kathang-isip na pang-agham.[1] Pinaka nakikilala siya dahil sa kaniyang mga nobelang Twenty Thousand Leagues Under the Sea (1870), Journey to the Center of the Earth (1864), at Around the World in Eighty Days (1873). Marami sa kaniyang mga nobelang ang kinasasangkutan ng mga elemento ng teknolohiya na hindi kapanipaniwala noong kaniyang kapanahunan subalit naging pangkaraniwan na pagdaka. Siya ang pangalawang pinaka isinasalinwikang may-akda sa buong mundo (na kasunod ni Agatha Christie).[2] Ilan sa kaniyang mga aklat ang ginawa rin upang maging mga pelikula at mga palabas na pantelebisyon. Madalas na itinuturing si Verne bilang "Ama ng Kathang-Isip na Pang-agham", isang pamagat na paminsan-minsang isinasalo kina Hugo Gernsback at H. G. Wells.[3]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Roberts, Adam (2007). "7. Jules Verne and H. G. Wells". The History of Science Fiction. Palgrave Macmillan. pp. 129–155. ISBN 0-230-54691-9. http://www.scribd.com/doc/16511205/The-History-of-Science-Fiction. Hinango noong 2011-05-25. 
  2. UNESCO Statistics. "Index Translationum - "TOP 50" Author". United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO). http://www.unesco.org/xtrans/bsstatexp.aspx?crit1L=5&nTyp=min&topN=50. Hinango noong 2011-06-20. 
  3. Adam Charles Roberts (2000), "The History of Science Fiction": Page 48 in Science Fiction, Routledge, ISBN 0-415-19204-8. Others who are popularly called the "Father of Science Fiction" include Hugo Gernsback and H. G. Wells, tingnan ang talaan ng mga tao na nakikilala bilang ama o ina ng isang bagay.