Juvénal Habyarimana

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Juvénal Habyarimana
Juvénal Habyarimana

Panunungkulan
5 Hulyo 1973 – 6 Abril 1994
Sinundan si Grégoire Kayibanda
Sinundan ni Théodore Sindikubwabo

Kapanganakan 8 Marso 1937(1937-03-08)
Ruanda-Urundi
Kamatayan 6 Abril 1994 (edad 57)
Kigali, Rwanda
Kabansaan Rwandan
Partidong politikal MRND
Asawa Agathe Habyarimana

Si Juvénal Habyarimana (8 Marso 1937 – 6 Abril 1994) ang Pangulo ng Republika ng Rwanda mula 1973 hanggang 1994. Sa panahon ng kanyang panunungkulan pinaburan niya ang kanyang sariling grupong etniko, ang Hutus, at sinuportahan ang mayorya ng Hutu sa kalapit na Burundi laban sa pamahalaan ng Tutsi. Noong 6 Abril 1994, namatay siya nang ang eroplano kung saan lulan din ang Pangulo ng Burundi, Cyprien Ntaryamira, ay pinabagsak malapit sa Kigali International Airport. Ang pagpatay ay nagdulot ng kaguluhansa rehiyon at nagpasiklab ng Pagpatay ng lahi sa Rwanda.

Pamilya[baguhin]

Naiwan ni Habyarimana ang kanyang asawang si Agathe Habyarimana, na pinalikas ng mga tropa ng Pransiya matapos ang kanyang kamatayan. Sinasabing naging maimpluwensiya siya sa politika ng Rwanda.[1] Inakusahan siya ng ministro ng katarungan ng Rwanda na si Tharcisse Karugarama nang pakikipagsabwatan sa pagpaplano ng pagpatay ng lahi at pinagbawalang ampunin sa Pransiya base sa mga ebidensiya ng kanyang pakikipagsabwatan.[2] Naaresto siya noong 2 Marso 2010 ng mga pulis sa rehiyon ng Paris na nagpatupad ng sub poena na inilabas ng Rwanda.[3]

Mga sanggunian[baguhin]


Mga kawing panlabas[baguhin]

Sinundan:
Grégoire Kayibanda
Pangulo ng Rwanda
5 Hulyo 1973 – 6 Abril 1994
Susunod:
Théodore Sindikubwabo



TalambuhayRuwanda Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Ruwanda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.