Kababaihan sa makabagong panahon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin


Isinasalarawan ng kababaihan sa modernong panahon ng iba't ibang katangian na naiiba noong unang panahon o iyong tinatawag na makaluma.

Malaki ang pagkakaiba ng mga kababaihan noon at ngayon. Isa na rito ay ang paraan ng pananamit. Kung dati'y baro't saya ngayon naman ay walang mangas at mini-skirt. Ang iba pa nga'y nakalitaw ang pusod at ang iba'y lumalabas na ang dibdib.

Mas agresibo sila: mas mapusok at mas magaslaw. Kung dati'y dinadaaan sa harana at panliligaw sa bahay, ngayon ay isang text lamang at mapapasagot na ang ibang babae. Kung dati'y ayaw ipahawak kahit dulo man lamang ng daliri sa isang lalaki, ngayon ay hindi na iyon mahalaga. Kung minsan pa nga'y nagagawa pang magsinungaling sa mga magulang o kaya nama’y tumakas na lang para maka-gimik kasama ang barkada at madaling-araw na kung umuwi. Nakukuha na nilang uminom ng alak, humithit ng sigarilyo, magsugal, at ang iba pa nga’y gumagamit ng droga.

Mahinhin, magalang, madasalin, at palaging nasa bahay, ito ang babae noon na ipinanganak upang pagsilbihan ang magiging asawa't anak. Matapang, maabilidad, responsible, at higit sa lahat ay kayang tumayo sa sariling mga paa, sila ang mga babae ngayon. “Kung kaya ni mister ay kaya rin ni misis.” Kahit sa mga gawaing panlalake, hindi sila pahuhuli, tulad na lang ng pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan, pagmamaneho, pagkabihasa sa mga larong pampalakasan tulad ng basketbol at marami pang iba.

Sa modernong panahon, moderno na rin ang pag-iisip ng mga kababaihan. Hindi sila papayag na manatili na lang sa bahay at magmistulang alipin. Hindi lang lalake ang pwedeng maging haligi ng tahanan. Mas marami pa ang mga babaeng nakakatapos ng pag-aaral hanggang sa kolehiyo. Mas mataas ang pangarap nila sa buhay. Kailangan na rin sila para umunlad ang ating lipunan. May iba-iba na silang propesyon tulad ng pagiging isang guro, doktora, inhinyera, abogada, pulis, arkitekta, negosyante, o ang pagtatrabaho sa opisina. Kaya nilang pagsabayin ang kanilang pamilya at propesyon.

Kahit sa politika ay nakikilahok din sila. Nagkaroon na ng mga pangulong babae. Ang ilan ay nasa senado at kongreso, at ang iba ay namumuno sa kani-kanilang mga bayan.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]



Tao Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.