Kabuuang pambansang produkto

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Kabuuang Pambansang Produkto (Ingles: Gross National Product o GNP) ang halagang pamilihan ng lahat ng mga produkto at serbisyong prinodyus sa isang taon ng trabaho at pag-aaring sinuplay ng mga residente ng isang bansa. Hindi tulad ng kabuuang produktong domestiko(GDP) naglalarawan ng produksiyon batay sa heograpikal na lokasyon ng produksiyon, ang GNP ay naglalaan ng produksiyon batay sa pag-aari. Ang GNP ay hindi nagtatangi sa pagitan ng kwalitatibong mga pagpapabuti sa katayuan ng mga teknikal na sining (e.g. papataas na bilis ng pagpoproseso ng kompyuter) at mga pagtaas na kwantitibo sa mga kalakal(e.g. bilang mga kompyter na pinrodyus) at isinasaalang ang parehong ito na mga anyo ng "paglagong ekonomiko".[1]

GNP vs. GDP[baguhin]

Ang Kabuuang Pambansang Produkto(GNP) ay kadalasang sinasalungat sa Kabuuang produktong domestiko(GDP). Bagaman ang GNP ay sumusukat ng mga output na nalilikha ng mga negosyo ng isang bansa(kahit pa ito ay pisikal na nasa bansa o nasa ibang bansa), ang GDP ay sumusukat ng kabuuang output na nilikha sa loob ng mga hangganan ng isang bansa kahit ito ay nilikha ng sariling lokal na negosyo ng bansa o ng mga negosyo ng dayuhan. Kapag ang kapital ng bansa o mga magpakukunang trabaho ay ginamit sa labas ng mga hangganan nito o kapag ang isang negosyo ng dayuhan ay pinapatakbo sa teritoryo nito, ang GDP at GNP ay maaaring lumikha ng iba't ibang mga sukat ng kabuuang output. Halimbawa noong 2009, tinantiya ng Estados Unidos ang GDP nito sa $14.119 trilyon at ang GNP nito sa $14.265 trilyon.[2]

Gamit[baguhin]

Ginagamit ng Estados Unidos ang GNP bilang pangunahing sukat nito ang kabuuang gawaing ekonomiko bago ang 1991 nang simula itong gumamit ng GDP.[3] Sa paglipat, ang Bureau of Economic Analysis (BEA) ay nagbanggit na ang GDP ay nagbibigay ng mas madaling paghahambing ng ibang mga sukat ng gawaing ekonomiko ng Estados Unidos at ang halos lahat ng mga bansa ay kumuha na ng GDP bilang kanilang pangunahing sukat ng produksiyon. [4]

Talaan ng mga bansa ayon sa GNP(GNI) (nominal, Atlas method) (mga milyon noong 2012 US$)[5] (Taas na 10 bansa)[baguhin]

Silipin din: List of countries by GDP (nominal)
Rank 2011 2010 2009
1 Watawat ng Estados Unidos Estados Unidos 15,097,083 Watawat ng Estados Unidos Estados Unidos 14,648,955 Watawat ng Estados Unidos Estados Unidos 14,135,520
2 Watawat ng Republikang Bayan ng Tsina Republikang Popular ng Tsina 6,628,086 Watawat ng Republikang Bayan ng Tsina Republikang Popular ng Tsina 5,717,592 Watawat ng Republikang Bayan ng Tsina Republikang Popular ng Tsina 4,822,913
3 Watawat ng Japan Hapon 5,774,376 Watawat ng Japan Hapon 5,359,236 Watawat ng Japan Hapon 4,793,538
4 Watawat ng Alemanya Alemanya 3,594,303 Watawat ng Alemanya Alemanya 3,513,807 Watawat ng Alemanya Alemanya 3,472,823
5 Watawat ng Pransiya Pransiya 2,775,664 Watawat ng Pransiya Pransiya 2,745,670 Watawat ng Pransiya Pransiya 2,742,735
6 Watawat ng United Kingdom United Kingdom 2,366,544 Watawat ng United Kingdom United Kingdom 2,373,636 Watawat ng United Kingdom United Kingdom 2,532,124
7 Watawat ng Italy Italya 2,146,998 Watawat ng Italy Italya 2,149,222 Watawat ng Italy Italya 2,141,109
8 Watawat ng Brasil Brasil 2,107,628 Watawat ng Brasil Brasil 1,859,414 Watawat ng Brasil Brasil 1,575,897
9 Watawat ng Indiya India 1,746,481 Watawat ng Indiya India 1,539,419 Watawat ng Spain Espanya 1,469,901
10 Watawat ng Canada Canada 1,570,886 Watawat ng Canada Canada 1,475,865 Watawat ng Canada Canada 1,412,899

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Daly, Herman E. (1996), Beyond Growth. Beacon Press
  2. "Flow of Funds Accounts of the United States" (PDF). Board of Governors of the Federal Reserve System. 17 September 2010. p. 9. http://www.federalreserve.gov/Releases/Z1/Current/annuals/a2005-2009.pdf. 
  3. "BEA: Glossary "G"". Bureau of Economic Analysis. 5 September 2007. http://www.bea.gov/glossary/glossary.cfm?key_word=GNP&letter=G#GNP. 
  4. "Gross Domestic Product as a Measure of U.S. Production" (PDF). August 1991. http://www.bea.gov/scb/pdf/NATIONAL/NIPA/1991/0891od.pdf. 
  5. [1]


Sanggunian[baguhin]

  • Christian Leipert (March, 1987) "A Critical Appraisal of Gross National Product: The Measurement of Net National Welfare and Environmental Accounting". Journal of Economic Issues, Vol. 21, No. 1, pp. 357-373
  • England, RW "Alternatives to Gross National Product: A Critical Survey", in Human Wellbeing and Economic Goals (Island Press, 1998)</marquee> please refer it <marquee>

Panlabas na kawing[baguhin]