Kagawaran ng Turismo (Pilipinas)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Kagawaran ng Turismo
Department of Tourism
DOT Ph.gif
Pagkakatatag 11 Mayo 1973
Kalihim Joseph H. Durano
Salaping Gugulin P1.547 milyon (2007)
Websayt www.tourism.gov.ph

Ang Kagawaran ng Turismo (Ingles: Department of Tourism), ang kagawarang tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas na may tungkulin ukol sa alintuntunin ng industriyang panturismo sa Pilipinas at ang pagpapakilala sa Pilipinas bilang isang destinasyon.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Kagawaran ng Turismo

Nagsimula bilang isang pansariling adhikain na ipakilala ang Pilipinas bilang isang pangunahing destinasyon sa paglalakbay, ang Samahan ng Turista at Paglalakbay ng Pilipinas ay nabuo noong 1950, at noong taong 1956, ang lupon ng Industriya sa Paglalakbay at Turista ay binuo ng Kongreso ng Pilipinas, hanggang sa taong 1973, ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Ministri ng Turismo na may antas-panggabinete, ang mga ahensyang Pangasiwaan ng Turismo ng Pilipinas (PTA) at Kawanihan ng Kumbensiyon ng Pilipinas (PCB).

At noong taong 1986, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 120 at Blg. 120=A na nilagdaan ni dating Pangulong Corazon Aquino, ang kagawaran ng Turismo ay naisaayos muli at ang PCB ay tinawag na Korporasyon ng Kumbensiyon at mga Panauhin ng Pilipinas (Philippine Convention and Visitors Corporation). Noong taong 1998, ang kagawaran ng Turismo ay naging isa sa mga pangunahing tanggapan ng pamahalaan na tungkulin sa matagumpay na sentenaryong pagdiriwang ng kalayaan mula sa Espanya. Noong 2002, sinimulan ng Kagawaran ng Turismo ang isa sa mga tagumpay nitong proyekto sa pagpapalawog ng turismo ang Visit Philippines 2003 sa kabila ng pahuling babala dahil sa 9-11 ataking pan terorismo sa ilalim ng panunungkulan ni Richard Gordon bilang kalihim.

Mga proyektong panturismo[baguhin | baguhin ang batayan]

Tala ng mga Kalihim ng Turismo[baguhin | baguhin ang batayan]

(*) Pansamantalang Tagapamalakad (**) Sabay na ginagampanan bilang Pangulo

Bilang Pangalan Buwang Nagsimula Buwang Nagtapos Pangulong pinaglingkuran
Kalihim ng Turismo
1 Jose Antonio Gonzales Marso 1986 30 Hunyo 1987 Corazon Aquino
2 Rafael Alunan III 1 Hulyo 1987 30 Hunyo 1989
3 Narzalina Z. Lim 1 Hulyo 1989 30 Hunyo 1992
4 Vicente Carlos 30 Hunyo 1992 1996 Fidel Ramos
* Evelyn B. Pantig 1996 1996
5 Guillermina T. Gabor 1996 30 Hulyo 1998
6 Gemma Cruz-Araneta 30 Hulyo 1998 20 Enero 2001 Joseph Estrada
7 Richard J. Gordon 20 Enero 2001 Enero 2004 Gloria Macapagal Arroyo
* Robert Ace Barbers Enero 2004 Pebrero 2004
8 Roberto M. Pagdanganan Pebrero 2004 Setyembre 2005
9 Joseph Ace H. Durano Setyembre 2005 30 Hunyo 2010
10 Alberto Lim 30 Hunyo 2010 Septyembre 2, 2011 Benigno S. Aquino III
11 Ramon Jimenez, Jr. Septyembre 2, 2011 Kasakuluyan

Mga panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang batayan]

Wikipedia-logo-en.png
Tingnan ang katumbas na artikulo sa English Wikipedia para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.



PilipinasPamahalaan Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Pamahalaan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.