Kaharian ng Hejaz

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Kaharian ng Hejaz

1916–1925
 

Flag Coat of arms
Flag of Hejaz (1917) Flag of Hejaz (1920)
Location of Hejaz
Kaharian ng Hejaz (lunti) at kasalukuyang rehiyon ng Hejaz (pula)
na nasa Tangway ng Arabya.
Kabisera Mecca
(Mga) wika Arabie · Persa (Persian)
Ottomanong Turkes
Relihiyon Islam
Pamahalaan Monarkiyang absoluto
Sharif
 - 1916–1924 Hussein bin Ali
 - 1924–1925 Ali bin Hussein
Panahong pangkasaysayan Panahon ng palitan ng digmaan (interwar period)
 - Naitatag ang kaharian 10 Hunyo
 - Kinilala 10 Agosto 1920
 - Nasakop ng Nejd 19 Disyembre
 - Ibn Saud, kinoronahang Hari ng Hejaz 8 Enero 1926

Ang Kaharian ng Hejaz ay dating isang estado sa rehiyon ng Hejaz na pinamunuan ng mag-anak na Hashemite. Naging malaya ito mula sa natitibag nang Imperyong Ottomano bilang resulta ng Unang Digmaang Pandaigdig nang ang Sharif ng Mecca ay nakipagkasundo sa mga Britaniko na ang populasyong Arabe ay susulsulan at uudyuking mag-aklas laban sa mga Turko bilang kapalit ng isang nagkakaisang bansang Arabo. Noong 1916, ipinahayag ng Sharif ng Mecca ang sarili niya bilang Hari ng Hejaz habang ang kaniyang Hukbong Sharifiano ay nakilahok sa iba pang mga puwersang Arabo at sa Imperyo ng Britanya sa pagpapaalis ng mga Turko mula sa tangway ng Arabya.

Ang rehiyon ng Hejaz ay nagkaroon ng ilang mga imprastrukturang pang-estratehiya, partikular na ang daambakal ng Hejaz, na hindi pinaandar noong panahon ng digamaan dahil sa ginamit ito upang dagdagan ang mga hukbong Turko sa rehiyon.

Noong 1925, ang kaharian ay isinanib ng kanugnog na Kasultanan ng Nejd sa ilalim ng isang muling nabuhay na Sambahayan ng Saud, at pinagsanib upang maging ang Kaharian ng Nejd at Hejaz, na sa pagdaka ay makikilala bilang Saudi Arabia (Arabyang Saudi) sa pagsapit ng 1932.[1][2]

Mga hari ng Hejaz[baguhin | baguhin ang batayan]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Madawi Al-Rasheed. A History of Saudi Arabia. Cambridge, England, UK: Cambridge University Press, 2002.
  2. A Brief overview of Hejaz - Kasaysayan ng Hejaz