Kaharian ng Tungning
|
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Ang Kaharian ng Tungning ay ang unang pamahalaang Tsinong Han na naghari sa Taywan, sa pagitan ng 1661 at 1683. Isa itong maka-Dinastiyang Ming na kaharian, at itinatag ni Koxinga, makaraan ang pagkawasak ng kapangyarihan ng Ming na isinagawa ng mga Manchu. Anak na lalaki si Koxinga ng isang dating pirata o mandarambong na iniayon ang sarili bilang isang loyalistang maka-Dinastiyang Ming; umasa siyang maihahatid niya ang kaniyang mga hukbo sa Taywan at gamitin ito bilang isang himpilan upang muling makuha ang punong-lupain ng Tsina para sa Dinastiyang Ming.
Mga nilalaman |
Mga pangalan [baguhin]
Ang Kaharian ng Tungning (Tsinong tradisyunal: 東寧王國; Tsinong payak: 东宁王国; pinyin: Dōngníng Wángguó) ay paminsan-minsan ding tinatawag na Kaharian ng Zheng (Cheng) (Tsinong tradisyunal: 鄭氏王朝; Tsinong payak: 郑氏王朝; pinyin: Zhèngshì Wángcháo) o ang Kaharian ng Yanping (延平王國). Tinawag ni Almirante Koxinga ang Taywan bilang Tungtu/Dongdu. Sa mga kasaysayan sa kanluran tinawag itong Kaharian ng Taywan,[1] at paminsan-minsang itinuring ang panahon ng paghahari bilang dinastiyang Koxinga.[2]
| Kasaysayan ng Tsina | |||||||
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| SINAUNA | |||||||
| 3 Naghahari at 5 Emperador (mitikal) | |||||||
| Neolitikong Tsina Before 2100 BCE | |||||||
| Dinastiyang Xia 2100–1600 BCE | |||||||
| Dinastiyang Shang 1600–1046 BCE | |||||||
| Dinastiyang Zhou 1122–256 BCE | |||||||
| Kanluraning Zhou | |||||||
| Silanganing Zhou | |||||||
| Panahon ng Tagsibol at Taglagas | |||||||
| Panahon ng Nagdirigmaang mga Estado | |||||||
| IMPERIYAL | |||||||
| Dinastiyang Qin 221 BCE–206 BCE | |||||||
| Dinastiyang Han 206 BCE–220 CE | |||||||
| Kanluraning Han | |||||||
| Dinastiyang Xin | |||||||
| Silanganing Han | |||||||
| Tatlong Kaharian 220–280 | |||||||
| Wei, Shu & Wu | |||||||
| Dinastiyang Jin 265–420 | |||||||
| Kanluraning Jin | 16 Kaharian 304–439 | ||||||
| Silanganing Jin | |||||||
| Katimugan & Hilagaing mga Dinastiya 420–589 | |||||||
| Dinastiyang Sui 581–618 | |||||||
| Dinastiyang Tang 618–907 | |||||||
| ( Ikalawang Zhou 690–705 ) | |||||||
| 5 Dynastiya & 10 Kaharian 907–960 |
Dinastiyang Liao 907–1125 |
||||||
| Dinastiyang Song 960–1279 |
|||||||
| Hilagaing Song | Kanluraning Xia | ||||||
| Katimugang Song | Jin | ||||||
| Dinastiyang Yuan 1271–1368 | |||||||
| Dinastiyang Ming 1368–1644 | |||||||
| Dinastiyang Qing 1644–1911 | |||||||
| MAKABAGO | |||||||
| Republika ng Tsina 1912–present | |||||||
| Republikang Popular ng Tsina (Punong Lupain ng Tsina) 1949–present |
|||||||
|
Kaugnay na mga artikulo
|
|||||||
Kasaysayan [baguhin]
Noong 1661, pinilit ni Koxinga ang isang paglapag sa Luerhmen (Tsinong tradisyunal: 鹿耳門; Tsinong payak: 鹿耳门; pinyin: Lù'ěrmén), Taywan. Sa kulang-kulang na isang taon, nabihag niya ang Kuta ng Zeelandia at nakipagkasundo sa isang tratado[3] kay Frederick Coyett, ang Olandes na gobernador, kung saan isinuko ng mga Olandes ang kuta at iniwan ang lahat ng mga mabubuting dala-dalahin at ari-arian ng Dutch East India Company. Bilang kapalit, lumisan ang lahat ng mga opisyal na Olandes, mga kawal, at mga sibilyan na dala ang mga pansariling mga pag-aari at kargamento pabalik sa Batavia, na nagwakas sa 38 taong pamamahalang kolonyal ng mga Olandes sa Taywan. Nagpatuloy si Koxinga pagtutuon ng sarili sa pagtatayo ng Taywan bilang isang kapakipakinabang na base na laban sa mga tagapagtangkilik ng Dinastiyang Qing, na may tangkang maibalik sa kapangyarihan ang Dinastiyang Ming.
Noong 1662, sa gulang na 39 taon, namatay si Koxinga dahil sa malaria, bagaman may mga hinalang namatay siya dahil sa biglang pagkawala sa sarili nang marinig ang pagkamatay ng kanyang ama sa ilalim ng Dinastiyang Qing. Pinalita siya ng kanyang anak na lalaking si Zheng Jing bilang pinuno ng Taywan, na may namanang pamagat na Prinsipe ng Yanping.
Sa loob ng susuno na 19 na mga taon, sinubok ni Zheng Jing na makapagbigay ng sapat para sa lokal na mga naninirahan at muling isinaayos ang kanilang puwersang militar sa Taywan. Madalas ang naging pakikipag-ugnayan sa Emperador ng Kangxi ng Dinastiyang Qing mula Tsina sa pamamagitan ng mga embahador. Sa pangingibabaw ng presyon mula sa Qing, nakibaka si Zheng Jing na maipagtanggol ang Xiamen, Quemoy at ang mga kapuluan ng Pescadores, na nawala rin sa kanyang mga kamay sa kalaunan sa loob ng mga taon, pangunahing dahil na sa maliliit niyang mga hukbo na hindi sapat para ipaglaban mula sa Qing. Sa panahon ng Pag-aalsa ng Tatlong mga Piyudatoryo, inilunsad ni Zheng Jing ang isang opensibo o pagsalakay sa pook ng Fujian. Sa pagtatapos ng pag-aalsa, nagtamo si Zheng ng isang mabigat na pagkagapi. Pagkalipas ng pagkatalo, nagbalik si Zheng sa Taywan kung saan nagpakalunod siya sa alak at kababaihan, at namatay kaagad dahil sa isang karamdaman. Sa kanyang kamatayan, nahati sa dalawang pangkat ang kanyang mga heneral at mga ministro, na bawat isa ay sumusuporta sa isa sa kaniyang anak na lalaki bilang tagapagmana o kapalit. Makalipas ang ilang mga panloob ng pag-aalitan, ang kanyang bata at labindalawang taong gulang na anak na si Zheng Keshuang ang pumalit sa kanya bilang hari.
Noong 1683, pagkalipas ng Labanan ng Penghu, sumuko si Zheng Keshuang sa kahilingan ng Qing, at isinanib ang kanyang kaharian sa Dinastiya ng Qing bilang bahagi ng Lalawigan ng Fujian.
Pamana [baguhin]
Umiral ang Kaharian ng Tungning ng mahigit sa 20 mga taon lamang, subalit sa mga pagiging kahanay nito sa pangkasalukuyang katayuang pulitikal ng Taywan, nagpapatuloy itong humahawak ng isang halagang may maringal na kasagisagan.
Makaraan ang pagkatalo nito sa Digmaang Sibil ng Tsina noong 1949, umatras sa Taywan ang Republika ng Tsina (ang ROC o Republic of China) na pinamumunuan ng Kuomintang, na iniwan ang Punong-lupain ng Tsina sa Partidong Komunista ng Tsina na sa kalaunan ay naglunsad ng Republikang Popular ng Tsina (ang People's Republic of China o PRC). Sa loob ng sumunod na ilang mga dekada, tumuon ng pansin ang Republika ng Tsina o ROC sa muling pagkuha sa punong-lupain, sa pamamagitan ng pagpapanatili ng mga himpilan o base sa pulo na malapit sa punong-lupain (halimbawa na ang Quemoy), katulad ng ginawa ni Koxinga at ng kanyang mga kaapu-apuhan.
Bagaman naging demokratisado na ang Republika ng Tsina at hindi na nakatuon lamang sa muling pagsakop sa punong-lupain, nananatiling hindi nagbabago ang kaayusang pampulitika at pangteritoryo. Sa ganitong kaso, mayroong malaking pagkakatulad sa pagitan ng kalagayan sa pagitan ng Dinastiyang Qing at ni Koxinga at ng pangkasalukuyang katayuan sa pagitan ng Republikang Popular ng Tsina at Republika ng Tsina.
Mayroon ang Kuomintang ng Republika ng Tsina, na hindi kagulat-gulat, ng pagkakatuon sa mga layunin ni Koxinga, iyon ang gamitin ang Taywan bilang isang himpilan ng pagpapanumbalik ng kanilang pamahalaan sa Punong-lupain ng Tsina, kahanay ng kung paano nila tinatanaw ang kanilang mga sarili bilang mga tagapagtanggol ng Republika ng Tsina, at ang Taywan bilang isang himpilan kung saan magmumula ang muling pagsakop sa punong-lupain. Pangkalahatan naman nakatuon ang Republikang Popular ng Tsina sa katotohanan si Koxinga ang nagpalaya sa Taywan mula kolonyalismo ng mga Olandes para sa kapakanan ng inang-bayan, habang pinabababa naman o hindi binibigyan ng kahalagahan ang diwa ng katotohanang si Koxinga ang nakatuon sa pagpapatalsik ng pamahalaang nasa punong-lupain noong panahong iyon upang mapanumbalik ang kapangyarihan ng isang dating dinastiya.
Sanggunian [baguhin]
- ↑ Kerr, George H. (1945) "Formosa: Island Frontier" Far Eastern Survey 14(7): pp. 80-85, p. 81
- ↑ "Historical and Legal Aspects of the International Status of Taiwan (Formosa)" WUFI
- ↑ "Koxinga-Dutch Treaty (1662)" Apendiks 1 hanggang Bullard, Monte R. (hindi pa nalalathala) Strait Talk: Avoiding a Nuclear War Between the U.s. and China over Taiwan Monterey Institute of International Studies
Tingnan din [baguhin]
| Naglalaman ang artikulong ito ng mga tekstong Tsino. Kapag walang tamang suportang pampanitik, maari kang makakita ng mga tandang pananong, mga kahon, o ibang sagisag sa halip na mga karakter na Intsik. |