Kakaibang quark

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Kakaibang quark
Komposisyon Elementaryong partikulo
Estadistika Fermioniko
Henerasyon Ikalawa
Mga interaksiyon Malakas na interaksiyon, Mahinang interaksiyon, elektromagnetismo, grabidad
Simbolo s
Antipartikulo Strange antiquark (s)
Nag-teorisa Murray Gell-Mann (1964)
George Zweig (1964)
Masa 100+30−20 MeV/c2[1]
Nabubulok sa Up quark
Elektrikong karga 13 e
Kargang kulay Yes
Ikot 12
Mahinang isospin LH: −12, RH: 0
Mahinang hyperkarga LH: 13, RH: −23

Ang kakaibang quark (Ingles: strange quark o s quark mula sa simbolong s) ang ikatlong pinakamagaan sa lahat ng mga quark na isang uri ng elementaryong partikulo. Ang mga kakaibang quark ay matatagpuan sa mga hadron na mga subatomikong partikulo. Ang halimbawa ng mga hadron na naglalaman ng kakaibang quark ay kinabibilangan ng kaon(K), kakaibang D meson(Ds), Sigma baryon (Σ), and other strange particle. Ang kakaibang quark ay minsang tinatawag na sideways quark in the past.[2]

Ito kasama ng charm quark ay bahagi ng ikalawang henerasyon ng materya at may elektrikong karga na −13 e at isang bare na masa na 100+30−20 MeV/c2.[1] Tulad ng lahat ng mga quark, ang kakaibang quark ay isang elementaryong fermion na may ikot-12, at dumaranas ng lahat ng pundamental na interaksiyon: grabitasyon, elektromagnetismo, mahinang interaksiyon at malakas na interaksiyon. Ang antipartikulo ng kakaibang quark ang kakaibang antiquark(strange antiquark)(na minsang tinatawag na antistrange quark o simpleng antistrange) na iba lamang dito sa dahilang ang ilang mga katangian nito ay may katumbas na magnitudo ngunit kabaligtarang senyas.

Ang unang kakaibang partikulo(na partikulong naglalaman ng kakaibang quark) ay natuklasan noong 1947(kaon) ngunit ang eksistensiya ng mismong kakaibang quark gayundin ng taas na quark at babang quark ay pinostula noong 1964 nina Murray Gell-Mann at George Zweig upang ipaliwanag ang Eightfold Way na klasipikasyong skema ng mga hadron. Ang unang ebidensiya para sa eksistensiya ng mga quark ay dumating noong 1968 sa mga malalim na inelastikong pagkakalat na mga eksperimento sa Stanford Linear Accelerator Center. Ang mga eksperimentong ito ay kumompirma sa eksistensiya ng taas at babang quark at sa ekstensiyon ang mga kakaibang quark dahil sa ang mga ito ay kailangan upang ipaliwanag ang Eightfold Way(Makawalong Daan).

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]