Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas
|
|
Ang artikulong ito ay maaring nangangailangan ng pagsasaayos upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. (Marso 2007) |
| Ang artikulo o bahaging ito ay maaring kinakailangang isa-Wiki upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. (Abril 2007) |
| Ang artikulong ito ay hindi sumisipi ng anumang sanggunian o pinagmulan. (Nobyembre 2009) Tumulong sa pagpaganda ng artikulo sa pagdagdag ng mga sipi sa mga makakatiwalaang pinagmulan. Ang hindi matiyak na nilalaman ay maaaring mapagdudahan at matanggal. |
Noong hunyo 12, 1898, sa balkonahe ng bahay ni Hen. Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite ay naganap ang pinakaaasam-asam ng mga pilipino ang pagpapahayag ng kasarinlan. Libu-libong rebolusyonaryo mula sa iba;t ibang lalawigan ang dumalo sa makasaysayang araw na ito. Sila ang saksi sa madamdaming pagbasa ni Ambrosio Rianzares Bautisa ng deklarasyon ng kasarinlan. Sinundan ito ng pagtataas sa kauna-unahang pagkakataon ng bandilang Pilipino sa saliw ng Marcha Filipina Magdalo. Madamdamin man ang araw na ito ay pinatunayan naman ng mga Pilipino sa mundo ang kakayahan sa pagsasarili. Ang bandilang naiwagayway sa Cavite ay ginawa pa sa Hong Kong nina Marcela at Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza de Natividad. Ang Marcha Nacional Filipina ay komposisyon naman ni Julian Felipe na nilapatan lamang ng titik ni Jose Palma. Kinilala ng US ang kasarinlan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946. Ngunit sa bisa ng Republic Act 4166 na nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal noong 1964, ang Hunyo 12 ang naging opisyal na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
![]()
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.