Kalinis-linisang Paglilihi

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Kalinis-linisang Paglilihi sa Birhen Maria o Inmaculada Concepción sa Espanyol (Latin: Immaculata Conceptio) ay Dogma ng Simbahang Katoliko na tumutukoy sa kawalang-bahid sa salang orihinal ng Birhen Maria noon pa mang siya'y ipinaglihi ng kaniyang inang si Santa Ana, na di-gaya ng lahat ng tao na nagmamana ng salang orihinal. Ito ay isa sa apat na dogmata ng Simbahang Katoliko patungkol sa Birhen Maria at nakasaad sa bulang Ineffabilis Deus na ipinahayag ni Papa Pio IX noong Disyembre 8, 1854.[1] Karaniwang nagdudulot ng kalituhan ang kalinis-linisang paglilihi kay Maria at ang pananatiling niyang birhen bago at matapos niyang ipagdalang-tao si Hesus, sa pag-aakalang ito'y tumutukoy sa paglilihi ni Maria kay Hesus.

Kasaysayan ng dogma[baguhin]

Kahulugan ng dogma[baguhin]

Napapaloob sa Ineffabilis Deus:

...Ang pinagpalang Birhen Maria ay di-nagmana ng kasalanang orihinal magmula nang ipaglihi dahil sa isang katangi-tanging biyaya ng Diyos na makapangyarihan, pakundangan sa mga karapatan ni Hesukristong Mananakop ng sangkatauhan...[2]

Pagbatay sa Bibliya[baguhin]

Walang tahas, tiyak at matibay na katibayan sa Bibliya ang tumutukoy sa pagiging-Immaculata (macula na ang kahulugan sa Latin ay "bahid") ng Birhen Maria at mistulang nakabatay lamang ayon sa tradisyon at turo ng mga Ama ng Simbahan.[3] Ngunit ang unang paglalahad sa Bibliya ng pagtubos ng sangkatauhan ay nagbabanggit din ng Ina ng Manunubos.

Kayo ng babae'y aking pag-aawayin,
binhi mo't binhi niya'y lagi kong paglalabanin.
Ang binhi niya ang dudurog sa iyong ulo,
at sa sakong niya'y ikaw ang tutuklaw.

Genesis 3:15[4]

Ipinagpapakahulugang si Maria ang babae na kakalaban sa ahas at si Hesus ang binhi na dudurog naman sa ulo nito. Ang pagtatalaga ng Diyos sa babae na kakalaban sa ahas ay gaya ng pagtatalaga kay Kristo laban sa binhi ng ahas. Sa kadahilanang ito, kaya binubunyi si Maria dahil ang kabunyiang ito, ayon sa mga turo ng Simbahang Katoliko ay nawasak na ng ahas sa mga tao. Subalit ang paggamit ng "babae" sa Vulgata ay pawang interpretasyon lamang at sadyang mahirap mapangatwiranan.[3][5] Isinasalarawan naman sa Ebanghelyo ni Lucas ang kasaganahan ng grasya ni Maria, nang batiin siya ng Anghel:

Aba Maria, napupuno ka ng grasya...[6]

Mistulan ang pag-uugnay kay Maria sa kapunuaan niya ng grasya ang malinaw na pagpapatunay ng pakikipaglaban niya kay Satanas.[3]

Kapistahan[baguhin]

Ang naunang kapistahan ng Paglilihi kay Birhen Maria o Paglilihi ni Santa Ana ay ipinagdiwang na sa Palestina noon pa mang ika-pitong siglo, gaya ng paggunita rin ng kapistahan ng Paglilihi kay San Jose

Nagsimula ang pagdiriwang ng Paglilihi sa Birhen Maria noon pang ika-7 siglo sa mga monasteryo sa Palestina, ngunit di gaya Tinatanaw na isang dakilang kapistahan ng Simbahang Katoliko ang Kapistahan ng Inmaculada Concepcion tuwing Disyembre 8. Ito'y isa sa Pistang Pangilin sa karamihan ng mga bansang Katoliko.

Patron[baguhin]

Ang Inmaculada Concepcion ay pangunahing patron ng Brazil, Espanya, Estados Unidos, Nicaragua, Pilipinas, Portugal at Tanzania.[7]

Pagtuligsa[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]