California

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kaliporniya)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Estado ng California
Watawat ng California Pang-estadong sagisag ng California
Watawat ng California Sagisag ng California
Mga palayaw: Ang Ginintuang Estado
Mga motto: Eureka[1]
Kilala bilang Republika ng California bago ng pag-eestado Firstbearflag.jpg
Map of the United States with California highlighted
Opisyal na wika Ingles
Kabisera Sacramento
Pinakamalaking lungsod Los Angeles
Area  Inuuri bilang 3rd
 - Kabuuan 158,302 sq mi
(410,000 km²)
 - Lapad 250 miles (400 km)
 - Haba 770 miles (1,240 km)
 - % tubig 4.7
 - Latitud 32°30'N to 42°N
 - Longhitud 114°8'W to 124°24'W
Populasyon  Inuuri bilang 1st
 - Kabuuan (2000) 33,871,648
 - Densidad 217.2/sq mi 
83.85/km² (12th)
 - Kalagitnaang sahod  $49,894 (13th)
Kataasan  
 - Pinakamataas ng tuktok Mount Whitney[2]
14,505 ft  (4,421 m)
 - Karaniwan 2,900 ft  (884 m)
 - Pinakamababa na tuktok Death Valley[2]
-282 ft  (-86 m)
Pagtanggap sa Unyon  9 Setyembre 1850 (31st)
Gobernador Jerry Brown (D)
Mga senador pang-Estados Unidos Dianne Feinstein (D)
Barbara Boxer (D)
Time zone Pacific: UTC-8/-7
Mga daglat CA Calif. US-CA
Websayt www.ca.gov

Ang California /ka·li·for·nya/ ay isang estado na matatagpuan sa kanlurang pampang ng Estados Unidos. Ito ang pinakamataong estado sa Estados Unidos, at kung magiging independeng bansa, magiging pang-anim sa pinamalaking ekonomiya sa buong mundo, pagkatapos ng Pransiya na halos magkalapit lamang at nilagpasan ang lahat ng mga pinagsamang bansa. Marahil ang pinaka-ibang estado sa bansa sa pisikal at demograpikal na anyo, "Ang Ginuntuang Estado" o The Golden State ang kanyang opisyal na palayaw. Kadalasang inaakalang pantukoy sa Gold Rush (Dagsa ng Ginto) ng California noong 1849 ngunit sa katotohanan tumutukoy ito sa sa mga natural na damo na nagiging ginto ang kulay tuwing panahon ng tag-araw. CA ang opisyal na daglat pangkoreo ng California, at sa Associated Press, Calif. naman ang daglat nito.

Pinagmulan ng pangalan[baguhin]

Orihinal na tumutukoy ang salitang California sa buong rehiyon na bumubuo sa Tangway ng Baja California ng Mehiko, at ng mga kasalukuyang mga estado ng California, Nevada, at ng Utah, at ilang bahagi ng Arizona, Bagong Mehiko at Wyoming.

Mas kadalasang pinaniniwalaan na ang California ay hango sa isang kathang-isip na paraiso na tinitirahan ng mga Amasona na pinamumunuan ni Reyna Calafia.[3][4] Nakatala ang kuwento ni Calafia isang gawa noong 1510 na Ang mga Pagsasamantala ng Esplandian, isinulat bilang kasunod ng Amadis de Gaula ng Kastilang manunulat at abentura na si Garci Rodríguez de Montalvo.[5][6][7] Ayon kay Montalvo, isang malayong lupain ang kaharian ni Reyna Calafia, na tinitirahan ng mga gripon at ng iba pang mga kakaibang mga halimaw, at mayaman sa ginto.

Ika-5 ang salitang California sa mga lumang salitang panglugar ng mga Europeo sa Estados Unidos at dating ginagamit sa ngayong pinakatimog na dulo ng tangway ng Baja California bilang Pulo ng California ng mga Kastilang manlalayag na pinamumunuan ni Diego de Becerra at Fortún Ximénez, na dumaong doon noong 1533 sa utos ni Hernán Cortés.[8]

Mga Sanggunian[baguhin]

  1. "GOVERNMENT CODE SECTION 420-429.8". Official California Legislative Information. http://www.leginfo.ca.gov/cgi-bin/displaycode?section=gov&group=00001-01000&file=420-429.8. Hinango noong 2007-02-26. 
  2. 2.0 2.1 "Elevations and Distances in the United States". U.S Geological Survey. 29 Abril 2005. http://erg.usgs.gov/isb/pubs/booklets/elvadist/elvadist.html#Highest. Hinango noong 3 Nobyembre 2006. 
  3. Putnam, Ruth (1917). "Appendix A: Etymology of the Word "California": Surmises and Usage". In Herbert Ingram Priestley. California: the name. Berkeley: University of California. pp. 356–361. http://www.archive.org/details/cu31924008278347. 
  4. Vogeley, Nancy (20 Abril 2001). "How Chivalry Formed the Myth of California". Modern Language Quarterly (University of Washington) 62 (2): 165–188. doi:10.1215/00267929-62-2-165. http://mlq.dukejournals.org/cgi/pdf_extract/62/2/165. 
  5. Gudde, Erwin G. and William Bright. 2004. California Place Names: The Origin and Etymology of Current Geographical Names. p.59–60
  6. Lavender, David (1987). California: Land of New Beginnings. University of Nebraska Press. p. 27. ISBN 0-8032-7924-8. OCLC 15315566. 
  7. "Online Etymology Dictionary". Etymonline.com. 24 Hunyo 1957. http://www.etymonline.com/index.php?search=california&searchmode=none. Hinango noong 2 Hulyo 2010. 
  8. Stewart, George (1945). Names on the Land: A Historical Account of Place-Naming in the United States. New York: Random House. pp. 11–17. 




Estados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.