Kapeng barako

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang kapeng barako o barako ay isang uri ng kape na tumutubo sa Pilipinas, lalu na sa mga lalawigan ng Batangas at Cavite. Mula ito sa uring Coffea liberica,[1] subalit ginagamit din ang pangalang ito sa lahat ng kapeng galing sa mga lalawigang nabanggit. Nagmula ang salitang "barako" mula sa salitang ginagamit para sa lalaking hayop.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong kalagitnaan ng Dekada '90 tinamaan ng sakit na "Hemileia vastatrix" ang mga plantasyon ng kape sa Pilipinas na nagdulot sa pabagksak ng industriya ng paggawa ng Kape Barako. Nakaapekto rin ang mga kapeng nagmumula sa Timog Amerika at Biyetnam.[2] Dahil dito, napilitang lumipat sa ibang mga halaman ang mga nagtatanim nito kaya't halos maubos ang lahi ng kape.[3] Kasalukuyang sinusubukang buhayin muli ang ugaling pagtatanim nito.[4]

Mga katangian[baguhin | baguhin ang batayan]

Itininimpla ang kape sa pamamaraang "French press" o ang pagbuhos ng mainit na tubig sa mga dinurog sa piraso ng kape na nasa loob ng isang tela. Kadalasang ginagamitan ng pampatamis ang kape, gaya ng pulot o kayumangging asukal. Maaring gamitin ang Kape Barako sa paggawa ng espresso. Maliban sa pagiging inumin, ginagamit din ang kape para sa mga ispa.[5]

Mga pangalan sa pamilihan[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Batanggas Brew
  • Cafe de Lipa
  • Figaro
  • Kape Amadeo
  • Siete Barako

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]