Kapitan Laut Buisan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Buisan
Sultan
Paghahari Kasultanan ng Maguindanao: 1597–1619
Buong pangalan Kapitan Laut Buisan
Mga pamagat Datu Katchil
Sultan Laut Buisan
Kamatayan 1619
Kahalili Muhammad Dipatuan Kudarat

Si Kapitan Laut Buisan (namuno: 1597–1619), kilala din bilang Datu Katchil o Sultan Laut Buisan, ay ang ika-anim na Sultan ng Maguindanao sa Pilipinas. Isa siyang inaapo ni Shariff Kabungsuwan, isang Muslim na misyonaryo na nagturo ng Islam sa Pilipinas.[1]

Buhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Buisan ay ang nakakabatang kalahating-kapatid ni Sultan Dimasangcay Adel (namuno: 1578–1585) at ni Sultan Gugu Sarikula (namuno: 1585–1597), na parehong may kaugnayan sa Sultanato ng Sulu.[2] Namuno siya higit sa inaanak niya, ang Rajah Muda or prinsipeng tagapagmana, pagkatapos mamatay ni Sarikula. Ang Rajah Muda ay anak ni Dimasangcay.[2] Noong 1597, natalo si Buisan sa Labanan ng Buayan. Kaya noong 1602 ay nakipagsundo siya kay Rajah Sirongan sa paglusob sa Cuyo at Calamianes sa pamamagitan ng 100 bangka.[3] Noong 1603, nahuli ni Buisan si Melchor Hurtado, isang Heswitang pari, at ito ang nagpatibay sa alyansa niya sa mga datu ng Leyte. Ngunit, dahil sa isang hindi matagumpay na pangangayaw (pangangayaw ang tawag sa paglusob ng mga bayan upang manguha ng mga alipin) noong 1606, si Buisan at ang Rajah Muda ay lumayo mula kay Sirongan at nagtatag ng bagong bayan sa Cotabato. Kinalaunan, humina ang impluwensiya ni Sirongan pagkatapos nitong pumayag na makipagsundo sa mga Kastila. Sinundan si Buisan ng kanyang anak, si Muhammad Dipatuan Kudarat (namuno: 1619-1671), na unang nakilala sa kanyang bayan dahil sa isang pangagayaw noong 1616.[4]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "MAGUINDANAO". http://www.webcitation.org/query?url=http://www.geocities.com/lppsec/pp/maguindanao.htm&date=2009-10-26+01:59:24. Hinango noong 13 Hulyo 2012. 
  2. 2.0 2.1 Majur, Cesar Adib (1999). Muslims in the Philippines. University of the Philippines Press. 
  3. "KAPITAN LAUT BUISAN". http://www.msc.edu.ph/centennial/hero/armm/page6.html. Hinango noong 11 July 2012. 
  4. Quirino, Carlos. Who's Who in Philippine History.