Kapuluan ng Kalayaan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kapuluan ng Kalayaan, Palawan)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mapa ng mga Pulo ng Spratly

Ang Kapuluang Kalayaan o Spratly Islands ay isang kapuluan na nagtataglay ng mahigit-kumulang 100 maliliit na pulo na nasa Dagat Luzon. Hindi alam at pinagtatalunan ang hanganan ng kapuluan. Bahagi ito ng Palawan[kailangan ng sanggunian], at napapalibutan ito ng dagat na mayaman sa isda at mga malalaking deposito ng langis. Dahil dito, pinag-aagawan ito ng iba't ibang bansa. Ang mga bansang Republika tulad ng Republikang Popular ng Tsina (PRC), Republika ng Tsina (Taiwan), at Biyetnam ay inaangkin ang kabuuan ng kapuluan, habang ang mga bansang Brunay, Malaysia, at ang Pilipinas ay inaangkin ang iba't ibang bahagi.

Matatagpuan ang mga Pulo sa Timog-silangang Asyang pangkat ng mga batuhang-babaw (mga reef) at mga pulo sa Timog Dagat Tsina, mga dalawang kakatlo (two-thirds) ang layo mula katimugang Vietnam at katimugang Pilipinas.

Tingnan din[baguhin]