Kapuluang Cocos (Keeling)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Cocos is located in Indian Ocean
Cocos
Kinaroonan ng Kapuluan ng Cocos sa Karagatan ng India

Ang Teritoryo ng Kapuluan ng Cocos (Keeling) (Ingles: Territory of Cocos (Keeling) Islands), na tinatawag ding Kapuluan ng Cocos (Cocos Islands) at Kapuluan ng Keeling (Keeling Islands), ay isang teritoryo ng Australia. Mayroong dalawang mga karang at 27 mga pulo ng mga batumbulaklak (mga koral) sa loob ng pangkat na ito. Ang mga pulo ay matatagpuan sa Karagatan ng India, humigit-kumulang na kalahati ng daan magmula sa Australia hanggang sa Sri Lanka.

Pamahalaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang kabisera ng Teritoryo ng Kapuluan ng Cocos (Keeling) ay ang West Island (literal na "Pulo ng Kanluran" o "Pulo sa Kanluran"), samantalang ang pinakamalaking pamayanan ay ang nayon ng Bantam (Home Island, literal na "Tahanang Pulo" o "Pulong Tahanan"). Ang pamamahala ng kapuluan ay nakabatay sa "Batas ng Kapuluan ng Cocos (Keeling) ng 1955" (Cocos (Keeling) Islands Act 1955) [1][2]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]