Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2007 Mayo 31

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
  • Estados Unidos Sinabi ng White House na nais ni Pangulong George W. Bush (nasa larawan) ng Estados Unidos ang pangmatagalang pananatili ng tropang Amerikano sa Iraq tulad ng sa Timog Korea upang mapangalaagan ang kapayapaan at kaayusan sa Iraq.
  • Pilipinas Apat na katao, kabilang ang isang Aleman na asawa ng isang Filipina, na dinukot noong Huwebes nang mga di kilalang armadong tao sa bayan ng Pikit sa North Cotabato ang pinakawalan ngayon sa kamay ng pamahalaang Pilipinas. Ang apat na katao ay sina Consuelo San Juan at Diego Daniel at ang mag-asawang Thomas Wallrath at May Sharon Jackson.
  • Pilipinas Pinag-utos ng Ombudsman ang pagtanggal sa pwesto ng punong tagapagtuos (Chief accountant) ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Sa 29-pahinang hatol nito, napatunayan ni Ombudsman Merceditas Guttierez na nagkasala si Generoso Reyes del Castillo ng grave misconduct, dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of the service matapos siyang magsinungaling sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).