Kasangkapan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Kasangkapan (paglilinaw).

Ang kasangkapan o kagamitan ay mga bagay na ginagamit upang makatulong sa pagpapadali ng mga gawain. Umunlad ang mga kasangkapan sa padaan ng panahon. Dumating ang inobasyon o pagpapainam ng mga kasangkapan sa panahon ng mga kapanahunang katulad ng Panahon ng Bato at Panahon ng Tansong-Pula. Nagamit ang mas nagagamit na mga materyal at nalikha ang mas maiinam na mga kasangkapan. Naging makabagong mga kasangkapan ang mga nalikha at mga imbensiyong ito.

Ilan sa mga halimbawa ng mga kasangkapang kalimitang ginagamit sa kasalukuyan ang martilyo, wrench, lagari, at panghukay. Mga kasangkapan din ang mga kutsilyo at mga panulat tulad ng lapis at bolpen.

Kabilang sa ibang tawag sa kasangkapan ang instrumento, gamit, o antutay. Kasangkapan din ang makina at agmaneho ng sasakyan. Sa ibang pakahulugan, ginagamit din ang salitang kasangkapan upang tukuyin ang isang taong ginagamit, taong sunudsunuran, kaya't parang tau-tauhan lamang o "robot".[1]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Gaboy, Luciano L.. "Tool". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

dining room sets


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.