Kasaysayan ng Aprika

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang kasaysayan ng Aprika ay nagsisimula sa unang makabagong mga tao at humahantong sa pangkasalukuyang mahirap na katayuan ng Aprika bilang isang kontinenteng may umuunlad na politika. Ang sinaunang panahong pangkasaysayan ng Aprika ay kinabibilangan ng paglitaw ng kabihasnan ng Ehipto, ng pag-unlad pa ng mga lipunan na nasa labas ng Lambak ng Ilog ng Nilo, at ang pakikisalamuha sa pagitan ng mga ito at ng mga kabihasnan na nasa labas ng Aprika. Noong kahulihan ng ika-7 daantaon, ang Hilagang Aprika at Silangan Aprika ay mabigat na naimpluwensiyahan ng paglaganap ng Islam. Humantong ito sa paglitaw ng bagong mga kulturang katulad ng kultura ng mga taong Swahili. Humantong din ito sa pagtaas ng pangangalakal ng mga alipin na nagkaroon ng napakasamang impluwensiya sa pag-unlad ng buong kontinente magpahanggang sa ika-19 daantaon. Nagtagumpay ang unang mga kilusang pangkalayaan noong 1951 nang ang Libya ay maging ang unang dating kolonya na maging nagsasarili. Ang makabagong kasaysayan ng Aprika ay naging puno ng mga himagsikan at mga digmaan, pati na ng paglaki ng makabagong mga ekonomiyang Aprikano at ng demokratisasyon sa kahabaan ng kontinente.

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]



AprikaKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Aprika at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.