Kasaysayan ng teknolohiya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang kasaysayan ng teknolohiya ay ang kasaysayan ng pagkaimbento ng mga kasangkapan at mga teknik, at kahalintulad ng maraming mga paraan sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ang panlikurang sanligan o kaalaman ay nagbigay ng kakayahan sa mga tao upang makalikha ng bagong mga bagay at maraming mga pagsusumikap na pang-agham na naging maaari dahil sa teknolohiya na nakakatulong sa mga tao upang makapaglakbay at marating ang mga pook o lugar na hindi nila mapupuntahan, at kilatisin o siyasatin ang kalikasan ng uniberso na lalong mas detalyado kaysa sa napapahintulutan lamang ng likas na mga pandama.

Ang artipaktong pangteknolohiya ay mga produkto ng sistemang pang-ekonomiya, isang puwersa para sa kaunlarang pangkabuhayan, at isang malaking bahagi ng pang-araw-araw na buhay. Ang mga inobasyong pangteknolohiya ay nakakaapekto sa at naaapektuhan din ng mga kaugaliang pangkalinangan ng isang lipunan. Ang mga ito ay isa ring kaparaanan o kagamitan upang makapagpaunlad at makapagpamukha o makapagpamalas ng kapangyarihang pangmilitar.

Tingnan din[baguhin]


TeknolohiyaKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.